AN : Hindi ko muna ilalagay ang mga kontrabida sa story..Hahabaan lang muna ng kunti ang moment ng dalawang character para TUMINDI ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAILANGAN NILA ANG ISA'T ISA...
Bumalik si Red sa kanilang bahay. Napapapikit s’ya ng kanyang mga mata. Hindi n’ya gagawin ang naging desisyon kung hindi lang kinakailangan nilang magpinsan.
“Alam kong hindi magtatagal ang kalokohan ni Blue. Habang ganito na nga ang mangyayari sa aming dalawa..kailangan makahanap ako ng iba pang paraan. Mahirap na at baka ano pa ang maging patutunguhan nito. Sanay si Blue sa larong ito..ako walang alam.”
Tahimik lamang si Red. Sinisiguro n’yang hindi makakahalata ang kanyang mga kasambahay.
“Red, ako na lang ang pupunta kay Blue bukas ng umaga.” Ang sabi ni Aling Meding habang naglilipit ng mga damit nila.
“Ah...eh..naku Nay, ako na lang po. Magpahinga nalang po kayo.”
“O sige, ikaw bahala.”
Tumango si Red. Pero napapaisip parin s’ya kay Blue.
------------------------------------------
Umaga...
Matapos ni Red inihanda ang pagkain ni Blue..agad s’yang pumanhik sa hagdanan at tinungo ang silid ng binata.
“Blue..gising na...” Tawag n’ya. Ayaw n’yang pumasok sa loob ng silid.
Biglang bumukas ang pinto. Nakita n’yang natutulog parin ang binata. Dahan dahan s’yang lumapit...
“Blue...”
Dumilat ng bahagya ang mga mata ng binata.
“Good Morning...Red.” Sabay nguso ni Blue. Napakunot ng noo si Red. Ngunit napaisip s’ya ng gamot ng tiyahin..kailangan n’yang gawin.
May dinukot si Blue sa ilalim ng kanyang unan..1 thousand pesos. Iwinagayway pa nito..
“Kagabi ko pa ito inihanda...” Sabi ni Blue. Huminga ng malalim si Red. Lumapit kay Blue sabay..
TSUP!
“Good Morning, Blue.”
Sabay unat ni Blue ng kanyang mga kamay..
“Waaaaa...ang ganda ng umaga ko...DAPAT NOON KO PA ITO NAISIP. SARAP GUMISING KAPAG MAY NAHIHINTAY NA KISS.” Bumangon si Blue.
“Ang sarap din ng UMAGA KO..DAHIL MAAGA AKONG NAGKAROON NG BUENA MANO.” Sagot ni Red habang ginagawang pamaypay ang 1 thousand pesos.
“Alam mo Blue, bilib din ako sa ‘yo..HANDA KANG GUMASTOS PARA LANG SA ISANG HALIK..MASUNOD LANG ANG KATI MO SA KATAWAN. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT MO NAISIPAN ITO. PERO WALA NA AKONG PAKIAALAM DOON..KAILANGAN KONG MAGDELIHENSYA.”
Napatingin si Blue kay Red.
“Kung sakaling may tatapat ba sa halaga ng ibinigay ko sa ‘yo; Iiwan mo ako? Ititigil natin ’to.”
Napangiti si Red.
“Bakit hindi ka ba magsasawa? Blue naman, PERSONAL GAME natin ‘to. Itong naisipan mong kalokohan..PWEDE NATIN ITONG ITIGIL..KAHIT ANONG ORAS..KAPAG AYAW MO NA SA AKIN..MATITIGIL NA ANG LAHAT. ”
“Sagutin mo ang tanong ko Red?” Naging matigas ang boses ni Blue.
“Siguro. Kung may magkakamali. Bakit hindi?” Pang-aasar ni Red.

BINABASA MO ANG
The Woman THEY Love
RomanceIpinanganak na mahirap si Red. Lumaki bilang isang basurera. Alamin natin kung paano n'ya nabago ang kanyang buhay. Kung paano s'ya magiging PERFECT MATCH sa isang lalaking minsan n'yang minahal ngunit s'ya ay itinakwil. Mamahalin kaya n'ya ulit o t...