FINAL 2

6.9K 178 15
                                    

FINAL2 : RUSH NA NAMAN...

Habang tumatakbo ang oras nakakaramdam si Red na nangangawit na ang kanyang mga kamay. Dumating si Howard..

"Salamat at nagdesisyon kang tulungan s'ya." Lumapit si Howard at hinipo ang noo ni Red.

"Ayaw kong ipaalam mo sa kanya ang ginawa kong ito."

" Okay."

"Bakit mo nga pala napagdesisyonang ituloy ito?"

Hindi agad sumagot si Red.

"Ayaw kong magalit ang anak ko balang araw dahil sa pagtangging tulungan ang ama n'ya."

Ngumiti si Howard.

 "You still love him, don't you?"

 "Minsan lang ako magmahal. Pagtinapon ko..ayaw kong nang pulutin."

 "Parang basura? Pero alam mo, kahit ang basura bumabalik parin..kaya nga may RECYCLE eh. Para magamit ulit."

"Howard, ano bang gusto mong palabasin?"

"There is another chance for both of you."

Umiling si Red.

"I don't think so..."

"Why?"

"Tama na Howard. Masaya na ako. Kasama ko na ang mga anak ko. Si Viola lang naman ang ninais ko. Kung nangarap ako noon para sa amin ni Blue..hanggang doon lang 'yon."

"Red..you deserve to be happy. Nakalimutan mo na ba..KUNG WALANG RED AT BLUE..WALANG PURPLE. Ganun kayong dalawa..kaya nga merong Viola ( violet / purple )."

"Binibiro mo naman ako eh."

"I just want you to smile."

Napangiti rin si Red.

Ilang oras matapos ang pagkuha ng dugo ni Red.

"Bukas..isasalin na namin ang dugo mo kay Blue. Magpahinga ka muna."

Tumango si Red.

Napaisip si Red sa isang bagay na pinangambahan n'ya kaya naisipan n'yang ituloy ang lahat dahil..

FLASHBACK

Muling bumalik si Howard sa pamamahay ni Red.

"Red, I'm here to ask you again. Please, help him. He's going to die. Alam kong meron ka paring konsensya d'yan sa puso mo."

"Bakit ba pinagpipilitan mo ako na sagipin ang buhay n'ya? Ako na lang ba ang natitirang tao sa mundo na kamatch n'ya?"

"Oo, Red. Maraming tao sa mundo. Pero 1 o 2 lang ang posibleng kamatch ni Blue. Red, hindi basta basta ang paghanap ng kamatch. Nandito ka na, sa 'yo nakalaan ang lahat. Gawin mo ito hindi dahil sa nakaraan ninyo..kundi kay Viola. ILIGTAS MO ANG BUHAY N'YA. HINDI NINYO KASALAN KUNG NAUWI KAYO SA GANITONG KALAGAYAN. "

-------------------------------------------------------------

Kinabukasan..inilipat si Blue sa ibang silid; kung saan isasalin ang dugo ni Red kay Blue.

"Hi, Good Morning." Bati ni Howard. Kasama nito ang ilang nurse na mag-aasikaso sa paglipat ng dugo kay Blue.

"Para sa ano ito?" Medyo kinabahan si Blue.

"Ahmmm...dugo para sa 'yo."

Umaasa si Blue na marinig mula kay Howard na galing kay Red ang dugo.

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon