Chap. 32

4.5K 153 9
                                        

Chap. 32

Ilang araw na nagdaan napapansin ni Dodong ang pagiging matamlay ni Red. Hindi na n'ya nakitang ngumingiti ito. At madalas nakikita n'yang umiiyak. Gayun paman, hindi nito pinapabayaan ang trabaho.

"Red, gustong mo bang sumama sa akin?" Tanong ni Dodong. Nagbabakasakali ang binata na pumayag na samahan s'ya nito.

"Dong marami pa akong trabaho. Tsaka walang maiiwan dito. Baka pasukin ng magnanakaw ang bahay. Mahirap na." Mababang boses na sagot ni Red. Nakayuko ito habang nagpupunas ng mesa. Napansin naman ni Dodong ang namumugtong mga mata ng dalaga.

"Red, alam mo kailangan mong mamasyal. Para makalimutan mo ang stress mo. Tsaka, hindi naman siguro pababayaan ang anak mo ng kumupkop sa kanya, hindi ba?"

"Oo, natural hindi pababayaan ang anak ko..dahil magkadugo sila."

"Yon naman pala eh. Ipanatag mo nalang ang isip mo. Pasasaan ba't magkikita kayo ng anak mo." Paghihikayat ni Dodong.

"Dong, hindi mo naiintindihan. Wala kang alam sa mga pangyayari. Salamat sa pag-unawa mo sa akin."

"Red, walang mangyari sa buhay mo kung parati kang ganyan. Hindi pa naman huli ang lahat..laging may Pag-asa."

Ngumiti ng bahagya si Red.

"Kailan darating ang pag-asa? Ni hindi ko na nga alam kung merong pag-asa na babalik ang anak ko. Dong, si Viola lang ang natitirang meron ako sa buhay. 'Yong ama n'ya itinakwil kami. Hindi tinanggap si Viola. Tapos ngayon, ilalayo pa ng kamag-anak ng ama n'ya 'yong bata. Sa pag-aakala kong magbabakasyon lang sila. Isinama pa nila ang pinsan ko. Nauunawaan mo ba kung paano nila pinaikot ang buhay ko?" Hindi na mapigil ni Red ang maiyak sa harap ng lalaki.

Napayakap si Dodong kay Red.

"Red, tama na. Lagi mong tandaan hindi natutulog ang Dios. Okay?" Sabay hinagod ni Dodong ang likod ni Red.

"Tara, mabuti pa mamasyal tayo. Para naman makapahinga ang mga mata mo sa pag-iyak." Hinawakan agad ni Dodong ang kamay ng dalaga. Sumama naman si Red.

------------------------------------------------------------

Habang nasa biyahe sila...

"Dong, magdadalawang buwan na ako sa bahay. Bakit tayo parin ang tao doon. Hindi ba uuwi si Sir Leonard? Parating ba s'yang wala?"

"Ah...eh...kung saan saan pumupunta eh. Alam mo na..mahilig din s'yang gumimik." Sabi ni Dodong habang nagmamaneho.

"Dong, ba't ka nagpakalbo. Anong trip mo?" Muling tanong ni Red.

"Naiinitan kasi ako sa buhok ko. Bakit hindi ba maganda? Hindi ba ako mukhang gwapo?" Napangiti pa si Dodong na tinanong si Red.

"Kasi, yong nguso mo lang ang may buhok eh.." Biglang natawa si Dodong.

Napangiti rin si Red.

Tinungo nila ang isang Kart Race Center.

"Madalas pumunta si Sir Leonard dito. Mahilig kasing sumali si Sir Leonard sa Kart Racing Contest noon. Kaya pinagawa n'ya itong area para sa kanyang pag-iinsayo." Palinga linga pa si Dodong.

Nang may lumapit sa kanila na isang lalaki.

"Ay Sir..dumating pala kayo. Gusto n'yo po bang magpractice?" Tanong nito kay Dodong. Nagulat naman si Dodong sa sinabi ng lalaki. Napansin ni Red na tila naalarma ng kaunti si Dodong.

"Ah..eh...hindi. Iikutin lang namin itong paligid. Tatawagin na lang kita kung gustong sumakay ng kasama ko sa Kart." Napakamot ng ulo si Dodong. Tumalima naman ang lalaki.

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon