Jazz's POV
"Mabuti nakarating ka." agad na sambit ni Jennifer nang makita niya ako na paparating.
Ayoko sanang lumabas pero ayoko namang buong buhay ko magmukmok na lang sa kuwarto ko.
Andito kami ngayon sa coffee shop na malapit lang din sa campus namin. Umupo na ako sa upuan na nasa harap lang ni Jennifer na pansin kong nakangiti sa akin. Kahit mahirap, pinilit ko nalang ding ngumiti kahit pilit.
"Kanina ka pa ba rito?" tanong ko.
Hindi siya nakapagsalita kaya tumango na lang siya. Nakakahiya nga kasi kanina pa pala niya ako hinihintay.
"Pasen-"
"Okay lang, Jazz." biglang singit niya. "Ginusto ko 'to. Ginusto kong tulungan ka." dagdag niya. Ngumiti siya kaya lumabas ang dimple niya sa kanang pisngi niya, na ngayon ko lang napansin. Maganda siya si Jennifer lalo na kapag ngumingiti siya.
Hindi na nga ako magtataka kung marami ang magkakandarapang lalake sa kaniya kasi hindi lang siya maganda, may ginintuang puso rin siya.
"Bakit mo pala ginagawa sa akin 'to?" tanong ko na bakas sa tono ng pananalita ko ang pagtataka.
Wala pa rin kasi akong ideya kung bakit niya 'to ginagawa sa akin?
Bumuntong hininga siya at yumuko. "Gusto kita... tulungan, Jazz." tiningnan niya ako at ngumiti. Nakita ko na naman ang dimple niya.
Tumango na lang ako bilang sagot ko sa kaniya. Gusto ko pa sanang tanungin sa kaniya kung bakit, pero hindi ko na nakuhang magsalita.
"Kape ka muna." bigay sa akin ni Jennifer ng isang cup na kakabigay lang din ng waiter.
Agad ko naman 'tong inabot sa kaniya.
"Iniisip mo pa ba rin siya?" tanong ni Jennifer nang mapansin niya akong tulala.
Humigop ako ng kape bago ako sumagot sa kaniya. "Pasensiya na Jennifer. Tama ka, hindi pa rin talaga siya nawawala sa isipan ko."
Pakiramdam ko, iiyak na naman ako. Pero, pilit ko 'tong pinipigilan kasi ayokong magdrama rito. Lalo na maraming tao ang nandito. Nakakahiya.
"Mahal na mahal mo nga talaga siya." aniya. "Pero, hindi ka ba nahihirapan, Jazz? Alam mo naman na may mahal na siyang iba."
Hindi ako nakasagot kasi tama si Jennifer.
Hihigop pa sana ako ng kape nang biglang sumakit ang ulo ko kaya nalaglag ang baso na hawak ko. Nabasag ang baso at natapunan ako ng kape. Hindi ko na naramdaman ang init ng kape sa hita ko kasi sobrang sakit ng ulo ko.
Agad namang tumayo si Jennifer sa kaniyang kinauupuan at inalalayan ako.
Hindi ko na rin kayang ibuka ang mga mata ko kasi sobrang sakit talaga ng ulo ko. Pakiramdam ko, para akong pinupukpok ng martilyo.
"Anong nangyayari sa'yo?" alalang tanong ni Jennifer.
Gusto kong sumagot at magkunwari na okay lang ako, pero hindi ko talaga kaya. Sobrang sakit talaga ng ulo ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.
~~*
Shazalm's POV
Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ng puso ko. Nalilito na ako. Gulong-gulo na rin ang utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba kasi ako nagkaganito? Bakit pabigla-bigla na lang.
"Ma, nalilito talaga ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko." sambit ko sa harap ni mama.
Andito ako ngayon sa bahay, sa kuwarto ko, humihingi ng tulong kay mama. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko kayang gumawa ng desisyon ng ako lang. Mahirap.
"Mahal mo pa ba talaga si Jazz, nak?" tanong ni mama. Pero, hindi naman ako makasagot. "Kung oo, isipin mo rin si Khalid. Alam mong mahal ka nun at masasaktan 'yon."
Bumagsak na lang ang luha ko dahil hindi talaga ako makasagot. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ayokong saktan si Khalid pero ngayon, parang ayoko na ring saktan si Jazz. Nagbago talaga ang lahat ang nararamdaman ko para kay Jazz matapos kong maalala ang lahat ng tungkol sa nakaraan namin. Ang weird pero, 'yon talaga ang totoo. Kung dati, wala akong pakialam sa kaniya, ngayon halos hindi na ako makatulog dahil bawat minuto iniisip ko ang kalagayan niya. Nag-aalala ako sa kaniya.
"Ma, hindi ko alam." sambit ko.
Paulit-ulit na lang ako sa mga sinasabi ko kay mama.
"Ewan ko sa'yo nak." binatukan ako ni mama kaya natigil ang pagbagsak ng luha ko.
"Mama naman!" napakamot ako sa likod ng ulo ko kung saan ako binatukan ni mama.
"Bakit ka ba kasi nagkaganyan?! Ang drama mo na." sambit ni mama na parang naninibago sa mga kinikilos ko.
Ako rin naman parang naninibago na rin sa sarili ko. Parang nag-iba na ako. Kapansin-pansin na parang ibang Shazalm na 'tong nasa loob ng katawan ko. Nagsimula lang 'to simula nung naalala ko na ang lahat. Pansin ko talaga na ang laki ng pinagbago ng sarili ko. Kaya hindi ko masasabing mali si mama kasi tama siya.
"Kaya nga andito ako, para humingi ng tulong sa'yo, ma." sabi ko kay mama pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Hingi ka ng hingi ng tulong pero sa tuwing kinakausap kita, parati mo lang sinasabi, hindi ko alam. Tsk!"
Si mama talaga.
"Basta nak, ang tanging magagawa mo lang ay ang pumili ng isa. Huwag mong pahirapan ang isa kung alam mo naman na mas mahal mo 'yong isa." seryosong sambit ni mama. Kahit papano, na-gets ko ang gustong iparating ni mama. "Ikaw lang ang nakakaalam kung sino kina Khalid at Jazz ang mas mahal mo. Kaya huwag mo 'tong patagalin kasi mas marami ang mahihirapan at masasaktan." dagdag ni mama.
Bago pa man lumabas si mama sa kuwarto ko, niyakap ko siya ng mahigpit. Sa lahat talaga ng tao sa mundo, mga magulang talaga natin ang mas makakaintindi at mas makapagbibigay ng magandang advices sa atin.
"Kaya huwag ka ng umiyak! Ang pangit mo, nak. Hindi bagay sa'yo." biro ni mama na nagpatawa naman sa akin.
"Thank you, ma." sabi ko bago tuluyang lumabas si mama sa kuwarto ko.
Habang mag-isa na lang ako rito sa kuwarto, paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni mama.
"Basta nak, ang tanging magagawa mo lang ay ang pumili ng isa. Huwag mong pahirapan ang isa kung alam mo naman na mas mahal mo 'yong isa."
"Ikaw lang ang nakakaalam kung sino kina Khalid at Jazz ang mas mahal mo. Kaya huwag mo 'tong patagalin kasi mas marami ang mahihirapan at masasaktan."
Sino kina Khalid at Jazz? Sino sa kanila ang mas mahal ko? Mahal ko si Khalid pero mahal ko na rin si Jazz. Sino ba dapat ang piliin ko? Ang nakaraan o ang kasalukuyan? Naguguluhan ako. Hindi ko pa kayang magdesisyon. Masyadong maaga. Hindi pa rin kasi ako sigurado na tama ang magiging desisyon ko. Mahirap.
[End of Chapter 20]
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
General Fiction[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...