5 - First Day of School

206 10 0
                                    

Chapter 5

Shazalm's POV

Maaga akong nagising dahil ngayon na ang unang araw ng klase. Tapos na akong maligo, kumain, nagpolbo, naglip tint, nagbihis, lahat nakahanda na. Kulang na lang ang mag-selfie. Kaya dali-dali kong binuksan ang phone ko at siyempre nag-selfie.

#OOTD
#FirstDayOfClass
#FeelingBlessed

Open agad ng instagram then, chadannnnn! Ang lakas ng net! Napost kaagad.

Sakay ng kotse namin, papunta na ako ngayon sa High State University, Unibersidad na papasukan ko. Si mama ang nagmamaneho habang ako naman ay nasa passenger seat na katabi ni mama.

"Nak, kung maaari, maghanap ka na ng lalakeng mamahalin mo. Sigurado naman ako na marami ka doong makikilalang matitino na lalake, kaya galingan mo lang talaga maghanap." sabi ni mama habang nagmamaneho.

Si mama talaga numero uno sa pansusulsol sa akin. Atat na atat na magka-jowa ako! Very supportive! The best! Siyempre, nasa isip at nasa plano ko na 'yan. Ako pa ba?

"No worries ma." sagot ko na nagpangiti sa aming dalawa.

'Yong ngiti talaga namin ni mama ay parang ngiting hindi masaya. Alam mo 'yon? 'Yong ngiting parang may masamang pinaplano.

30 minutes after 6 A.M. na ako nakarating ng University. Nagpaalam na rin ako kay mama at sinimulan na ang paglalakad patungo sa Registrar Office upang kunin ang schedule ko.

May walong subject ako sa unang semester at tatlo doon majors ko.

7:30 pa ang oras ng unang subject ko, kaya mayroon pa akong vacant time na halos isang oras.

Para sulitin ang natitirang oras, nag-ikot-ikot lang muna ako dito lang din sa loob ng campus. Maluwag din naman ang campus namin. May limang three storey building, may maluwag na oval, may cafeteria, libraries, halls, gym, basta! Maluwag!

Medyo maingay na rin dahil nagsisidatingan na rin 'yong ibang mga studyante suot ang type A uniform namin.

Para sa girls na gaya ko, mini skirt na kulay black at white longsleeves with ribbon, tucked in. Sa boys naman, pants na kulay black at white polo with neck tie. May ID rin kami pero naka-pin na lang ito sa left side ng uniform namin.

Sa pagkakaalam ko, may 15 na mga department ang University namin, at isa na doon ang Department of Education na course ko. Kaya parang mga langgam na nagkukumpulan kung tingnan ang mga studyante rito, lalo na kung may mga events, parties at programs. And dami!

Naubos ko na rin ang 45 minutes sa kakalakad kaya dumiretso na ako sa first subject ko. Saktong papunta pa lang ako ay agad may inanunsyo ang admin.

"Students, proceed to the gym, right now!" rinig ko sa malaking speaker na nakalagay sa bawat building rito. Paulit-ulit niya 'yon sinabi, kaya walang anu-ano, ay agad akong dumiretso sa gymnasium. At ganoon din naman ang ibang studyante ay papunta na rin doon.

Pagkarating ko ng gym, umupo agad ako sa bandang gilid ng bleachers. Maingay ang paligid dahil maraming studyante na rin ang nandito, samahan mo pa ang malakas na tugtog ng sound system. May mga instructors na rin na nakaupo sa stage.

Wala naman akong ideya kung ano ang ganap dito. Well, isa lang ang sigurado ako, walang lecture!

Yes! Walang lecture, kasi naman andito na siguro lahat ng instructors, students, at pati na rin ang iilang heads ng University, at mga iilang bisita.

"Excuse me."

"Miss, excuse me."

Tila parang may nagsasalita sa likod ko.

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon