Chap. 11

5.8K 193 4
                                    

Ginising ni Blue si Red habang natutulog ito sa sofa.

“Red..gising. Nandito na ako.” Sabi ni Blue.

“Blue...” Halos hindi pa agad maimulat ni Red ang kanyang mga mata.

Bumangon si Red at nagpupungas pa ng mga mata dala ng sobrang antok.

“Uuwi ka ba? Pwede dito ka matulog sa kabilang kwarto.”

“Hindi na uuwi na ako. Ang tagal mo namang dumating eh. Ako tuloy naubusan ng vitamin sa katawan..Pinagpipyestahan ako ng lamok.” Reklamo ni Red.

Napahalakhak si Blue.

“Patay sa akin ang mga lamok! Inubos nila ang power vitamin ko.”Napapangiti pa si Blue habang ginugulo ang buhok ni Red.

“H’wag ka na munang humingi ng vitamin mo..PAGOD AKO.” agad umalis si Red.

Napailing nalang si Blue sa mga sinasabi ni Red.

-------------------------------------------------------

Naisipan ni Gaston ang magkaroon ng isang FREE MEDICAL CHECK –UP sa baranggay nina Red.

“Ate, dalahin natin si Nanay doon sa Baranggay Hall meron libreng konsulta ang mga tao dito sa ating baranggay. Sponsor daw ‘yon ng may-ari ng RECYCLE CENTER..’yong pinsan daw ni Sir Blue..” Sumbong ni Chai.

“Ah..‘yong mukhang UNGGOY na walang suklay. Gaston ang pangalan n’ya. Nakilala ko na ‘yon pumunta kasi sa bahay nina Blue.”

“Ateng kasing gwapo ba ni Sir Blue?” Interesadong malaman ni Chai.

“Sa awa ng Dios mukha s’yang tao...” Bulong ni Red.

“Ahh..ordinary face lang pala s’ya.” - Chai

Kumindat si Red.

Sinamahan ni Oliver ang kanilang tiyahin sa Baranggay Hall. Nandoon si Gaston. Pinakilala si Gaston ng Baranggay Kapitan. At maraming tao ang nagpapasalamat sa kanya. Ngunit palingon lingon si Gaston sa buong paligid..hinahanap n’ya si Red.

Hanggang...

“Red!” Tawag ni Gaston sabay lapit sa dalaga. Sinundo ni Red sina Oliver sa Baranggay.

“Anak ng tipaklong! Nakita ako ng hinayupak na ‘to.” -Red

“Red, tama nga ang kutob ko na pupunta ka dito..Mabuti naman at makakatanggap ka ng libreng anti-tetanus shot. Alam mo ba kung anong ANTI-TETANUS SHOT? Sa araw araw na naghahakot ka ng mga bakal..makakaiwas ka sa infection kapag nasugatan ka ng mga bagay na MARURUMI.”

“Tingnan mo nga naman..ang simpleng mang insulto ng gago! Alam ko ‘yon! Tarantado!” Simpleng mura ni Red sa kanyang isip.

“Ateng, ipakilala mo naman ako.” Biglang singit ni Oliver.

“Oli, s’ya ‘yong pinsan ni Sir Blue. Naaalala mo pa ba ang BATANG MALDITO NOON? ’YONG PINAPAHABOL TAYO SA ASO DAHIL MGA BATANG GRASA RAW TAYO. TAPOS, MAHILIG TAYONG ASARIN NOON..S’YA SI GASTON CASPIAN.”

Nanlaki ang mga mata ni Oliver.

“Gosh! S’ya na ba ‘yon? Ateng...ISA S’YA SA MGA CRUSH KO NOONG ARAW!”

Tila kinikilig si Oliver nang sabihin kay Red. Agad binatukan ni Red.

“Ang landi mo...PIGILAN MO NAMAN ANG SARILI MO PAGMAY TIME!”

-Red

Napakamot ng lamang si Oliver ng ulo sabay ngiti kay Gaston. At nagkamayan ang dalawa.

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon