Shazalm's POV
"Ma, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na si Jazz pala!" paghuhumintaryo ko sa harap ni mama na ngayon ay busy sa pagluluto.
Kakaalis lang din ni Jazz. Mabuti nga sinundo siya ng kaniyang bunsong kapatid at ng kaniyang mama rito, kaya mas panatag pa rin ang loob ko na okay siya. Kesa naman na siya lang mag-isa ang uuwi, eh baka hindi kaya ng konsensiya ko nun kasi hindi ko alam kung makakaya ng katawan niya.
"Nak naman... Malay ko ba... Pati nga rin ako, hindi makapaniwala na dadalaw siya rito." pagdedepensa naman ni mama. "At tsaka nak, naaawa nga ako sa kaniya, lalo na nung makita ko na sobrang laki na nang binagsak ng katawan niya." Sandaling natigil si mama sa pagluluto at hinarap ako. "Nak, umamin ka nga sa akin... Mahal mo ba si Jazz?"
~~~*
Andito na ako ngayon sa baybayin, dito lang din sa lugar namin. Medyo malayo nga lang 'to sa bahay namin, pero pinilit ko pa rin talaga ang pumarito para lang makapag-isip, mapag-isa, kasi sobrang dami na talagang nangyari.
Sa lugar din kasi na ito, nababawasan naman kahit kaunti ang sakit at bigat ng nararamdaman ko.
Nakaupo ako ngayon sa malaking bato na katabi lang din ang isang puno ng talisay. Maghahapon pa lang, kaya halos wala akong may nakikita pang tao rito. Madalas kasi hapon na kung magpunta rito ang mga tao, dahil na rin siguro sa init ng araw.
"Nak, umamin ka nga sa akin... Mahal mo ba si Jazz?"
Sumagi na naman sa utak ko ang tanong kanina sa akin ni mama na hindi ko man lang nasagutan.
Nasa dagat lang ang tingin ko at tanging hampas lang ng mga alon ang aking naririnig.
"Mahal ko si Jazz!" sambit ko sa kawalan. "Mahal na mahal ko siya!" dagdag ko at nagsimula na namang pumatak ang luha ko. Kainis!
Ang tapang ko lang talagang sabihin na mahal ko si Jazz kapag ako lang mag-isa, kapag walang may nakakarinig. Pero, sa tuwing may nagtatanong sa akin, eh hindi man lang ako makapagsalita kahit oo o hindi man lang. Eh kasi naman hindi rin mawala sa isip ko si Khalid na isa ring nagpapahirap sa akin. Na isa ring nagpapalito sa akin. Mahal ko si Jazz pero mahal ko rin si Khalid.
Bakit pa ba kasi sa dalawa pang tao ang tinitibok nitong puso ko? Nakakabuwesit lang kasi! Ang dali lang sabihin na puwede lang naman isa, sinusubukan ko naman pero hindi talaga. Hindi ko talaga kayang pilitin itong nararamdaman ng puso ko na magmahal lang sa isang tao.
Patuloy lang sa pagbagsak ang luha ko kasi sobrang sakit talaga. Naaawa na nga rin ako kay Khalid kasi tawag siya ng tawag, text siya ng text, dalaw siya ng dalaw sa bahay, pero hindi ko man lang siya pinapansin. Hindi ko man lang siya nabibigyan kahit kaunting oras man lang. Ang dami ko na talagang taong nasasaktan. Sa tingin ko nga, wala na akong kuwentang tao. Hindi na nila ako deserve upang mahalin. Hindi ko na deserve ang maramdaman ang kanilang pagmamahal kasi ganito ako palagi. Walang magawa. Walang may maisip na paraan para matuldukan ang problemang ito.
"Ahhhhhh!!!"
Napasigaw na lang ako ng malakas sa abot ng aking makakaya. Basa na ang buong mukha ko dahil sa luha, gulong-gulo na rin ang buhok ko, wala na talaga sa ayos itong katawan ko. Masuwerte nga pa rin ako kasi walang tao sa palibot ko, kasi kung nagkataon, tiyak pagpipiyestahan na nila ako ng tingin dahil sa kalagayan ko ngayon.
...
Khalid's POV
Wala na naman siya sa kanilang bahay. Hindi ko na nga rin alam kung saan ko pa siya hahanapin kasi lahat lahat na talaga ng lugar na puwede niyang puntahan, pinuntahan ko na, kaso wala talaga siya, hindi pa rin talaga ako kinakausap ni Shazalm.
Miss na miss ko na siya.
[End of Chapter 30]
Author's Note:
Una sa lahat, sorry! Kasi sobrang ikli ng chapter na ito. Sinadya ko talagang gawin ito kasi ito talaga ang gusto ko. Lol!
Pero, salamat pala sa mga nagbabasa nito, sa mga patuloy na nagbabasa nito! :*
Alam kong kaunti pa lang kayo, pero sobrang saya ko na kasi naman kahit papano, may nagbabasa pa rin. Kahit naman siguro walang may nagbabasa nito, ipagpapatuloy ko pa rin talaga ito hanggang matapos kasi 'yon talaga ang goal ko.
Gusto ko lang sabihin ang lahat ng ito, kasi masaya lang talaga ako na nakakakita ako sa notification ko na may nagvo-vote, at in-a-add nila itong story na ito sa reading list nila, kasi naman hindi ko iyon in-e-expect.
Kaya sana hanggang sa huling kabanata, suportahan niyo pa rin itong story ko kahit alam ko naman na hindi kasing ganda at hindi met sa mga expectations niyo. Ang goal ko lang talaga ang may makuha kayong lessons sa story ko na ito. Salamat talaga.
Hanggang sa muli... Paalam!
-lahingmusikero
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
General Fiction[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...