Chap. 38

4.5K 144 8
                                        

Chap. 38

Hindi parin matanggap ni Red ang pagkawala ni Leonard. Pakiramdam n’ya nawala ang kaisa isang taong nagmahal sa kanya ng totoo.

 RED’S POV

 Saan ako nagkamali? Bakit ako isinilang ng ganito? Hindi pa ba sapat ang hirap na dinanas ko sa buhay? Simula kay Viola walang tigil ang sakit na nararamdaman ko. At heto, sa pangalawang pagkakataon..dinanas ko muli ang sakit na tila hindi kayang gamutin. Ayaw ba ng Dios sa akin?

 Panaginip lang ba ang lahat ng ito? Gusto ko nang magising. Gusto ko paggising ko nasa tabi ko si Leonard..nakangiti tulad ng dati.

 Mga kawawa kong anak..minana sa akin ang kamalasan. Minana nila ang buhay na di dapat nila danasin.

 ----------------------------

 Hindi magawang makipag-usap ni Red sa mga taong nakapaligid sa kanya. Pakiramdam n’ya naubos ang lahat ng salitang alam n’ya sa kanyang isip. Kahit ang ngumiti ng bahagya ay di n’ya kayang ipakita. Tila nakalimutan n’ya na ang salitang SAYA.

 “Red, magpahinga ka na. Kami na ang bahala dito. Hindi makakabuti sa ‘yo ang matagal na paglamay. Buntis ka. Hindi gugustuhin ni Leonard na malungkot ka. Alalahanin mo ang mga anak mo.” Sambit ng ina ni Leonard.

“Mama, gusto kong nasa tabi n’ya ako. Ayaw kong lumayo sa kanya.” Ani ni Red.

“Alam ko. Pero kailangan mong magpahinga. Mahirap na baka magkasakit ka pa.” Dagdag ni Donya Lolay.

Inakay ng matanda si Red at sinamahan nito sa kanyang silid.

 Pinahiga ng matanda si Red sa kama.

 “Magpahinga ka. H’wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Red, mahal ka ng anak namin. Hindi ka namin pababayaan. Alam namin ang pinagdaanan mo. Nagpapasalamat nga kami sa iyo dahil minahal mo rin ang anak namin. Ibinigay mo ang kaligayahan na di mababayaran ng salapi. Maiksi man ang panahon na nagsama kayo ni Leonard..pero habang kabilang buhay baon n’ya ang pagmamahal mo. WALANG MAKAKAPANTAY.”

Muling napaiyak si Red at mahigpit na niyakap ang ina ni Leonard.

 Ilang araw ang lumipas inilibing ang labi ni Leonard.

“ Noon akala ko..walang makakapantay sa pagmamahal na inukol ko kay Blue..ngunit nagkamali ako..DUMATING KA SA BUHAY KO. Pinantayan mo ang lahat ng ‘yon kahit sa maikling panahon. Pinawi mo ang sakit na nararamdaman ko. Binigyan mo ako ng pag-asa. Binihisan mo ako ayon sa katayuan mo sa buhay. Hindi mo hinusgahan ang tunay kong pinagmulan. Bagkus niyakap mo ako at pinakasalan. Leonard, saan ka man naroroon nais kong malaman mo..hindi titigil ang puso ko na mahalin ka; kahit wala ka na.”

 Tila nagdadalamhati rin ang panahon..bumuhos ang malakas na ulan. Umiyak si Red at humagulgol..

  

“Ateng, halika na. H’wag ka nang umiyak. Nag-aalala na sila sa ‘yo. Umuwi na tayo.”

The Woman THEY LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon