Chap. 9

5.7K 191 3
                                    

Chap. 9

Kumunot ang noo ni Red matapos marinig ang sinabi ni Blue sa kanya.

"Hoy, anong kabalbalan na naman ang naimbento mo? Pwede ba Blue, matulog ka nalang. Kasi alam mo, pagod na pagod ako ngayong araw na 'to. Wala akong panahon makipaglokohan sa 'yo. Matulog ka na nga. May pabasag basag ng bote ka pang nalalaman."

"Red, MAHAL KITA. Seryoso ako."

"Ha ha ha ha ha ha..Ikaw seryoso? Seryoso ka lang kung tulog. Akala mo mapapaniwala mo ako sa kalokohan mong 'yan. Grabe ang tama ng ESPIRITU NG ALAK SA 'YO. Matulog ka na."

Sabay hila ni Red sa sofa upang pahigain si Blue.

"Mahal nga kita!" Sigaw ni Blue.

"LINTEK ANG TIGAS NAMAN NG ULO MO! Mahal mo ako? Sige, ulitin mong sabihin 'yan bukas. 'Yong hindi ka lasing."

Napaupo si Blue sa sofa.

"Sige na. Matulog ka na." - Red

"Ayaw ko. Samahan mo akong matulog dito." - Blue

"Putchax! Blue, ano ba? Ang lalim na ng gabi nagiinarte ka pa. Nakakabulahaw na tayo ng mga kapitbahay. Mahiya ka naman." Reklamo ni Red.

Nahiga si Blue sa sofa. Hinawakan ang kamay ni Red. At ipinatong ito sa kanyang dibdib.

"Don't leave me here. Stay with me. Gusto kong paggising ko kasama parin kita."

Napahilamos si Red ng mukha.

"NAKAKAASAR KA TALAGA!" Singhal ni Red.

Napaupo si Red sa tabi ni Blue. Hinihintay ang oras na makatulog na ang binata.

At nang masigurado n'yang tulog na. Dahan dahan n'yang inalis ang kanyang kamay sa dibdib nito.

" Hindi ko alam kung anong gusto mong patunayan sa sarili mo. At ayaw kong malaman kung ano ang totoo. Pagkasyahin na lang natin kung anong ugnayan ang meron tayo. ANG DAMING HIRAP ANG DINANAS KO SA BUHAY..TAMA NA ANG PAGIGING MAGKAIBIGAN NATIN BLUE.. TAMA NA ANG PAKIKIPAGLARO MO SA AKIN. HINDI NA NAKAKATUWA."

Niligpit ni Red ang basag na bote ng alak. Bago umuwi ng bahay.

-----------------------------------------------------

Nagising si Red sa ingay ng dalawa n'yang pinsan..

"Hoy, Chai ang ganda kaya ng painting ni Ateng kahapon. Nakakanganga ang byuti ni Ateng. Ito pa, ang laki ng pera na ibinigay sa amin. Sulit dahil buong araw si Ateng nakahubo't hubad doon. HA HA HA HA...Alam mo ba 'yong pintor KASISTER ko rin. 'Yon nga lang nahihiya pang magladlad..HA HA HA HA HA.."

"Gaga, paano kung may makakakilala sa painting na 'yon?"

"Ano ngayon? It is an Art. Tsaka, PINAGPAPALA SI ATENG NA MAY GANUNG KATAWAN..TINATAGO LANG N'YA SA LIKOD NG MALALAKING T-SHIRT N'YA..Ha ha ha ha.."

BLAG! BLAG!

"Ay! Nagising ang Dyosa ng Bakal at Plastik!" Nagulat si Oliver.

Bumukas ang pinto ng kanilang silid. Lumabas si Red.

"Hoy, kayong dalawa pwede hinaan n'yo ang mga boses n'yo? Pagod ako..gusto ko pang matulog."

"Good Morning, Ateng." Sabay bati ng dalawang pinsan nito.

"Ateng, gusto mo timplahan kita ng kape? Ang aga- aga mainit ang ulo mo." Sabi ni Oliver.

Tumango si Red. At pinagtimplahan s'ya ng kape ni Oliver. Mistulang dinaanan ng dalawang anghel sina Oliver at Chai, kapag mainit ang ulo ni Red tatahimik sila. Napansin ni Red na nakaayos na ang dalawang pinsan nito. At paalis na papuntang trabaho. Tinignan n'ya ang orasan..

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon