Chapter 10
Shazalm's POV
Dapat ba talaga akong magselos? Hindi naman 'di ba? Wala naman talaga akong karapatan na magselos kasi hindi naman kami ni Khalid. Wala namang kami.
Pero, bakit nasasaktan ako? Bakit noong makita ko siyang hinalikan ng babae, biglang kumirot 'tong puso ko? Nahuhulog na siguro ako kay Khalid. Siguro, gusto ko na siya.
Nang makita ako ni Khalid, agad akong bumaling sa ibang direksiyon. Ayokong makita niya akong ganito.
Pero, hindi ko mapigilan ang mapatingin sa kanila. Kahit alam kong masasaktan lang ako, tiningnan ko ulit sila na masayang nag-uusap. Nakayakap pa 'yong babae kay Khalid. Sweet sila kung pagmasdan pero heto ako mas lalo lang nasasaktan.
Gusto ko silang paghiwalayin pero may pumipigil sa akin. Umiiral pa rin kasi sa isip ko 'yong puwedeng mangyaring iskandalo kung gagawin ko 'yon. Kaya tiniis ko na lang ang sakit kasi kaya ko pa naman.
Nagsisinungaling kaya sa akin si Khalid? Totoo kaya na wala siyang girlfriend? Kasi sinabi niya sa akin dati na wala siyang girlfriend eh. Kung wala nga siyang girlfriend, sino 'yong babae na humaharot niya? Bago niya? 'Yong ex na sinabi niya?
Kumuha na lang ako ng red wine sa table at tinungga ko agad ito hanggang maubos.
Hindi ko kailangang mag-isip ng kung anu-ano kasi baka mali lang ako. Andito ako para magsaya at hindi para mag-emote ng walang kasiguraduhan.
Kumuha ulit ako ng isa pang basong red wine at tinungga ko na naman agad ito.
Hoo! Malalasing ata ako ngayon ng maaga!
Napapaindak na rin ako dahil sa malakas na tugtog na bumabalot sa buong mansyon nila Khalid. Spotlights na iba't-iba ang kulay na lang ang nagpapailaw sa paligid.
Napalingon ako sa likod nang may nagsalita. "Hi miss." sabi nito.
Umiling-iling ako kasi parang lumalabo na ang paningin ko. Nalalasing na siguro ako. Dalawang baso pa nga lang ang naiinom ko, para na akong natutumba. Kasalanan kasi nito nung babae kanina. Kung hindi siya humaharot kanina kay Khalid, 'edi sana fresh pa rin ako ngayon. Pero, huli na! Nasaktan na ako, kaya kailangan ko na 'tong ipagpatuloy.
"Miss... Okay ka lang ba?" ano ba 'yan! Nakalimutan ko may kausap pa pala ako. Nadala lang talaga ako sa emosyon ko kaya hindi ko na siya napansin.
Tiningnan ko siya, infairness, ang gwapo niya.
"Ano sa tingin mo?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.
Tumungga ulit ako ng isa pang basong red wine. Hanggang sa naging dalawa at naging tatlo. Hindi naman talaga ako umiinom, pero dahil nasaktan ako, kailangan. Kasi ito ang parati kong nakikita sa mga drama, na kapag nasasaktan ka, kailangan uminom ng alak.
Ngumiti siya na parang nang-aakit at lumapit ito sa akin. "Gusto mo bang paligayahin kita?" nagulat na lang ako nang biglang gumapang ang kamay niya sa legs ko.
Dahil sa gulat ko, sinampal ko siya sa abot ng aking makakaya. "Bastos!" sigaw ko dahilan upang pagpiyestahan kami ng mga tingin.
Anong akala niya sa akin, pokpok? Parausan ng mga lalakeng madalas mangati na katulad niya? Ghad! Kahit guwapo siya, hindi ko siya papatulan noh! Ano siya sinisuwerte?
Nagulat na lang ako nang biglang sinuntok ni Khalid ang lalakeng nambastos sa akin. Kahit hindi ko man mibuka ng maayos ang aking mga mata, nakita ko pa kung paano ito napatumba ni Khalid. Dumugo ang ilong nito at tila nahimasmasan sa ginawa niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
Ficción General[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...