Chap. 19
Narating nina Blue ang isang maliit na bayan. At doon nagkaroon ng signal ang cell phone ni Blue. Sinubukan n’yang tawagan si Red.
( Blue, mabuti’t napatawag ka..nasunugan kami kanina. Muntik nang matupok ng apoy ang bahay. Mabuti nalang at naagapan ng mga bombero. Nasunog ang bodega ng mga bakal at plastik. )
“Ano? Okay ka lang ba? Si Nanay Meding at mga pinsan mo? ”
(H’wag kang mag-alala. Okay lang kami. Tinulungan kami ni Sir Gaston. Katunayan nga s’ya ang tumawag sa mga bombero dahil napadaan dito kanina. H’wag mo kaming alalahanin; maayos naman ang lahat. Pinaiimbestigahan na nga eh. )
“Red, papaputahahin ko d’yan ang sekretarya ko at Assistant. kung may kailangan kayo sabihin n’yo lang. ”
( Tsk. Blue, maayos parin ang lahat h’wag kang mag-alala. )
“Mabuti pa sa bahay na muna kayo matulog. Meron namang 2 bakanteng kwarto sa bahay.”
( Nakakahiya sa ‘yo at sa ina mo. Maging abala pa kami. Mabuti pa ipanatag mo ang loob mo. Okay? Ikaw, mag-ingat ka. )
“Red, alam na ni Mama ang tungkol sa atin. Inamin ko na. ”
(Ano? Blue, naman bakit mo inamin..hindi pa ako handa na malaman nila..)
“ Mabuti nang malaman n’ya; nang sa ganun alam n’ya kung sino ka sa buhay ko.”
( Blue..nagkakaroon tuloy ako ng takot sa nanay mo. Kinakabahan tuloy ako. )
“No. This is between me and you. Kahit ano pang sabihin nila..wala silang magagawa.”
Napabuntong hininga na lamang si Red.
Matapos ang kanilang usapan, naisipang bumalik ng magkapatid sa kanilang bahay.
Nasa hapag kainan na ang ina ni Blue at si Claudine. Napansin ng ina ni Blue na tahimik lamang si Claudine at tila matamlay.
“Claudine, are you okay?”
“Tita, narinig ko ang pinagtatalunan n’yo ni Blue kagabi. I heard what he said. I couldn’t believe that he loves that filthy woman. Now, I want you to know that this is a bad idea..You see, my family is expecting your son to be my future husband. My Dad did everything to help your business. At ngayong malaki na ang negosyo ninyo..heto, babaliin lamang ng anak n’yo ang pinagkasunduan. I want you to know, I’ve been dreaming all this time; that one day, Blue and I will walk the aisles together.

BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
Roman d'amourIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...