Chap. 13
Habang umiinum ng alak si Gaston minsan pa naalala n’ya ang kanyang kabataan..
FLASHBACK
Dumalo noon si Gaston at ang kanyang mga magulang sa araw ng kaarawan ng kanilang Lolo..Pagpasok pa lamang nila Gaston ay napansin na n’ya ang mga nagbubulong bulongan na mga kamag-anak nila. Ni wala sa kanyang mga pinsan o ibang mga kamag-anak ang lumapit sa kanya upang makipaglaro. Pakiramdam n’ya HINDI SILA KILALA.
Lumapit s’ya sa kanyang Lolo at Lola upang magmano..ngunit tila ayaw sa kanya ng mga matatanda.
Gusto n’yang sumali sa mga pinsan n’yang makipaglaro ngunit iniiwasan s’ya. Minabuti n’yang maupo sa isang tabi kasama ang kanyang ina.
Sa ganung mga okasyon na kasama nila ang buong kamag-anak ng kanyang ama..MAS NANAISIN PA NILA NG KANYANG INA ANG MANATILI SA KANILANG PAMAMAHAY. DAHIL SARI SARING PAGHAMAK SA KANYANG INA ANG KANYANG MARIRINIG.
Sina Blue at Gray ang tanging mga pinsan n’ya ang lumalapit sa kanya at kakausapin s’ya. Si Blue ang pinakapaboritong pamangkin ng kanyang ama. Pinakapaboritong apo ng kanyang lolo’t lola. Mabait si Blue para kay Gaston..ngunit minsan..
Habang nasa pamamahay nina Gaston sina Blue at Gray. Nagpapalipad sila ng sarangola.
Mataas na ang lipag ng saranggola nila nang..
KLANG KLANG KLANG KLANG...
Narinig ni Gaston ang tunog ng lata.. Dali dali s’yang tumakbo sa kanilang gate. Iniwan n’ya ang dalawa...agad n’yang binuksan ang gate at hinayaang makalabas ang kanilang mga aso..
Sabik na sabik ang mga aso na makawala sa labas ng bahay. Nagkataong napagawi ang isang grupo ng mga kabataang namumulot ng basura..kasama doon ang magpinsan na sina Red, Oliver at Chai.
“Takbo! Pinalabas ng salbaheng bata ang mga aso...dali!!!” Sigaw ng isang bata.
Kilala si Gaston noon sa pagiging salbahe sa mga lansangan..lalong lalo na sa mga batang namumulot ng basura.
Halos hindi na alam ng mga bata kung saan dadaan..Naririnig na nila ang kahol ng mga aso..
AW! AW! aW!
Kumaripas ng takbo ang lahat. Si Chai ang pinakabata sa lahat..nauna nang tumakbo sina Oliver at Red..Ngunit nadapa si Chai..
ATENG!!! Sigaw ng bata.
BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomanceIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...