15 - Chase

147 8 0
                                    

Chapter 15

Jazz's POV

Late na akong nagising kaya late na rin ako sa first subject namin. Pakiramdam ko, namamaga ang mga mata ko dahil ito kagabi. Walang tigil kasi ang pagbagsak ng luha ko. Mabuti nga, nakatulog pa ako.

Andito na ako ngayon sa campus, bagsak na bagsak ang katawan habang naglalakad sa hallway. Wala akong lakas. Hindi ko nga kayang ituwid ang katawan ko, kasi wala akong gana. Hindi nga sana ako papasok, kaso hindi ko naman puwedeng hayaan ang pag-aaral ko, lalo na't ako ang inaasahan ng mga magulang ko.

Wala akong pakialam sa mga nakakasalubong ko sa daan. Hindi ko sila pinapansin kahit galit ito sa akin kasi nababangga ko ang ilan sa kanila. Diretso lang ako hanggang sa nasagi ng tingin ko si Shazalm na mag-isa ring naglalakad.

Agad na nagkaroon ng lakas ang katawan ko, kaya dali-dali akong tumakbo upang lapitan siya.

Bago pa man niya maapakan ang hagdan papasok ng building, hinarangan ko siya. Hinarap ko siya kahit medyo hinihingal pa ako.

Sandali lang niya akong tiningnan dahil gusto niya sana akong iwasan pero pinipilit ko siyang harangan.

"Ano ba!" galit na sambit niya. "Padaanan mo nga ako!"

Pinipilit niya pa ring lumusot pero matigas ang ulo ko, sinisikap ko pa rin siyang harangan.

"Mag-usap tayo. Sandali lang." paki-usap ko sa kaniya.

Tiningnan niya ako ng masama. "Lubayan mo na lang ako, Jazz. Para wala ng gulo."

"Sandali lang Shazalm, please." halos lumuhod na ako sa kaniya para lang niya ako kaawaan.

"Sorry, Jazz... Kailangan ko na talagang pumasok, mali-late na ako sa first subject ko." halatang iniiwasan niya lang talaga ako.

Hinawakan ko ang mga kamay niya pero agad niya rin itong inalis. "Jazz! Ano ba!? Hindi ka ba nakakaintindi?!" halos mabingi ako sa lakas ng pagkakasabi nito ni Shazalm.

"Shazalm! Mahal pa rin kita!" agad na sagot ko sa kaniya.

Natahimik siya saglit sa sinabi ko. Tinitigan niya ako sa mga mata ko na alam kong namumula na. Pinipigilan ko, pero ilang sandali na lang, alam kong babagsak na 'to. "Kung mahal mo talaga ako, hayaan mo na ako!" sambit niya at agad niya akong tinulak gamit ang kanyang braso, dahilan upang malubayan niya ako.

Bago pa man niya ako tuluyang malubayan nagsalita ako. "Kahit ikamatay ko?" pahabol ko.

Kahit nakatalikod ako sa kaniya, alam kong napahinto siya sa paghakbang. Pero, 'di nagtagal, pinagpatuloy niya pa rin ang kaniyang paghakbang hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo.

Napaluhod ako ng wala sa oras sabay ang pagbagsak ng luha ko na kung bumagsak ay gabutil ng bigas.

"Wala na talaga siyang pakialam sa akin." sambit ko sa sarili ko habang binabaha ng sarili kong luha.

Wala na akong lakas pa upang tumayo. Gusto ko ng mamatay. Gusto ko ng mawala sa mundong 'to na labis ang pagpapahirap sa akin. Wala na ring saysay ang buhay ko, kung ang taong pinakamamahal ko ay hindi naman mapapasaakin.

"I think, you need this." 

Natigil ang pagbagsak ng luha ko nang  may biglang nag-abot ng panyo sa harap ko.

Dahil nakayuko ako habang nakaluhod, dahan-dahan kong inangat ang paningin ko, at isang babaeng nakangiti ang bumungad sa harap ko. Tila may inaabot itong puting panyo sa akin.

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon