Chap. 36

4.8K 144 12
                                        

Chap. 36

Amerika...

Matapos makausap ni Blue ang lalaki sa kabilang linya..napatigil s’ya sa kanyang ginagawa. Minsan pa naramdaman n’ya tila sumikip ag kanyang dibdib..muli n’yang naaalala si Red at ang kanyang anak.

“Nasaan na sila? Saan ko sila mahahanap? Hindi ko alam kung anong magagawa ko kay Gaston sa oras na makita ko sina Red at ang bata. Magkakagulo na kung magkakagulo.”

Napasandig si Blue sa upuan. Lumilipad ang kanyang isip kay Red.

“H’wag mo sanang isipin na hindi kita mahal...h’wag sanang magbago ang nararamdaman mo sa akin Red. Dahil kung magkakaganun...THAT WILL BE THE END OF ME.”

Nang matapos ang trabaho ni Blue, nagpasya s’yang umuwi. Nang marating n’ya ang kanilang pamamahay, tulad ng dati hindi n’ya inaabutang nasa pamamahay ang kanyang asawa..bagkus..

“Sir, dumating na pala kayo..Wala po si Maam..sumama po sa kanyang mga kaibigan. Pumunta po sila sa isang Fashion Show. ”

“Ahh...sana hindi n’ya na maisipang umuwi.”

“Sir, kayo naman...pwede ba ‘yon? Mag-asawa kayo.” Dagdag ng katulong.

“Asawa...Ang asawa nasa bahay..aasikaso ng pamamahay. Hindi uuwi ng madaling araw. Hindi magbababad sa kung saan saan. Si Claudine, simula noon hanggang ngayon ganun parin. Hindi ko nga maunawaan eh..bakit n’ya pang naisipang mag-asawa gayung hindi pa pala s’ya sawa sa pagiging single. Paano pa kaya kung magkakaanak kami? Eh di maging kawawa. ”

“Sir, baka po may kulang din po kayo sa kanya.”

“Kulang? Oo, aaminin ko..may pagkukulang ako sa kanya. Pero alam mo kung bakit? Dahil may kasalanan s’ya sa akin. ‘Yong kasalanan na ’yon ang dahilan na naging ganito ako. Ito ang resulta ng paggiging makasarili at pagiging spoiled brat n’ya.”

Hindi na alam ng katulong kung ano pang sasabihin. Nakikita nito na tila malaki ang kinikimkim na galit ni Blue sa asawa.

“Hindi n’yo po ba s’ya mapapatawad?”

“Mapapatawad ko lang s’ya kung papayag s’yang makipagDIVORCE. Hindi ko lang nagagawang pangunahan dahil may natitira akong respeto sa kanya.”

“Naku, Sir mag-isip muna kayo ng maraming beses. Alam n’yo, pwede ninyong ayusin ni Maam ang lahat ng gusot.”

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon