11 - In Love

167 9 0
                                    

Chapter 11



Shazalm's POV

Nang malaman ni Khalid na nagselos ako sa babae — na kapatid lang naman niya, masaya siya. Oo, literal na masaya siya kasi ibig daw sabihin may gusto ako sa kaniya. Hindi naman ako agree sa sinabi niya, kasi mali siya. O sabihin na lang natin na nalilito pa ako.

Siyempre, hindi ko sinabi na may gusto ako sa kaniya kasi hindi pa naman talaga ako sigurado sa nararamdaman ko. Hindi pa ako sigurado, kasi tila parang may pumipigil sa akin. Hindi ko naman alam kung ano 'yon, basta hindi pa ako sigurado.

Andito kami ngayon ni Khalid sa loob ng campus palakad-lakad sa hallway. Katatapos lang din ng last period namin kaya wala na akong pasok, ganoon din naman si Khalid. Kaya heto kami, sinusulit ang oras na natitira na magkasama.

Hindi nga sana ako papasok kasi parang may hangover pa ako. Pero, parang kaya ko na naman at tsaka sayang kung liliban ako, wala rin naman akong magagawa sa bahay, kaya pinilit ko na lang pumasok.

"Bakit hindi mo na lang aminin na may gusto ka talaga sa akin?" sabi ni Khalid.

Sinapak ko siya sa braso niya dahil kanina pa niya talaga ako pinipilit na umamin. Ano naman ang aaminin ko kung wala naman talaga? Mayroon man, pero hindi pa nga ako sigurado.

Ewan ko ba! Dati atat na atat ako na magkajowa at ngayon mayroon na, hindi na ako halos makapagsalita. Hindi ako makapag-decide. Ghosh! Ba't ba ako pinapahirapan ng tadhana?

Bakit hindi ako sigurado kay Khalid? Okay naman siya. Lahat ng gusto ko sa lalake, nasa kaniya na. Ano pa ba ang kulang? Bakit ang dami kong arte?

"Hindi mo talaga ako gusto?" tanong na naman ni Khalid.

Ghad! Pinapahirapan niya talaga ako. Ba't ba kasi hindi ako makasagot? Oo o hindi lang naman ang sagot ko sa tanong niya. Ba't nahihirapan pa ako?! Nakakainis!

"Tigilan mo na nga 'yan!" sinapak ko ulit siya.

"Bakit naman?" kailangan pa niya talaga ng dahilan?

"Ikaw, gusto mo ba ako?" tanong ko sa kaniya.

Kanina pa siya tanong ng tanong sa akin pero ako never ko pa siya tinatanong. Let see, kung masasagot niya 'yong tanong na kanina ko pa hindi kayang sagutin.

See? Hindi nga rin siya makasagot!

"Oo!" sabi niya na siya namang ikinagulat ko. Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata kung seryoso siya sa kaniyang sinasabi. "Gusto kita, Shazalm." ulit niya. So, totoo nga?!

Ghosh! Ito na ba? Ito na ba ang oras na pinakaaantay ko? Si Khalid na ba ang lalaking the one na matagal ko ng hinahanap? Si Khalid na ba ang lalaking mamahalin ko?

Hindi pa rin ako makapagsalita kasi hindi ako makapaniwala. Ba't ang bilis? Ba't feeling ko agad-agad? Pero, totoo nga na may gusto sa akin si Khalid. May gusto siya sa akin pero ako hindi pa sigurado.

Bakit feeling ko, ang unfair ko? Ang unfair ko, kasi siya mabilis sinagot ang tanong ko, pero ako hindi man lang makapagsalita sa kaniya.

"Ba't ka natahimik?" tanong niya.

Tama si Khalid. Sobrang tahimik ko sa harap niya, hindi nga ako sanay, pero sa isip ko tila nabibingi na ako sa sobrang dami kong iniisip na hindi ko naman masabi-sabi sa kaniya.

"Gusto mo ako?" tanong ko. Naninigurado lang baka kasi niloloko lang ako nito ni Khalid.

"Gusto kita, kaso hindi mo ako gusto." sambit niya na may halong lungkot at pait.

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon