Chap. 26
Tanghali, sa Recycle Center ni Gaston..Maagang dumating ang binata upang pangasiwaan ang mga basurang dinudurog sa isang malaking recycling machine.
“Sir, pinabibigay po ni Oliver sa inyo.” Iniabot kay Gaston ang isang kapirasong papel.
Binasa n’ya ang nakasulat..
SIR GASTON,
Sumulat po ako upang ipaalam sa inyo, na simula sa araw na ito—Hindi na po ako papasok.
Sa kadahilanang kailangan po naming umalis sa lugar na ito. Sana maunawaan po ninyo ang aming kalagayan ngayon.
Oliver
Umiba ang timpla ng mukha ni Gaston. Halos nagtatakbo s’ya na bumalik sa kanyang sasakyan. Pinaharurot ni Gaston ang kotse. Inisip n’ya na sana maabutan n’ya sina Red sa bahay.
Nang marating ni Gaston ang bahay nina Red. Agad n’yang pinarada sa tabi ng daan ang kotse at nagmamadaling bumaba. Nakita n’yang bukas ang bakuran. Kinabahan si Gaston.
“Red! Red!” Agad pumasok si Gaston sa loob ng bahay.
Ngunit wala na ni isang gamit s’yang nakita sa loob nito.
Palinga linga si Gaston. Lumabas s’ya ng bahay. Nakita n'yang May isang babaeng naglalakad sa daan.
“Ale, alam ba ninyo kung nasaan sina Red?”
“Ahh..Sir sorry po. Wala po akong alam.”
Hindi na alam ni Gaston kung kanino magtatanong. Naisipan n’yang lumapit sa isang tindahan sa di kalayuan.
“Tao po!”
“Ay Good Morning po Sir.” Bati ng tindera kay Gaston.
“Magtatanong po sana ako..tungkol kina Red. Alam ba ninyo kung saan sila pumunta?”
“Ahhh...madaling araw po silang umalis kanina. Lulan po sila ng isang malaking dyip. Ang pagkakaalam ko po umuwi na sila sa kanilang bukirin.”
“Alam n’yo po ba kung nasaan ‘yon?”
![](https://img.wattpad.com/cover/24631144-288-k780414.jpg)
BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomanceIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...