25 - Unexpected

119 4 0
                                    

Shazalm's POV

"Sabi ko naman sa'yo nak na hindi basta-basta ang pag-ibig." si mama na busy sa pagluluto ng soup.

Nilalamig kasi ako dahil sinulong ko talaga ang ulan para lang makalayo kay Khalid. Kasi ayaw niya talaga akong pauwiin kasi nga ang lakas ng ulan, nagmatigas pa rin talaga ako kasi hindi ko na kaya pa ang mga nangyayari kanina.

Maghahating gabi na nga, mabuti nakauwi pa ako. Hindi pa naman ako nagpahatid kay Khalid kahit gusto niya. Gusto ko lang talaga munang mapalayo sa kaniya, para naman ako makapag-isip-isip ng mabuti. Nagugulugan na kasi ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang dami na kasing nangyayari. Litong-lito na ako kung saan, paano ako magsisimula.

"Sigurado ka na ba talaga nak na hihiwalayan mo na si Khalid?" tanong ni mama. Tiningnan ako habang pinulupot ko ang katawan ko ng kumot kasi nilalamig pa talaga ako.

Napapailing na lang si mama kasi hindi ako makasagot. Hindi ko kasi alam. Ayokong magsalita ng tapos. Kasi natatakot ako sa kung ano man ang mangyayari.

Iniwan ni mama ang kaniyang niluluto at nilapitan ako. Umupo siya sa tabi ko at ipinaharap niya ako sa kaniya.

"Nak, ito lang ang tatandaan mo." humugot si mama ng malalim ng hininga na tila may sasabihin pa atang lesson na panigurado hugot na naman 'to. "Ilang ulit ko na 'tong sinasabi sa'yo nak, na piliin mo 'yong tao na higit diyan sa puso mo." itinuro pa talaga niya kung saan ang puso ko. Seryoso naman ni mama. Hindi ako sanay. "Iyong tao na pinakamamahal mo at mamahalin ka rin ng buong puso." napangiti ako ni mama kahit papano. Alam kong paulit-ulit na lang niya itong sinasabi sa akin, pero bakit hindi ko man lang magawa? Bakit nahihirapan pa rin ako?

Tama nga talaga si mama na sobrang magulo ang pag-ibig. Hindi ko nga alam kung anong mangyayari sa akin kung wala si mama. Kasi siya lang talaga ang palaging nagbibigay sa akin ng mga lesson sa buhay, lalong-lalo na sa pag-ibig. Kaya sobrang nagpapasalamat talaga kay mama kasi nang dahil sa kaniya, kahit papano, natutulungan niya ako. Napapagaan niya ang loob ko kahit sobrang masakit na.

"Luto na ata 'tong soup!" basag ni mama sa katahimikan.

Hindi kasi ako makapagsalita. Natutulala na lang ako dahil sa hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

Kumuha si mama ng soup at agad niya itong ibinigay sa akin.

"Basta nak, huwag mong hahayaan na lang 'yang nararamdaman mo,  kasi gaya ng soup na 'yan, mas masarap kung mainit pa." sambit ni mama. Hinalikan niya ako sa noo at agad na umakyat papunta sa kuwarto niya.

Naiwan naman akong tulala pa rin at pilit iniintindi ang lahat ng sinabi ni mama sa akin.

Pagkatapos kong kumain, dumiretso na ako sa kuwarto ko at pati doon, iniisip ko pa rin si Jazz at si Khalid.

~~*

"Nak! Gising!"

"Gising na nak!"

Sa lakas ng boses ni mama nagising ako. Ayoko pa sanang tumayo kasi inaantok pa talaga ako. Anong oras na kasi akong natulog kagabi. Eh, anong oras pa lang ngayon?

"Wala ka bang pasok ngayon? Alas dyes na Shazalm! Bumangon ka na riyan!" sambit ni mama na siya namang ikinagulat ko.

"Alas dyes na, ma?!"

Tumango lang si mama bilang sagot niya sa tanong ko, kaya walang anu-ano, agad akong dumiretso sa c.r. para maligo. Ghad! Late na ako!

"Ma naman! Ba't hindi mo naman ako ginising ng mas maaga?! Late na tuloy ako sa final exam namin!" bagotbot kong sambit habang nasa loob na ako ng c.r. Alam ko naman na naririnig pa ako ni mama.

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon