3 - Getting to Know Each Other

269 9 0
                                    

Chapter 3

Shazalm's POV

Infairness ang guwapo niya. Gusto ko 'yong panga niya, at tsaka 'yong labi niya na mapula pa kesa sa akin. Tsaka, 'yong mga muscle niya, naramdaman ko 'yon kanina, ang tigas! Siguro may six pack abs siya! O 'di kaya, eight pack abs. Ghosh! Gusto ko rin 'yong height niya. 'Di gaanong matangkad, iyong sakto lang. At siyempre, gusto ko rin 'yong pangalan niya, Del Fuego, J. Iyon kasi ang pagkabasa ko kanina sa uniform niya. Siguro surname niya 'yong Del Fuego, at first letter naman ng pangalan niya 'yong J.

'Di ko na kinuha pa ang buong pangalan niya baka ano pang isipin niya. Baka isipin niyang type ko siya! Never! Actually, hindi pa ako sure! May nafe-feel kasi akong break-up if maging kami man in the future. Kasi naman mukhang playboy. At ang mas malala, mukhang pakboy. Baka araw-arawin pa ako nito. Duh!

Siyempre, 'di rin naman niya nakuha ang pangalan ko. Ano siya sinisuwerte?! Ahm... Actually, 'di niya talaga tinanong sa akin.

( ̄へ ̄)

"Shazalm!" tawag sa akin ni mama nang makababa siya sa kotse.

4 sharp ng hapon, kakarating ko lang din at saktong kakarating lang din ni mama.

Lumapit ako sa kaniya. "Bakit ma?"

"Nak, ba't haggard ka?! Anong nangyari sa'yo?!" bungad ni mama nang makita niya 'tong itsura ko. Kung alam mo lang ma ang paghihirap na pinagdaanan ko.

Hindi ko na nakuhang sumagot nang magsalita ulit si mama. "At sino 'yong lalakeng naghatid sa'yo rito?" tanong niya na halatang may iniisip na, alam mo na! Kinikilig eh.

Bumuntong hininga ako. "Not so important, ma. Nakisakay lang ako." kaswal na sagot ko.

Hindi ko na hinintay pang magsalita si mama. Iniwan ko na siya sa labas at dumiretso na ako sa loob ng bahay habang bitbit ang bag na naglalaman ng mga pinamili.

"Gosh!" sigaw ko nang makarating ako sa kuwarto ko.

Nilapag ko na rin sa study table ko ang lahat ng mga pinamili ko, at diretso na akong napahiga sa kama ko.

Kailangan ko talaga ng mahabang oras upang magpahinga. Naubos kasi ang lahat ng lakas ko. Sobrang sakit na rin ng buong katawan ko, at hindi ko na kayang tumayo pa.

~~~*

45 minutes after 9 A.M. na ako nakagising. Matagal-tagal din akong nakatulog. Hindi na nga ako nakapag-dinner at hindi na rin ako nakapagbihis.

Dumiretso na agad ako sa c.r. upang maligo. Nagbihis. Kumain at balik ulit sa kuwarto upang magpahinga ulit. Pakiramdam ko kasi pagod pa ako. Hindi ko pa kayang maglakad. Kaya humiga ulit ako sa kama ko. Hindi naman ako natulog, nanuod lang muna ako ng music videos sa youtube.

Nare-relax kasi ako kapag nakikinig ako ng music. Music is one of my stress reliever kumbaga. Naglagay na rin ako ng earpiece at sinabayan ko na rin ang kantang pinakikinggan ko.

"'Cause I don't care when I'm with my baby, yeah!"🎶

"All the bad things disappear!"🎶

"And you're making me feel like maybe I am somebody!"🎶

≧∇≦

I don't care ni Ed Sheeran at Justin Beiber ang kantang pinakikinggan ko. Ang ganda kasi. Kahit hindi naman talaga ako nakaka-relate sa lyrics nito. Eh pa'no ba naman, wala pa rin akong jowa! Nakakabuwesit! May puting buhok na ako, hanggang ngayon nganga pa rin ako.

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon