Shazalm's POV
Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko nang makarating ako sa hospital. Agad kong pinark ang kotse at paglabas ko, sumalubong sa akin si Jennifer na kapansin-pansin ang pagiging balisa niya.
"Tayo na, Shazalm!" hinawakan agad ako ni Jennifer sa kamay at mabilis niya akong hinila upang pumasok sa hospital.
"Ano ba kasi ang nangyari kay Jazz?" alalang tanong ko kay Jennifer. Hindi niya pa rin kasi sinasabi sa akin kung ano talaga ang nangyayari.
Hindi niya ako sinagot bagkos dinoble niya pa ang bilis ng paghakbang dahilan na para na kami ngayong tumatakbo.
Hanggang isang saglit lang narating na namin ang room kung saan nakita ko si Jazz na nakahiga at may mga apparatus ng nakatusok sa kaniyang katawan.
Agad akong nanghina at kusa rin na bumagsak ang luha ko. Nanghihina ang mga tuhod ko habang papalapit ako ng papalapit sa kinahihigaan ni Jazz. Wala siyang malay. Gusto ko sana siyang yakapin pero pinigilan ako ni Jennifer.
"Suotin mo muna 'to, Shazalm." may inabot siyang plastic jacket, gloves at mask.
Inabot ko naman iyon sa kaniya at lumabas muna ako saglit para iyon suotin, kasi kailangan.
Pagkatapos ko, agad akong dumiretso sa room ni Jazz at hindi pa rin siya nagigising. Tanging tunog lang ng machine ang naririnig ko sa loob ng room. Mas lalo tuloy akong kinakabahan.
Tiningnan ko naman si Jennifer na nasa likod ko, umiiyak.
"Bakit?" basag na ang boses ko. Sunod-sunod na rin kung bumagsak ang luha ko kasi hindi ko talaga 'to inaasahan.
Wala kasi akong alam. Hindi ko alam kung anong sakit ni Jazz. Kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Wala talaga akong kaide-ideya.
"May cancer si Jazz, Shazalm! May cancer siya sa utak..." sagot niya na siya namang ikinagulat ko.
"Cancer?!" sa gulat ko, halos hindi ko na maigalaw ang buong katawan ko.
Wala naman kasi akong alam. Wala rin naman kasing sinasabi si Jazz sa akin. Papano siya nagkaroon ng cancer?
"Kialan pa?!" halos hangin na lang ang lumalabas sa bibig ko dahil wala na talaga akong boses.
Hindi na rin kaya pang magsalita ni Jennifer kasi pati siya nasasaktan na.
Nilapitan ko si Jazz at hinawakan ang kaniyang mga kamay. Kahit naka-gloves ako, ramdam ko na parang nanlalamig na ang kamay niya. Ramdam ko rin na parang nawawalan na siya ng lakas. At kapansin-pansin ang pagbabago ng katawan niya. Pumayat siya, lumalim ang kaniyang mga mata, namumutla na rin ang kaniyang mga labi, at parang ibang Jazz na ang nakikita ko ngayon.
Gusto kong sumigaw.
Gusto kong magwala kasi hindi ko kaya. Hindi ko kayang nakikita siyang sobrang nahihirapan.Wala naman kasi siyang sinasabi sa akin na may nararamdaman na pala siya.
Hindi ko rin maiwasan ang sisihin ang sarili ko. Kasi kung hindi dahil sa akin, siguro, hindi ito mangyayari sa kaniya. Hindi sana siya nagkaganito, at may dinadalang matinding sakit na cancer. Alam ko naman kasi na nang dahil sa akin, napabayaan niya ang kaniyang sarili. Nang dahil sa akin, pinahirapan ko siya. Pinaiyak. Sinaktan. Lahat na sigurong masasakit at mahihirap na pinagdaanan ni Jazz ako ang puno't dulo. Kasi kung simula pa lang nalaman ko na ang halaga niya sa buhay ko, kung simula pa lang minahal ko na siya, edi sana hindi ito lahat mangyayari, edi sana simula pa lang, napagamot na niya itong cancer niya. Edi sana hindi pa 'to lumala gaya ngayon na halos hindi ko na siya makilala.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
General Fiction[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...