23 - Sekreto

120 5 0
                                    

Jazz's POV

"Sinabi mo ba sa kaniya?" tanong ni Jennifer.

Umiling naman ako bilang sagot ko sa tanong niya.

Andito kami ngayon ni Jennifer sa park na dito lang din sa lugar namin. Hapon na rin kaya mas magandang tumambay lang muna kami rito kasi ang ganda rin ng ambiance rito. Gusto na nga ni Jennifer na umuwi na ako nang sa gayon ay makapagpahinga ako. Pero, pinilit ko siya na huwag munang umuwi kasi mas lalo lang ako malulungkot kasi ako lang mag-isa sa bahay na inuupahan ko. Wala rin naman kasi ako roon kasama kaya minabuti ko na lang na sa labas lang muna kami. Saglit lang naman kasi darating na rin ang gabi.

"Kailan mo ba sasabihin sa kaniya ang totoo?" tanong ulit ni Jennifer.

Tiningnan ko siya at ngumiti siya sa akin. "Hindi na siguro kailangan na malaman pa niya ang totoo." sambit ko at ngumiti na rin sa kaniya.

Ngumiwi siya na para bang hindi sumasang-ayon sa sinabi ko. "Hindi ka ba natatakot?" sabi niya.

Humugot ako ng malalim na hininga at tumayo sa bench na kinauupuan naming dalawa. "Natatakot ako para sa kaniya, pero hindi ako natatakot para sa sarili ko." mapait na sambit ko habang nakatingin sa mga ulap na nagsisimulang magdilim. Uulan pa yata.

"Ayaw mo ba talagang malaman niya ang totoo?"

"Iyon sana ang hinihiling ko sa'yo, Jennifer. Huwag mo sana itong sabihin sa kaniya, pakiusap." sambit ko at hindi naman agad siya nakasagot. "Maliban na lang kung tuluyan na akong mawala." dagdag ko at agad na naman nag-unahan ang luha ko sa pagbagsak.

Agad din namang tumayo si Jennifer at hinihimas niya ang likod ko. "Huwag kang magsalita ng ganiyan!" agad na sambit niya."Huwag kang mawalan ng pag-asa, Jazz. Makakayanan mo 'yan. Alam kong matapang kang tao, kaya laking paniniwala ko sa'yo na makakayanan mo ang lahat ng ito." dagdag niya. Kahit papano, naa-appreciate ko ang lahat ng kaniyang sinasabi. Sobrang concern niya talaga sa akin.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ng doktor? Mahirap maging kalaban ang cancer, Jennifer, alam mo rin 'yan." mapait na sambit ko na mas lalong ikanalungkot ng mukha ni Jennifer. Kasi tama naman talaga ako. Hindi basta-basta ang sakit na cancer, lalo na sa utak (brain tumor). "Hindi ko nga alam kong hanggang kailan na lang ako sa mundong 'to." dagdag ko.

"Paano mga magulang mo? Pamilya mo? Hindi mo rin ba ito ipapaalam sa kanila?"

"Hindi ako sigurado pero sa ngayon, hindi ko rin muna ito sasabihin sa kanila." sagot ko. Ayoko lang talaga na sila ay mag-alala.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nagkaroon ng tumor sa utak, eh wala naman akong alam na mayroon ito sa lahi namin. Pero gaya ng sinabi ng doktor na posible talaga na due to hereditary genes kaya ako nagkaroon ng tumor. O 'yong isa na sinabi niya na mayroon na talagang malfunction sa utak ko at isa sa mga dahilan kaya lumala at naging tumor dahil sa napabayaan at dahil din sa sobrang stress at sa sobrang depress ko. Though, hindi sila sigurado. Pero nakikisugarado lang talaga sila na due to hereditary genes kaya ako nagkaroon ng tumor.

"Ano ka ba, Jazz! Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa kasi alam kong hindi ka ganun! Kaya mo 'yan! Basta manalig ka lang sa kaniya."

Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng mapait kasi kahit anong gawin ko, alam kong andito na 'to sa akin. Though sabi ng doktor na puwede pang mawala ang tumor kasi Grade II pa lang naman daw ang degree ng tumor ko. At puwede pang madala sa chemo at sa matinding gamutan. Pero saan naman ako hahanap ng pera? Eh, ang pagkakaalam ko, halos araw-araw kailangan ko ng check-ups. Sigurado rin naman ako na araw-araw rin ako magti-take ng medicine na sobra ring mahal.

"Hirap na hirap na rin ako, Jennifer." sabi ko at tiningnan siya na ngayon ay umiiyak na rin. "At tsaka, wala rin naman akong pera para sa mga gastusin ko sa pagpapagamot. Kaya tatanggapin ko na lang talaga ito." 

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit.

"Alam mo ba, na maraming masasaktan kapag mawala ka?" sambit niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Ilang sandali lang bumitaw siya. Tiningnan ako at basang-basa na rin ang mukha niya dahil sa luha niya na kanina pa rin nagbabagsakan.

"Bakit mo ba ako ginaganito, Jennifer? I mean, bakit mo ba ako tinutulungan?" tanong ko. Sa totoo lang, matagal ko na itong gustong itanong sa kaniya. Hindi ko lang magawa kasi nahihiya ako. "Nakakahiya na kasi sa'yo. Napakalaking tulong na ang naiambag mo sa akin, at mahihirapan na ata akong suklian ito."

Hindi ko siya tiningnan kasi nahihiya talaga ako.

"Jazz naman!" sambit niya na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. "Ako ang may gusto na tulungan ka. At ako rin ang may gusto na ginaganito ka." basag na rin ang boses niya habang sinasambit niya ito sa akin. "Ginagawa ko 'to Jazz, dahil gusto kita. Mahal na ata kita." dagdag niya na siya namang ikinagulat ko. Tiningnan ko siya pero siya naman itong hindi makatingin sa akin. "Hindi ko lang masabi-sabi sa'yo dahil alam kong mahal mo pa rin siya."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Jennifer. Ako na siguro ang pinakamanhid na tao sa buong mundo dahil hindi ko 'yon naisip. Hindi ko nga rin alam ang isasagot ko. Blangko na naman ang utak ko.

"Okay lang naman sa akin kung hindi mo ako makuhang mahalin. Pero sana, hayaan mo 'kong tulungan ka. Kasi alam kong walang iba ang puwedeng tumulong sa'yo ngayon, lalo na mayroon ka ngayong kinakaharap na matinding problema." dire-diretso niyang sambit. Tiningnan niya ako at sinubukan niyang ngumiti kahit halata naman na pinipilit niya lang.

Ayoko man siyang saktan, pero wala talaga akong nararamdaman sa kaniya na higit pa sa kaibigan. Kaibigan lang talaga ang turing ko kay Jennifer. Ayoko siyang paasahin kasi alam ko mismo kung gaano kasakit ang umasa sa taong wala ka namang mapapala. Mahihirapan at masasaktan lang siya lalo. Ayoko na mangyari iyon lahat sa kaniya kaya mas mabuti na lang na ngayon pa lang, sabihin ko na kay Jennifer ang totoo kong nararamdaman para sa kaniya.

Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. Humakbang ako ng kaunti upang makalapit sa kaniya. Nang makalapit ako, dahan-dahan kong hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Jennifer." sambit ko. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko dahil sobra akong kinakabahan. "Salamat sa lahat mg tulong. Hindi nga siguro sapat ang salitang salamat para mapasalamatan kita, kasi sobra-sobra na talaga ang naitulong mo. Pero-"

"Oo! Naiintindihan ko na Jazz." biglang singit niya. "Alam kong hindi mo ko kayang mahalin kasi siya lang, si Shazalm lang talaga ang mahal mo." paliwanag niya habang sunod-sunod kung bumabagsak ang kaniyang luha.

Dahil ayoko na siyang makitang umiiyak, niyakap ko siya ng mahigpit. "Jennifer, sorry." tanging sambit ko at agad na bumagsak ang napakalakas na ulan.

[End of Chapter 23]

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon