29 - Bisita

104 5 1
                                    

Shazalm's POV

Hindi ko na nagawang magpaalam kina Patrick at Jennifer kasi sobrang nagmamadali talaga si mama na umuwi agad ako sa bahay kasi raw kanina pa raw naghihintay 'yong bisita ko.

Sino naman kaya ang taong nag-aksaya ng oras para makita lang ako? At tsaka ano naman kaya ang pakay niya sa akin, eh sa pagkakaalam ko sa sarili ko, wala naman ako palaging may naitutulong. Wala akong kuwenta. Palagi nalang may napapahamak dahil sa akin.

Ilang minuto lang ang lumipas, nasa tapat na ako ng bahay. Walang anu-ano dire-diretso ang paghakbang ko papasok at nagulat na lang ako nang biglang sumalubong si mama sa harap ko.

"Mabuti andito ka na! Kanina pa talaga naghihintay 'tong bisita mo!" bungad ni mama.

Hindi na ako nakasagot nang agad niya akong hinila papunta sa salas at nanlaki na lang ang mga mata ko dahil sa hindi ko inaasahan na pagkakataon, nakita ko si Jazz na nakaupo sa sofa.

Bigla akong napahinto at halos hindi ko maigalaw ang buong katawan ko dahil hindi ko talaga inaasahan na dadalaw siya.

Akala ko kasi hindi ko na siya makikita dahil iuuwi na siya ng kaniyang mga magulang matapos siyang madala sa hospital.

Bigla ring bumagsak ang luha ko at pansin ko na ganun din siya.

Akma siyang tatayo pero agad akong lumapit sa kaniya dahil pansin ko na sobra pa siyang nahihirapan sa kaniyang katawan.

Nilibot ko ang aking tingin, umaasang may makikita akong kasama niya pero ni kahit anino, wala akong may makita. Ibig sabihin, siya lang mag-isa. Siya lang at wala siyang kasama para ako puntahan dito.

Nang makalapit ako ng tuluyan sa kaniyang kinauupuan, bigla niya akong niyakap. Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

Bigla namang dumoble ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko lang talaga inaasahan ang ganito. Pakiramdam ko, nananaginip lang ata ako. Pero, sinubukan kong kinurot ang sarili ko at nasaktan naman ako. Ibig sabihin lang nito, totoo ang lahat na nangyayari ngayon.

Ilang sandali, bumitaw siya sa pagkakayap sa akin at tiningnan niya ako ng diretso sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak dahil kapansin-pansin talaga ang malaking pagbabago sa buong katawan ni Jazz. Ibang-ibang Jazz na talaga ang nakikita ko. Kapansin-pansin din sa mga mata niya na nahihirapan na siya sa kaniyang kalagayan. Gusto ko man siyang tulungan, wala naman akong maisip na puwede kong gawin para lang matulungan ko siyang mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

"Jazz..." sambit ko pero basag na ang boses ko na halos hangin na lang ang lumalabas.

Ngumiti siya pero ramdam ko pa rin ang sakit. Gustuhin ko mang ngumiti pero hindi ko magawa dahil nasasaktan talaga ako ng sobra.

Hanggang ngayon, nakangiti pa rin siya at nakatitig pa rin sa akin. Heto naman ako, patuloy sa pag-iyak dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

"Bakit ka andito?" kahit mahirap, sinubukan ko pa ring magsalita. "Hindi ba kailangan mong magpahinga? Kailangan mo pang magpalakas, pero... anong ginagawa mo rito?" hindi ko talaga mapigilan ang mag-alala sa kalagayan ni Jazz.

"Gusto ko lang makita ka." sagot niya at kapansin-pansin talaga na nahihirapan na siyang magsalita pero pinipilit niya lang.

"Hindi mo naman kailangang pumunta pa rito! Puwede naman ako ang dumalaw sa inyo eh. Mas lalo ka lang nito mahihirapan. Lalo na ngayon, wala ka pa kasama." dire-diretso kong sambit sa harap ni Jazz kahit basang-basa na ang buong mukha ko ng sarili kong luha.

Ngumiti lang sa akin si Jazz na siya namang ikinainis ko. Kasi naman parang wala lang sa kaniya ang lahat ng sinasabi ko. Parang pakiramdam ko, wala akong silbi.

"Ano ba Jazz!?" hindi ko na talaga kayang pigilan 'tong inis na nararamdaman ko. "Bakit parang pinapabayaan mo lang 'yang sarili mo!? Hindi mo ba alam na mas maraming masasaktan kung may mangyaring masama sa'yo?! Pero, heto ka, parang walang pakialam. Wala kang pakialam sa kung ano ang mararamdaman namin kung may mangyari mang masama sa'yo!" para na ako nitong nanay ni Jazz kung manermon sa kaniya. "Jazz naman... Tulungan mo naman 'yang sarili mo. Ayoko pa kasing mawala ka. Mahal na mahal kita eh." dagdag ko na siya namang ikinagulat niya na para bang may nasabi akong masama o ano.

"Talaga?" sabi niya. "Mahal na mahal mo ako?" dagdag pa niya na para bang nagbibiro lang ako.

"Oo Jazz. Alam ko naman na alam mo na mahal na mahal kita." sagot ko at napangiti naman siya na umiiyak.

"Paano si Khalid? Hindi ba, kayo?" tanong naman ni Jazz na may halong pait.

Agad namang bumalot ang katahimikan sa pagitan namin ni Jazz. Hindi na ako ngayon halos makatingin ng diretso sa kaniya kasi hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya.

"Okay lang, Shazalm... Alam kong nahihirapan ka, kasi mahal mo nga siya." mapait na sambit ni Jazz na siya namang ikinainis ko kasi hindi ko man lang magawang magsalita.

"Siguro, okay lang naman sa akin kung si Khalid talaga ang mas mamahalin mo, kasi alam at tanggap ko naman na wala akong kuwenta, wala akong silbi kung ako ang magiging boyfriend mo. Kasi ganito na ako. May stage 3 na cancer at bilang na lang ang natitira kong araw dito sa mundo. Kaya Shazalm, huwag mo na akong isipin. Okay lang naman sa akin kung ano man ang magiging desisyon mo, promise!" dire-diretso niyang sambit at nagtaas pa talaga siya ng kamay na nagpapahiwatig na nagpapromise talaga siya.

Para akong tanga habang kaharap ko si Jazz kasi hindi talaga ako makapagsalita. Iyak lang ako ng iyak at wala man lang may nagagawa.

"Jazz.." hindi ko talaga kayang magsalita ng diretso.

"Sana maging masaya ka Shazalm. Kasi magiging masaya lang ako kapag makita lang kita na masaya." ani Jazz.

Parang dinudurog ang puso ko dahil sa mga sinasabi ni Jazz na tagos hanggang buto.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo at nilapitan niya ako para yakapin.

Ramdam ko na sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin na tila ba ayaw na niyang bumitaw.

Wala lang talaga akong magawa kundi ang umiyak lang ng umiyak.

Ilang sandali lang bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at bahagya niya itong hinihimas. Tiningnan niya ako ng diretso sa aking mga mata na halos isang pulgada lang ang pagitan ng mga mukha namin.

"Mamimiss kita." sambit niya at sabay bitaw sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

[End of Chapter 29]

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon