17 - Alaala

130 9 0
                                    

Chapter 17

Shazalm's POV

"A-ano ang n-na-a-alala mo, Shazalm?" nauutal na sambit ni Jazz.

Pareho kami ngayon hindi makapaniwala sa nangyayari sa amin ngayon. Hindi ko kasi lubos akalain na ang lahat ng pangyayari na iyon ay bigla na lang pumasok sa isip ko. Mga dating pangyayari sa buhay ko habang kasama si Jazz. Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.

"Shazalm..." hindi na rin makapaghintay si Jazz sa magiging sagot ko.

Marami ang alaala ang pumasok sa isip ko pero may isa doon na hanggang ngayon, tumatakbo pa rin sa isip ko.

Tiningnan ko si Jazz na kanina pang nakatingin sa akin. Naliligo na siya ngayon sa sarili niyang luha. Pati tuloy ako nahawa na sa kaniya kaya hindi ko na rin mapigilan ang mapaluha.

"Naaalala ko na naging tayo noong una, Jazz." sambit ko habang kasalukuyang tumatakbo sa isip ko ang mga dating alaala na nangyari sa aming dalawa ni Jazz.

"Naaalala ko na una tayong nagkakilala doon sa bakanteng lote." dagdag ko.

"Naaalala ko na pareho tayong masaya habang kumakain sa dating school na pinapasukan natin." patuloy pa ring sumasagi sa utak ko ang mga dating alaala namin ni Jazz.

"Naaalala ko na sabay tayong namamasyal." nakikinig lang si Jazz na tila hindi makasagot dahil halata na hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Naaalala ko na palagi mo akong pinagtatangol." hindi ako makatigil sa pagsasalita dahil sunod-sunod ko ng naaalala ang lahat ng mga nakaraan namin ni Jazz.

"Naaalala ko na palagi ikaw ang takbuhan ko sa oras na ako ay nasasaktan." pati ako, naliligo na rin sa sarili kong luha. Hindi kasi ako makapaniwala na ganoon pala kami ni Jazz dati. Hindi ako makapaniwala na sobrang mahal na mahal pala namin ang isa't-isa.

"Naaalala ko na palagi tayong namamasyal dito sa perya." basag na ang boses ko habang sinasambit ko ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

Tiningnan ko ang ferris wheel 'di kalayuan sa kinatatayuan namin ngayon ni Jazz. "Naaalala ko na sumakay tayo riyan." patuloy ko at tinutukoy ko kay Jazz ang ferris wheel.

Ngayon ko lang narealize na hindi pala basta panaginip lang ang napanaginipan ko dati, dahil totoo pala talaga 'yon na nangyari sa buhay ko.

Marami pa sana akong gustong sabihin kay Jazz dahil sunod-sunod pa ring pumapasok sa isip ko ang dating alaalala namin na matagal ko ng nakalimutan, pero naputol ako sa pagsasalita kasi bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

Habang yakap-yakap ako ni Jazz, lumalabo na naman ang paningin ko. Nanghihina na naman ang buong katawan ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

~~~*

Jazz's POV

Hindi ko lubos masukat ang saya na nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas! Sa tinagal-tagal ng panahon na hinintay ko, naalala na ngayon ni Shazalm ang lahat na tungkol sa aming dalawa.

Pero, nung bigla na naman siyang nahimatay, sinugod ko agad siya sa malapit na hospital.

Habang nasa labas ako ng emergency room kasi chini-check sa loob ng mga nurse at doktor ang kalagayan ni Shazalm, biglang may sumigaw at tinawag ang pangalan mo.

"Jazz!" sa sobrang lakas ng boses niya, um-echo pa ito sa loob ng hospital.

Agad ko namang nilingon ang taong tumawag sa pangalan ko. Bigla na lang kumulo ang dugo ko nang makita ko ang pagmumukha ni Khalid.

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon