1 - Buhay Single

585 12 0
                                    

Chapter 1

Shazalm's POV

Magbebente anyos na ako sa Earth, pero hanggang ngayon nag-iisa pa rin ako. Hanggang ngayon, virgin pa rin ako. Hanggang ngayon, single pa rin ako.

Eeeeeeearth!!! Please, tulungan mo naman ako makahanap ng magiging the one ko. 'Yong the one na magbibigay kulay at saya sa napakaboring na buhay ko. Nagmamakaawa ako. Please...

Sana 'yong gwapo naman. Iyong mala-Darren Espanto ang dating. Kasi natatakot ako sa pangit. Ewan ko, parang nangangati ako sa tuwing nakakakita ako ng pangit.

Opps! Baka anong isipin mo hah? 'Di naman ako judgmental na tao. Sinasabi ko lang talaga 'yong totoo kong nararamdaman.

Isa nga sigurong rason kung bakit hanggang ngayon single ako, kasi sobrang mapili ako.

Gusto ko kasi 'yong lalakeng loyal na kahit gumuho man ang mundo 'di niya ako iiwan. Kasi alam naman nating lahat na kadalasan sa mga lalake ngayon kung hindi pakboy, manloloko! Diba?

At kung hindi naman pangit, bakla! Ghad! Ano na ang nangyayari sa'yo earth? Magugunaw ka na ba? Bakit hindi mo naman ako in-inform?

Kaya Earth, kung bibigyan mo ako ngayon ng isa, 'yong isa na pasok talaga sa standard ko, panigurado, 'di ko na siya papakawalan. Magkamatayan man.

Sabik na sabik na kasi akong magkaroon ng jowa. Alam mo 'yon?Gusto ko na kasing ma-experience 'yong mga na-e-experience ng mga taken. 'Yong namamasyal kayo ng jowa mo habang naglalandian sa harap ng maraming tao. 'Yong kumakain kayo ng sabay at may kasamang kaunting harutan. Alam mo 'yon? Gusto ko na rin kasing ma-experience 'yong... alam mo na. 'Yong ginagawa ng mga mag-jowa. 'Yong plok plok. Gusto mo 'yon?

Kasi naman hanggang ngayon single pa rin ako. Kaya hanggang ngayon virgin pa rin ako at hanggang nuod lang ako ng mga p*rn movies. Kainis. Sawang-sawa na ako.

Mamamatay siguro akong virgin. Naku! Huwag naman sana. Sayang naman kasi 'tong lahi ko na pagkaganda-ganda.

Maganda ako, huwag kang ano! Nakasisigurado ako kasi sinabi 'yan sa akin ni mama... at! Ni papa. Duh!

"Shazalm! Anak!"

Speaking of mama.

"Pariyan na po ako ma! Wait lang!" agad akong napabalikwas sa kama ko at nagsuot ng tsinelas upang bumaba ng kuwarto at upang puntahan si mama sa baba.

Nakapambahay lang ako. Maiksing short at maluwag na tshirt na abot hanggang tuhod. Hanggang ngayon wala pa akong pasok kasi next week pa ang start ng class namin. Bored na bored na nga ako rito sa bahay. Ilang araw na rin kasi akong preso rito. Wala naman kasi akong hilig sa lakwatsa. Ang init din kasi sa labas, baka pa ako umitim. Ghad... Ayoko nun!

Pagkababa ko ng hagdan, nakita ko si mama na nakaupo sa salas. At tila parang may kausap siya.

Nang makalapit ako, tama nga. May kausap nga si mama.

"Excuse me." pagsingit ko.

Hindi na kasi nila ako napansin na dumating.  Agad naman silang napahinto sa pag-uusap at sabay akong tiningnan.

Napataas naman ako ng kilay kay mama at sa bisita namin, dahil kung makatitig, wagas!

"Anong meron?" takang tanong ko sa kanilang dalawa. "Bakit pareho kayong tulala?"

Tumayo agad si mama sa kaniyang inuupuan at lumapit ito sa kinatatayuan ko.

Nasa harap ko si mama, at 'yong bisita namin ay nasa likod din ni mama nakaupo.

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon