31 - Payo

70 3 3
                                    

Shazalm's POV

"Ma, what if umalis na lang tayo rito?" suhestiyon ko kay mama na siya namang ikinagulat niya.

"Anong ibig mong iparating nak?!"

"Ibig ko pong sabihin, lumayo na lang kaya ako sa kanilang lahat?" humugot ako ng hininga. "Ako na lang ang lalayo para wala ng gulo."  dagdag ko.

Pansin ko na mas lalong nabigla si mama sa aking nasambit. "Hindi kita maintindihan, nak." lumapit siya lalo sa akin. "Alam mo naman siguro nak na lahat ng problema may solusyon, 'di ba?" hindi na ako sumagot bagkos hinayaan ko na lang si mama na ipagpatuloy ang kaniyang gustong sabihin. "May kailangan ba akong malaman? Mama mo 'ko at handa akong makinig, Shazalm."

Bumagsak na pala ang luha ko nang hindi ko namamalayan.  Nakakainis! Araw-araw na lang ako umiiyak. Pagod na pagod na ako.

"Ma..." sambit ko kahit basag na ang boses ko.

Niyakap ko na lang si mama kasi hindi ko na talaga kayang pigilan ang sakit na nararamdaman ko.

Mabuti nga may mama ako na handa maging sandalan ko sa oras na may problema ako, kasi kung wala, hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan at kanino ako tatakbo.

Ilang sandali, bumitaw ako sa pagkakayakap kay mama at nakita ko na umiiyak na rin pala siya. Kaya mas lalo lang akong nasaktan kasi nadadamay ko na ngayon si mama sa problema kong 'to. Problema na hindi alam ang gagawin. Hindi alam kung ano ang solusyon.

"Umiyak ka lang nak." sambit ni mama sa harap ko. "Naiintindihan kita kung bakit ka ganiyan. Naiintindihan kita kasi ganiyan din ako noon. Ganiyan din ako noong mga panahong nagmamahal ako." dagdag niya na tila binibigyan niya ako ng lakas para lumaban.

Dati kasi ikinuwento ni mama sa akin na bago si papa may una siyang minahal na lalake. Pero sa hindi inaasahan na pagkakataon, gaya ng nangyayari sa akin ngayon, nahulog din siya sa iba at iyon na nga si papa. Hindi naman ganoon si mama na mahilig magpalit ng partner. Hindi niya lang talaga napigilan na noong dumating si papa sa kaniyang buhay ay hindi niya mapigilan ang mahulog dito. Gaya rin sa akin, nahirapan si mama. Iyak ng iyak kasi hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Pareho niya kasing mahal ang dalawa. Natagalan bago siya makapag-decide. Pero, sa huli, si papa pa rin ang kaniyang napili.

Kaya sa kalagayan ko ngayon, naiintindihan ako ni mama, kasi minsan na nangyari ito sa kaniya.

"Kung pakiramdam mo, nalilito ka, huwag mong pilitin ang sarili mo. Hayaan mo lang ang puso mo na mag-decide kung sino ang mas nararapat. Hayaan mo lang siya kung sino ang mas magpapasaya sa kaniya. Kasi 'yan lang ang mas makakaramdam." dire-diretsong sambit ni mama at itinuro pa niya ang puso ko.

Bago pa man ako makasagot ay biglang tumunog ang cellphone na hawak hawak ko. Agad ko naman itong tiningnan at nakita ko na si Khalid.

Nag-message siya, sabi "Shazalm, magkita naman tayo... Please."

Alam kong nabasa rin ito ni mama kaya ko siya tiningnan at bahagya siyang tumango na nagpapahiwatig na pumapayag siya sa gusto ni Khalid.

***

Jazz's POV

"Nak, maawa ka naman sa sarili mo." sambit ni mama sa harap ko na awang-awa na sa kalagayan ko. "Alam kong mahal na mahal mo siya, pero nasasaktan din kami ng pamilya mo sa nakikita namin sa'yo na sobra nang nahihirapan." parehong pumatak ang luha namin ni mama at pansin ko na nalulungkot na rin si tatay na nasa likod lang ni mama nakaupo.

Gusto ko mang magsalita pero hindi ko magawa kasi tama naman si mama.

Naawa na nga rin ako sa kanila dahil alam kong nagiging pabigat na lang ako. Wala na akong kuwenta. Wala na akong silbi dahil sa sakit ko na ito. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako binigyan ng ganitong klaseng sakit? Bakit ako pa na wala namang pera para sa mga gamot.

Gusto ko na ngang magpakamatay. Gusto ko na ngang matapos na agad ito, kasi pamilya ko lang naman din ang nahihirapan. Baon na kasi kami sa utang dahil sa mga gamot ko.

"Ma, ayoko na." mahinang sambit ko sa harap nila mama at agad namang napatayo si papa dahil sa gulat sa sinabi ko.

"Iyan ang huwag mong gagawin nak!" agad na sagot ni papa na ngayon ay pansin ko naluluha na rin.

"Naaawa na kasi ako sa inyo eh ni mama." agad din na sagot ko. Halos hindi ko na nga maibuka ang bibig ko dahil sobrang sakit. Sobrang sakit sa pakiramdam na nakikita ko ngayon ang magulang ko na umiiyak dahil sa akin, at wala naman akong nagagawa.  "Tanggap ko na rin naman ma, pa eh." gusto ko sana silang tingnan pero hindi ko na magawa dahil alam ko naman na hanggang ngayon umiiyak pa rin sila. "Tanggap ko naman na hanggang dito na lang ako. At tanggap ko na, na hindi talaga kami para sa isa't-isa ni Shazalm kahit na mahal na mahal ko 'yon." napangiti pa ako ng mapait nang wala sa oras. "Kaya nakikiusap ako sa inyo na sana huwag niyo na lang ako alalahanin. Kahit nakakalungkot. Kahit masakit. Tanggapin na lang natin ma, pa." dagdag ko kahit medyo nahihirapan na ako sa pagsasalita.

Inangat ko ng dahan-dahan ang aking paningin upang makita ko ang mukha nila mama. Umiiyak pa rin sila pero pinilit ko pa rin ang sarili ko na ngumiti para kahit papano hindi na sila malungkot. Kahit papano sa huling sandali makita nila akong ngumiti. Hindi ko na kasi matandaan ang huling araw na nakita nila akong ngumiti eh.

Hindi na rin sila mama nakapagsalita at niyakap na lang nila ako ng mahigpit.

At sa hindi ko inaasahan na pagkakataon bigla na lang ako nakaramdam ng pagkahilo. Sumakit bigla ang ulo ko at dumilim ang paningin  ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Pero bago pa ako tuluyan nawalan ng malay narinig ko pa ang sabi nila mama at papa.

"ANAK!" sabay nilang sabi at ramdam ko ang pag-aalala nila.

Sorry talaga sa inyo ma, pa... Hindi ko na matutupad ang mga pangarap niyo sa akin. At mga pangarap ko sa inyo at sa mga kapatid ko. Sana mapatawad niyo ako.

[End of Chapter 31]



Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon