Chap. 25

3.9K 136 1
                                    

Chap. 25

Hindi matigil tigil ang iyak ni Red matapos s’yang iwan ni Blue. Halos hindi n’ya matanggap ang mga sinabi ni Blue sa kanya.

“Red, tama na. Kahit anong gawin mo, hindi maniniwala si Blue sa ‘yo. Kahit ipagsigawan mo ng ilang beses..hindi mo mababago ang mga naging desisyon n’ya.”

-Aling Meding

“Nay, s’ya ang ama ng dinadala ko. Alam n’ya na mahal ko s’ya. Nay, bakit nagawa sa akin ito?” Muling umiyak si Red. Nadarama n’ya ang lakas ng pagpintig ng kanyang puso. Samantala, nakamasid si Gaston sa kanya.

GASTON’S POV

Hindi ko akalain na ganito ang patutunguhan sa gagawin nila sa ‘yo Red. Oo, may kasalanan din ako..pero hindi sa ganitong paraan na pati ang bata ay madadamay. Kailangan makumbinsi ko si Red na tanggapin ako..Kailangan mabigyan ko ng pangalan ang bata..isa parin itong Caspian at Kadugo ko. Mahirap na at baka may maisipan pa nina Tital Imelda na ilayo ang bata o may gawin silang hindi maganda sa mag-ina. Kailangan maunahan ko sila..para na rin kay Red at sa bata.

------------------------------------------------------------------

Umuwi sina Red sa bahay nila. Sinamahan parin sila ni Gaston. Pinapasok ni Aling Meding si Red sa kanyang silid upang makapagpahinga ito sa tindi ng pagod sa pag-iyak.

“Gaston, umuwi ka muna. Kailangan magpahinga si Red. H’wag kang mag-alala kakayanin namin ito.” Napapaluha parin ang matanda.

“Nay, gusto kong malaman ninyo...MAHAL KO SI RED. Handa akong tanggapin na maging ama ng anak ni Red. Ayaw man ni Blue sa kanila..ako..AAKUIN KO SILA. WALA AKONG PAKIALAM SA SASABIHIN NG PAMILYA. WALANG HAHADLANG SA AKIN. HINDI MAN AKO MAHAL NI RED..MATYAGA AKONG MAGHIHINTAY.”

“Gaston, mahirap ang sinasabi mo. Hayaan mong magdesisyon si Red.”

“Kadugo ko parin ang dinadalang tao ni Red. Tulungan n’yo akong kumbinsihin s’ya. Ayaw kong lumaki ang bata na walang kinikilalang ama. At higit sa lahat, kung pwede kong baguhin ang takbo ng panahon..SANA AKO NALANG ANG NAGING TUNAY NA AMA NG BATA.”

Hindi makapaniwala si Aling Meding sa mga binitawang salita ni Gaston.

----------------------------------------------------

Nang umuwi ng bahay sina Chai at Oliver gulat sila nang makitang umiiyak si Aling Meding sa labas ng bahay.

“Nay..ba’t nandito kayo sa labas ng bahay?”

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon