Chap. 43

5.3K 171 21
                                        

Chap. 43

Nang paalis sina Red sa Hospital; sa ibang daan sila dumaan. Tamang tama naman na dumating sina Gaston at Chai.

“Ateng excited na akong makilala ang kamatch ko. Biruin mo hindi pala ganun kadali ang humanap ng kamatch ng stem cell. Kawawa naman ang pasyente kung walang makitang kamatch. Parang Soul Mate ang dating..ha ha ha ha ha ha...”

“ Ha ha ha ha ha kinakabahan ako sa dugo mo..” Sabi ni Red.

“Ateng naman wala akong sakit, ha.”

“Alam ko..kaso nga lang makamandag ang dugo mo..MAHAHAWAAN MO NG PAGIGING MALANDI ang pasyente. Mas malala kung maging katropa mo pa s’ya..gagamit na s’ya ng lipstick tulad mo.”

“Mismo..ha ha ha ha..”

Nakikinig lamang si Agnes sa dalawang kasama.

“Ay teka, sandali naiwan ko yata ‘yong purse ko sa klinika ni Howard. Babalik ako.” Sabi ni Agnes.

“Ate ako na lang.” Pagpresenta ni Red.

“No. I’ll be right back.” Nagmadaling umalis si Agnes.

Nang pumasok si Agnes, inabutan n’yang nag-uusap sina Gaston at Howard. Naunang kinunan si Chai ng blood test. Hindi nakita ni Agnes.

“Excuse me, Howard. I think I left my purse here.” Sabi ni Agnes, Kung saan nakuha ang pansin ng dalawa. Nakita ni Agnes na nasa tabi ni Gaston ang kanyang purse.

“Andito pala.” Kukunin na sana ni Agnes nang inabot ni Gaston sa kanya ang purse.

Ngumiti si Gaston habang inabot ito sa kanya.

“Thank you.” At umalis si Agnes. Napadaan si Agnes sa isang maliit na silid. Nakita n’yang may isang babaeng kinukunan ng blood test. At tuloy na s’yang umalis.

----------------------------------------------------

Tumanggap si Blue ng chemotherapy. Ilang araw palang nagsisimulang natatanggal ang kanyang buhok..dumaan pa ang ilang session..tuluyang nakalbo si Blue. Ilan sa mga kamag-anak ni Blue ang nagpatala na maging donor n’ya.Mga kaibigan at kakilala ni Blue ay sumali na rin. Umaasang isa sa kanila ang magiging kamatch ni Blue.

Hanggang isang araw...Habang nasa loob ang buong kamag-anak ni Blue sa kanyang silid; maliban sa pamilya ni Gaston..dumating si Howard.

“Hello, Blue. How do you feel today?” Tanong ni Howard na tila may saya sa kanyang mukha.

“I’m okay.” Sagot ni Blue. Batid ni Howard na may nararamdaman parin si Blue sa sarili nito; ngunit pinipilit na nilalabanan ang nararamdamang hirap sa katawan.

“I have a good news...” Sabi ni Howard. Nakuha ang pansin ng lahat. Nabuhayan ang loob ilan sa kanila nang marinig ang sinabi ng doktor.

“You mean...I have a match.” Dugtong ni Blue.

Tumango si Howard.

“Thank you, Lord.” Ang nasabi ng ina ni Blue. Maging si Claudine ay napaluha at niyakap ang asawa.

“Blue...you can survive. Hindi ka pinabayaan ng Dios.” Ani ni Claudine.

Napaluha si Blue. Maging s’ya ay nagpapasalamat sa Dios.

“Pwede ba namin makilala ang kamatch ni Kuya?” Agad na tanong ni Gray.

“Ahmmmm..Yeah. Pero hindi ngayon. Kakausapin ko muna s’ya. Hindi ko pa naiparating sa kanya ang resulta. Gulat nga ako nang makita ko ang resulta ng test. Malaki ang porsyento na pagiging match mo sa kanya. Hindi ko nga akalain abot kamay lang natin ang KAMATCH MO, BLUE.”

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon