Chap. 15

4.5K 154 28
                                        

Chap. 15

Madaling araw dumating si Red sa bahay nina Blue. Sinigurado n’yang tulog pa ang lahat. Nagsimula na s’yang magsaing at magluto narin ng ulam. Hindi na n’ya nagawang magbenta muna ng mga bote’t bakal. Inuna nya muna ang trabaho sa bahay nina Blue.

Nang masiguro n’yang tapos na ang lahat sa kusina, nakita n’yang 6: 30 na sa orasan. Kaya pumanhik s’ya ng silid upang gisingin si Blue.

“Blue..” Pabulong na tawag ni Red. Bukas ang pinto ng silid ni Blue kaya pumasok s’ya. Tulog parin ang nobyo nito. Lumapit s’ya..ngunit agad hinila ni Blue ang kanyang kamay kaya napahiga s’ya sa kama. Niyakap s’ya ng mahigpit ni Blue.

“Shhhhhh...h’wag kang maingay..maririnig nila tayo.” Sabi ni Blue habang sinisiksik nito ang sarili sa leeg ni Red.

“Ano ba..tumawayo ka na nga at papasok ka sa trabaho.”

“Tsk. Parang ayaw kong pumasok. Dito na lang kaya ako sa loob ng silid ko magmokmok. Tsaka, dito ka lang. Hayaan mo sila sa labas.” Bulong ni Blue.

“Sira! Ayaw ko nga. Mamaya reypin mo pa ako.”

“Salamat sa idea. Next time, gagawin ko ‘yon.” Sabay halakhak ni Blue. Hinampas ni Red ng unan ang binata. At muling niyapos.

“Aalis ako mamaya. Uuwi rin agad ako. Okay ka lang ba?”

“Oo naman. H’wag mo akong alalahanin.” Sabi ni Red sabay halik kay Blue. Pumaitaas si Blue. Nawiwili sila sa kanilang halikan. Nakapalibot ang mga kamay ni Red sa leeg ng binata.

Lumalim ang halikang ‘yon. Hindi namalayan ni Red na pumapasok na ang kamay ni Blue sa loob ng kanyang t-shirt. Gumagapang na patungo sa kanyang dibdib..at..

“Stop.” Sabi ni Blue.

Muling nanumbalik ang kamalayan ni Red.

“I...can’t do it...masasaktan ka...Oh, God I’m so addicted with  you.”

Kagat labi na lang si Red.

“Nahawaan mo na nga ako eh...adik na rin ako sa ‘yo. Malala ka pa sa Marijuana at Shabu.” Bulong ni Red.

Pinipigil ni Blue ang matawa kaya isiksik nito ang ulo sa leeg ni Red.

------------------------------------------

Naghanda ng pagkain si Red. Sabay sabay naman na pumasok sa dining room sina Blue, Claudine at ang ina ni Blue.

Naupo silang tatlo habang nakatayo si Red sa isang tabi.

“May kailangan pa po ba kayo Maam Imelda?” Tanong ni Red.

“Wala na.” Tipid na sagot nito.

“Ako meron...ayaw ko ng Lemon juice. Palitan mo ng Orange juice.” Utos ni Claudine. Kinuha naman ni Red at muling tinimplahan ng Orange juice si Claudine.

Nang pumasok sa loob si Red..muling..

“I change my mind..pakikuha ulit ng Lemon Juice.” Tumaas ang kilay ni Red. Maging si Blue ay napahigpit ng hawak sa tinidor.

“Iwan mo dito ang Juice na ‘yan Red. Ako ang iinum n’yan.” Utos ni Blue. Muling kinuha ni Red ang Lemon Juice at ibinigay kay Claudine.

Uminum si Claudine at pangiti ngiti tila sinasadya n’ya.

Nagkatinginan lamang sina Blue at Red.

Paalis na si Blue..nasa kusina si Red at naghuhugas ng mga pinagkainan..lumapit si Blue at hinapit ang kanyang baywang...

Humarap si Red. Agad hinalikan ni Blue ang dalaga.

“Blue..h’wag baka makita nila tayo..” Nangangamba si Red.

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon