4 - Sa Bakanteng Lote

248 9 0
                                    

Chapter 4


Shazalm's POV

Ghosh!

Late na ako!

Late na ako!

Sinabi ko pa naman na walang mali-late, tapos ako lang pala ang mali-late?!

"Manong puwedeng pakibilisan ng kaunti?" sabi ko sa driver ng kotse.

"Okay po maam." sagot niya. "Bakit po ba kayo nagmamadali? May emergency po ba?"

May pagkatsismoso rin pala 'tong si manong. "Basta manong! Magmaneho ka na lang, pls."

Hindi ako mapakali. Tingin ako ng tingin sa aking relo. 20 minutes na pala akong late.

Kailangan ko na talagang makarating doon dahil panigurado kanina pa siya naghihintay.

~~~*

Jazz's POV

Hahaha.

20 minutes na siyang late. 'Di na siguro siya dadating.

Kanina pa ako rito naghihintay. 30 minutes pa bago mag-four o'clock andito na ako sa sinasabi niyang bakanteng lote.

Magdidilim na, kaya kailangan ko na sigurong umalis. Parang wala naman kasing dumadating. 

Napapayakap na nga rin ako sa aking sarili kasi malamig at sobrang tahimik dito.

Naghintay ulit ako ng isang minuto, baka sakaling darating siya. Tiningnan ko kung paano umikot ang aking relo, hanggang sa naubos ang isang minuto.

Hindi nga siya darating.

Tumayo ako sa nakatumbang puno na  inuupuan ko, at sinimulang maglakad upang umuwi.

Sayang! Nag-ayos pa naman ako para lang sa kaniya, tapos di lang pala siya darating.

Siguro, nagkaroon ng emergency sa kanila kaya siguro siya hindi nakarating.

"Sandali!"

Awtomatiko akong napahinto sa aking narinig.

Lumingon ako sa aking kaliwa kung saan nanggagaling ang sigaw.

"Aalis ka na?" tanong niya na pansin kong naghahabol siya ng hininga.

Nakarating siya.

Napangiti naman ako nang makita ko siya. "Sana, kung 'di ka lang dumating." sagot ko. Lumapit ako sa kaniya. "May nangyari ba?" Hindi siya makapagsalita at pansin ko na nahihiya siya.  "Alam ko kung ano ang iniisip mo. Hindi ako galit. Okay?" Hindi pa rin siya nagsasalita. "Pepe ka na ba?" Sinapak niya ako sa braso. "Aray!" pag-panggap ko, kahit 'di naman masakit. "Ano ba ang pag-uusapan natin?" tanong ko.

Hindi agad siya sumagot, bagkos umupo siya sa nakatumbang puno na inupuan ko kanina. Sumunod naman ako sa kaniya at umupo rin sa tabi niya. Hindi naman sobrang dikit, may space naman, 1 foot apart.

"Thank you." sabi niya habang nakatingin sa malapit ng lumubog na araw.

Hindi ko siya maintindihan kaya mas lalong tumalim ang tingin ko sa kaniya.

Tumayo siya at bahagyang aalis na pero agad ko rin siyang pinigilan. "Aalis ka na agad?"

Tiningnan niya ako tapos bumaba ang tingin niya papunta sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Agad ko rin naman siyang binitawan kasi alam ko kung ano ang iniisip niya.

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon