Shazalm's POV
Hapon na at sakay ng kotse namin, mag-isa akong pupunta sa perya kung saan kami magkikita ni Khalid. Habang nasa byahe, hindi ko alam ba't bigla ako nakaramdam ng kaba. Ang gulo at hindi ko maintindihan ba't ko 'yon naramdaman.
Ano ba kasi ang sasabihin sa akin ni Khalid? Kinakabahan naman ako ng masyado. Parang pakiramdam ko sasabog na 'tong puso ko.
Nang marating ko na ang perya, agad akong bumaba ng kotse at sumalubong agad sa akin si Khalid na may bitbit na dalawang chocolate ice cream at agad niyang ibinigay sa akin ang isa na agad ko din namang tinanggap.
Tiningnan ko siya nang may pag-aalinlangan at hiya kasi naman sa sobrang daming nangyari sa amin, nakakahiya na.
Ngumiti siya at gusto ko sanang suklian din siya ng ngiti pero hindi ko magawa. Kahit pilit, ang hirap.
Naramdaman kong na-disappoint siya pero ngumiti pa rin siya na ipinapahiwatig niya na okay lang 'yon para sa kaniya.
Sabay na kaming naglakad paputa sa isang bench na nasa tapat lang ng ferris wheel. Doon na kami pumwesto at biglang nag-flashback na naman sa utak ang lahat ng memorya namin ni Jazz. Nakakainis.
Sinusubukan kung maging kalma kasi ayokong mahalata ni Khalid. Ayoko siyang saktan kasi alam ko naman na masasaktan na naman siya kapag malaman niyang iniisip ko na naman si Jazz.
Bakit pa ba kasi dito pa? Bakit sa lugar pa na ito? Wala naman akong magawa at hindi ko naman masisisi si Khalid kasi wala naman siyang alam na sa lugar na ito, sobrang dami naming alaala ni Jazz na minsan ko ng kinalimutan.
"Natutunaw na siya oh." pagpukaw ni Khalid ng atensyon ko. Tinutukoy rin niya ang ice cream na hawak ko.
Hindi ko na pala alam na tulala na pala ako. Nakakahiya.
Pilit akong ngumiti at tiningnan siya. "Ano pala ang pag-uusapan natin?" tanong ko at sabay tikim ng ice cream. Malapit na kasing matunaw sa kamay ko.
Umupo siya ng maayos at tumingin sa malayo na para bang ang lalim ng sasabihin niya.
"Siguro ito na ang tamang panahon." sambit niya at humugot siya ng hininga.
Hindi ko naman siya maintindihan kaya hindi ko na nagawang magsalita at hinayaan na lang na ipagpatuloy ang sasabihin niya.
"Hindi ko alam Shazalm kung ako ba ang may kasalanan." sambit ulit ni Khalid habang nananatili pa rin itong nakatingin sa malayo.
Hindi ko naman siya maintindihan. Ano ba kasi itong pinagsasabi niya? Gusto ko sana siyang tanungin pero parang may sasabihin pa siya kaya hinayaan ko na lang ito.
"Siguro ako nga talaga ang may kasalanan." patuloy ni Khalid na ngayon ay pansin ko na parang may luha na pumapatak galing sa kaniyang mga mata na agad din naman niya itong pinunasan gamit ang kaniyang kamay.
Sa ngayon, hindi ko na talaga mapigilan ang hindi magsalita. "Ano ba kasi ang gusto mong iparating, Khalid? Bakit parang sinisisi mo ang 'yong sarili?" singit ko na siya namang pag-agaw ko ng kaniyang atensiyon. "Bakit idinidiin mo ang iyong sarili na ikaw ang may kasalanan? Hindi kita maintindihan. Ano ba kasi ang problema na kailangan kong malaman?" dagdag ko na mas nagpadagdag ng kaba ng nararamdaman ko.
Hindi pa rin siya makasagot. Pansin ko rin na natutunaw na sa kaniyang kamay ang ice cream na hawak niya.
"Inaamin ko na nasaktan kita, Khalid. Kung ako man ang dahilan ng pino-problema mo ngayon, ngayon na mismo ako humihingi ng tawad."
Hindi ko na naman napigilan ang luha ko at kusa itong bumagsak.
Itinapon ni Khalid ang ice cream na hawak niya at agad na bumaling sa akin. "Hindi mo kailangan humingi tawad, Shazalm... kasi wala ka namang kasalanan." medyo basag na rin ang boses ni Khalid nang sambitin niya ito.
"So, anong problema?! A-anong nangyari?!" nauutal na rin ako sa pagsasalita dahil sa nangyayari.
Humugot ng malalim na hininga si Khalid at tumingin na naman ito sa malayo. Medyo madilim na kasi lumulubog na rin ang araw. "Pasensiya na Shazalm kasi ngayon ko lang talaga nalaman ang tungkol sa inyong dalawa ni Jazz." sambit niya. "Ang tungkol sa nakaraan niyong dalawa." pansin ko na ngumiti ito ng mapait at kinagat ang sarili niyang labi.
