Chapter 2
Shazalm's POV
Magpapasukan na kaya kailangan ko ng bumili ng mga gamit ko. Kasi hanggang ngayon, wala pa rin ako kahit isang ballpen. Ayoko ng umasa sa mga kaklase ko na sobra namang madamot kapag humihingi ako ng papel o humihiram ako ng ball pen. Duh! Mga walang respeto! Ako, pinagdadamutan nila ng papel? Isang malakas na HA! para sa kanila. Tingnan lang natin sa pasukan, makakabawi rin ako.
Magse-second year college na ako at kumukuha ako ng kursong Education. Actually, Bachelor Of Secondary Education, major in Mathematics. Huwag ako!
Kung saka-sakali man, gusto kong magturo. Gusto ko 'yong tinutulungan 'yong mga estudyanteng mahihina sa mathematics. Ewan ko ba, kung bakit maraming estudyante ang nahihirapan sa mathematics. Kung bakit ang daming may hate kay mathematics, eh ang dali dali lang naman 'yan.
Kapag teacher na ako, ipaparamdam ko talaga sa kanila 'yong nararamdaman ko sa tuwing nakakakita ako ng mga numbers. Iyong yayakapin at mamahalin talaga nila 'yong mathematics. Kahit 'yong mga x's at y's.
Para kasi sa akin, mathematics is the easiest subject, but the most essential in research and studies. Gusto mo 'yon? Peace lang tayo sa grammar ko. Kasi kaming mga mathematics lover, mahina talaga sa grammar. Hindi naman importante sa amin 'yong grammar. As long as naiintindihan namin at naiintindihan kami.
Andito ako ngayon sa mall upang bumili nga ng mga gagamitin ko sa school. Hablot lang ako ng hablot at ilang sandali lang napuno ko na ng mga gamit 'tong basket na dala-dala ko. Dumiretso na ako sa counter upang bayaran lahat ng mga pinamili ko.
Nagulat na lang ako nang makita ko ang pila na sobrang haba. Tatlong counter, lahat ang hahaba ng pila.
Well, sanay na naman akong palaging naghihintay kahit gaano pa 'yan katagal. Kahit medyo masakit kasi ang tagal, titiisin ko. 'Yon naman ang dapat 'di ba?
Rumampa ako papunta sa counter upang pumila. Hindi naman ako iyong tipong sumisingit na lang, 'di gaya ng iba diyan. Akala mo kaygaganda, eh mukha namang nilipasan ng gutom. Sarap sapakin eh. Kung puwede lang.
Hindi pa nga ako nangangahalati sa pila, tila parang sumu-surrender na 'tong braso ko kakabitbit 'tong mga pinambili ko.
"Thank you Lord!" pasigaw kong sabi sa kawalan nang malapag ko ang lahat ng mga pinamili ko. Sa wakas! After light years, ako na. "Hoo! Na-haggard ako ah."
Ngayon ko lang napansin na pinagpipiyestahan na ako ng mga tsismosa sa paligid. Duh! Masaya lang ang tao, kung makatingin naman ang isa na 'to sa akin, 'kala mo kagandahan. Duh!
Wala akong pakialam. Masaya lang talaga ako.
"One thousand nine hundred ninety nine and seventy five centavos po ma'am." sabi ng lalakeng cashier sa akin.
Tiningnan niya ako sa mata kaya tinaasan ko siya ng kilay. Gwapo siya pero, parang manloloko. Sorry, hindi ko siya type. Duh!
"Oh, ayan! Two thousand!" lapag ko ng pera sa harap niya. "Keep the change!" inirapan ko siya at kinuha ang nakabalot na mga pinamili ko, tsaka rumampa palabas ng mall.
Bitbit ang isang eco bag na kung saan nakabalot ang lahat ng mga pinamili ko, dumiretso muna ako sa mang inasal. Nakaramdam kasi ako ng gutom. Eh kasi naman, ang haba-haba ng pila. Halos isang oras ako nun nakatayo. Dagdagan mo pa 'yong mga tao na nakaka-stress. Gutom talaga ang aabutin ko.
Ilang sandali lang, nakaubos ako ng limang cup na kanin. Feel ko, busog na ako at 'di ko na kakayanin pang tumayo kung dadagdagan ko pa ng isang cup.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
General Fiction[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...