Chapter 13
Shazalm's POV
Nasa perya ako, mag-isa na naglalakad. Gabi na pero marami pa rin ako nakikitang tao. Abala sila sa paglalaro at pagsakay ng mga rides.
Habang nakangiti ko silang tinitingnan, may biglang yumakap sa likuran ko.
Kahit hindi ko man siya lingunin, alam at ramdam ko na siya 'yon. Si Jazz Del Fuego, ang lalakeng mahal ko.
"Gusto mong sumakay diyan?" tanong niya sa akin habang yakap-yakap pa rin ako. Tinutukoy rin niya 'yong ferris wheel na kanina ko pang tinitingnan.
"Natatakot ako." sagot ko kay Jazz.
Gusto ko man, pero natatakot ako. Hindi pa kasi ako riyan nakakasakay.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at pinaharap niya ako sa kaniya.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tiningnan sa mga mata ko. "Kasama mo 'ko, kaya wala ka dapat katakutan." sabi niya.
Sa tuwing sinasabi niyang kasama ko siya, pakiramdam ko, safe ako. Pakiramdam ko wala akong kinakatakutan. Kasi andiyan siya na alam kong hindi ako pababayaan.
Dahil sa sinabi niya, tumatag ang loob ko at sabay kaming pumila para sumakay sa ferris wheel.
Nang makasakay kami, kinabahan ako sa simula pero nung hinawakan niya ang kamay ko, tila agad itong naglaho.
Habang dahan-dahang umiikot ang ferris wheel, sabay naming in-enjoy ang ganda ng kalangitan na punong-puno ng mga mumunting bituin.
"Gaya ng bituin hinding-hindi mawawala 'yong ningning ng pagmamahal ko sa'yo, Shazalm." sambit ni Jazz habang nakatingin sa mga bituin. "Darating man ang araw at matatabunan ang ningning nito, tandaan mo na babalik agad ito balang araw." dagdag niya. Tumingin ito sa mga mata ko. "Dahil mahal na mahal kita, Shazalm. Ikaw ang dahilan ng aking pagningning kaya ayokong mawala ka sa tabi ko, baka kasi hindi mo na ako makikita kailanman." niyakap niya ako ng mahigpit pagkatapos niya itong sabihin.
Masaya at puno ng pagmamahal naming tinapos ang dalawang ikot ng ferris wheel.
Nagising akong pinagpapawisan.
Nanaginip lang pala ako.
Inikot ko ang aking tingin at pansin ko nasa loob ako ng isang maliit na kuwarto. May mga nurse rin akong nakikita.
"Asan ako?" tanong ko sa isang nurse na kakalapit lang sa akin.
"Nasa clinic ka po. Nawalan ka po ng malay kaya dinala ka rito ng mga kaibigan mo." sagot ng nurse.
Mga kaibigan ko? Ibig sabihin, andito sila. Andito siya!
Napapikit na lang ako nang biglang sumagi sa isip ko ang panaginip ko kanina. Bihira lang 'to mangyari na naaalala ko pa ang panaginip ko.
"Si Jazz." sambit ko. Siya ang napanaginipan ko kanina. Siya 'yong lalakeng kasama ko sa panigip ko. Hindi ako puwedeng magkamali, kasi si Jazz nga 'yon. Kailangan ko siyang makita at makausap.
"Ano po?" tanong ng nurse nang mapansin niyang nagsalita ako.
"Si Jazz po nasa labas ba?" natatarantang tanong ko sa nurse.
"'Yong lalake po ba sa labas?" tanong ng nurse pero hindi ako nakasagot kasi hindi naman ako sigurado. "Tingnan ko po. Sandali lang." sabi ng nurse at agad din itong lumabas.
Anong ginagawa ni Jazz sa panaginip ko? Hindi ako makapaniwala na siya pala 'yong lalakeng palaging pumapasok sa isip ko sa tuwing ako ay nahihilo. Pero, bakit siya? Anong mayroon sa aming dalawa?
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
General Fiction[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...