Isinugod si Blue sa hospital. Muling nangamba si Imelda matapos malaman ang nangyari sa kanyang anak. Maging ang ama ni Blue ay muling nangamba ng husto. Hindi nila inakalang muling magkakasakit si Blue.
"Mama..Papa..kumusta po si Blue?" Dumating si Claudine. Maging s'ya ay nagulat sa balitang natanggap mula sa sekretarya ni Blue.
Inabutan nyang walang malay ang asawa.
" Ligtas naman s'ya. Marahil dala lamang ito ng kanyang pagod." Ani ng ama ni Blue.
Ngunit tila hindi kumbinsido si Claudine.
"Papa, I think we need to talk to his doctor. Kinakabahan ako sa nangyari sa kanya. I want to make it sure if he's fine." Ani ni Claudine.
" Tama dapat malaman natin ang totoong kalagayan ni Blue. Danilo, alam naman nating may posibilidad na bumalik ang kanyang sakit. At baka maging komplikado pa. Mabuti pa habang maaga mahanapan ng solusyon." Dagdag ng ina ni Blue.
Muling nagkamalay si Blue.
"Mmmmmm...ahhhh.."
"Blue..anak kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Imelda.
" Anak sabihin mo sa amin kung anong nararamdaman mo." Dagdag ni Danilo.
"Pa, sumasakit ang mga buto ko. Nahihirapan akong huminga..tila tulad ng dati."Napatakip ng bibig si Claudine.
"Danilo, kausapin mo ang doktor na gawan ng paraan na gumaling ang anak natin sa mading panahon."
Tumango ang ama ni Blue.
Agad namang kinausap ng ama ni Blue ang nakatalagang doktor. At nang bumalik ito sa silid ng anak. Pinarating nito ang sinabi.
" Blue, the doctor said you have to stay here in the hospital. Bumalik ang sakit mo anak. They need to observe your condition. Another thing is to avoid complications." Sabi ni Danilo.
"Like what ?" Tanong ni Blue.
"Madami anak. Lahat magiging komplikado. Kaya kailangan matignan ka ng maigi." Ramdam ni Blue ang pangamba ng ama batay sa boses nito.
"Am I going to die?" Muling tanong ni Blue.
"No...we will do everything. You will survive. This time you have to be strong. H'wag kang panghinaan ng loob. We'll always with you." Niyakap ni Danilo ang anak.
Tumalikod si Claudine at lumabas sa silid.
Sa labas umiyak s'ya.
"God, Please help my husband. I don't want him to suffer. Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan. H'wag mo s'yang kunin sa akin. Save him.."
Inabutan s'ya ng ina ni Blue at maging si Imelda ay nakadama ng takot sa kalagayan ng anak. Lumapit s'ya kay Claudine.
"I know what you feel. I'm scared too. Lalo na't may kasalanan ako sa kanya. Nakita mo naman matagal nang hindi nya ako kinakausap. Tanging ama lamang nya ang hinahanap. Ina ako Claudine..gusto kong marinig na tawagin nya ako at sabihin ang hinanaing n'ya. Pero hindi. Ang sakit sakit sa dibdib na kung iisipin..ako bilang ina n'ya nagawang ipagkait ang kaligayahan na nais nya sa buhay..naging dahilan namasira ang lahat sa amin bilang mag-ina." Napaluha si Imelda.
Pareho silang napayakap. Kapwa nila nadama ang konsensya sa kasalanang kanilang ginawa.
------------------------------------------------------
Sa mansyon ng mga Gustavien...
"I'm Thor." Sabi ni Lynux habang nakaharap sa salamin at pinagmasdan ang sarili na nakasuot ng costume ni Thor. At may hawak na plastic hammer.
BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomanceIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...