"B-bakit? A-nong problema doon?" ewan ko ba kung ang tanga ko kung bakit hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. O, ang bubo ko kaya hindi ko pa rin siya maintindihan.
Tiningnan ako ni Khalid at pansin ko na pulang-pula na ang mga mata nito. "Kasalanan ko kung bakit kayo nasira." mapait na sambit nito at parang sinisisi niya talaga ang kaniyang sarili. "Minsan man ako naging masama sa paningin mo, Shazalm, I swear hindi ako 'yong tipong tao na sumisira ng relasyon. Hindi ako 'yong tipong tao na gumagawa ng dahilan ng pag-iyak ng isang tao. Alam kong hindi ako perpekto, Shazalm, pero hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na mayroon pala kayong nakaraan ni Jazz?" dire-diretsong sambit ni Khalid.
Ramdam ko na nag-uumapaw ang naghahalo-halong emosyon ngayon ni Khalid. Nakatingin ito sa akin habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha niya.
Hindi ko rin naman pala alam na may kasalanan pala ako kay Khalid. Tama naman kasi siya eh. Bakit ni minsan, hindi ko man lang ikinuwento sa kaniya ang tungkol sa amin ni Jazz. Pero hindi ko naman kasi iyon sinasadya. Hindi ko naman alam na maaapektuhan siya ng ganito. Hindi ko alam kung insensitive lang talaga ako o sadyang ang tanga ko lang talaga.
Tiningnan ko si Khalid sa kaniyang mga mata kahit ramdam ko ngayon ang hiya. "Sorry." mahinang sambit ko at ngayon tuloy-tuloy na rin ang pagbagsak ng luha ko. Hindi ko naman ito mapunasan kasi sobrang lagkit na ng kamay ko dahil sa natunaw na ice cream na hawak-hawak ko hanggang ngayon. "Sorry Khalid kung hindi ko 'yon nasabi sa'yo. Alam mo bang na-amnesia ako? Alam mo ba na dahil sa amnesia ko na 'yon, lahat ng alaala namin ni Jazz parang bula na bigla nalang naglaho? Alam mo ba na dahil sa amnesia ko na 'yon, marami akong nakalimutan na mga bagay na sobrang importante pala sa buhay ko. Alam mo ba na dahil sa amnesia ko na 'yon, sinisisi ko ngayon ang sarili ko dahil sa nangyayari ngayon kay Jazz? Dahil sa akin nagkasakit siya. Dahil sa akin nasira kami at dahil sa amnesia na 'yon nakilala kita. Minahal kita." dire-diretso kong sambit na halos mawalan na ako ng hininga.
Pansin ko na hindi na makasagot si Khalid sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko na naapektuhan siya.
Ilang segundo ang lumipas nagsalita rin siya. "Minahal mo ba talaga ako, Shazalm?"
"Oo naman, Khalid. Minahal kita. Sinersyoso kita." agad na sagot ko.
"Pero, mas mahal mo si Jazz?"
Sandali akong napahinto sa tanong ni Khalid.
Siguro ito na ang tamang panahon upang matuldukan na ang lahat ng ito. Siguro ito na ang tamang panahon para aminin sa kaniya kung ano man talaga ang nararamdaman ng puso ko. Ayokong tumagal pa ito. Ayokong mas marami pa ang masasaktan. Siguro ito na rin ang tamang panahon para matigil na ang sakit na dala-dala ng puso ko.
"Mahal kita. Masaya ako na naging parte ka sa istorya ng buhay ko, Khalid, pero hindi ko puwedeng lokohin ang sarili ko, ang puso ko at ikaw." humugot ako ng malalim na hininga. "Oo, mas mahal ko si Jazz. Si Jazz pa rin talaga ang laman ng puso ko." pagpatuloy ko na nagpataas ng tensiyon sa pagitan naming dalawa ni Khalid.
Ngumiti na naman ito ng mapait at dahan-dahan na tumayo. Tiningnan niya ako habang ang mga mata nito ay punong-puno pa rin ng luha.
"Aaminin ko, na masakit, Shazalm. Aaminin ko, nasaktan ako. Pero, ayokong nakikita kitang nahihirapan. Ayokong nakikita kitang nasasaktan, at dahil mahal kita, tanggap ko ang naging desisyon mo."
Agad akong napatayo at niyakap si Khalid ng mahigpit kahit ang lagkit-lagkit pa ng kamay ko dahil sa ice cream. Hindi ko alam pero sa sinabi ni Khalid, gumaan bigla ang pakiramdam ko.
"Shazalm!"
Bigla akong napabitaw sa pagkakayakap kay Khalid nang biglang may sumigaw sa likuran ko.
Paglingon ko, si Manny kasama niya si Jennifer, at pansin ko na parang naghahabol sila ng kanilang hininga.
"Si Jazz!" sabay nilang sambit nang makalapit sila sa kinatatayuan namin ni Khalid.
Anong problema? Ba't bigla akong kinabahan?
[End of Chapter 32]
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
Ficción General[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...