Chap. 10

6.1K 205 8
                                    

AN : Sa lahat ng readers..H'wag masyado tayong magmadali sa mga eksena ng kaguluhan..unawain muna natin ang bawat pangyayari. AT KUNG SA TINGIN NINYO AY WALANG KABULUHAN ANG STORY NA 'TO..STOP READING! 

Niyayang kumain ni Blue ang pinsan nito. Napansin ni Blue ang panakanakang titig ni Gaston kay Red. Ang mga titig na ganun ay kabisadong kabisado ni Blue.

“Ehem, balita ko ikaw pala ang nagmamay-ari ng Recycle Center sa kabilang kanto. Mabuti naman at pinayagan kang itayo dito sa Santa Catalina.”

“Oo, naman. Maraming maitutulong ang recycle center ko. Hindi lang para sa mga basurahan nakasentro kundi makakatulong narin sa pagbigay trabaho sa ibang tao. Mapapadali rin ang pagbenta ng mga bakal, plastik, karton at lata..DI BA RED?”

Tumikhim si Red.

“Opo, Sir.”

“Ibig sabihin n’yan mapapadalas mong makikita si Red, doon?” Tanong ni Blue.

“Malamang.” Sabay inum ni Gaston ng juice.

Tumingin si Blue kay Red. Umirap naman si Red.

“Mmmmm..masarap ang ulam mo Blue. Si Red ba ang nagluto nito?”

“Oo.” Tipid na sagot ni Blue.

“Red, kung may oras ka..pwedeng lutuan mo ako ng ulam pag pupunta ka sa Center. Pagsasabihan ko ang canteen, doon.”

“Sir, wala ho akong panahon magluto. Maliban nalang kung dito sa bahay ni Sir Blue.” Sagot ni Red.

“Kahalili s’ya ni Nanay Meding.” Dagdag ni Blue.

“Wala pala akong tsansa na muling matikman ang luto mo. Pwede siguro na dito na lang ako kakain ng dinner ko sa bahay mo Blue.”

Nagkatinginan ang dalawa.

“Sure. Bakit hindi.”

Ngumiti lamang si Gaston.

Matagal na nag-usap ang dalawang lalaki. Naiinip na si Blue na sana umalis na si Gaston. At maging si Red ay gusto naring umalis si Gaston; dahil pakiramdam n’ya nakukulong s’ya sa mga titig nito.

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon