Shazalm's POV
"Bakit?! Anong nangyari kay Jazz?!" sa kaba ng nararamdaman ko hindi ko na halos maigalaw ang buong katawan ko. Naninigas na rin ang mga paa ko. Nanlalamig ang mga kamay ko. At sa nakikita ko sa reaksyon ng mga mukha nila Manny at Jennifer, parang may nangyari na hindi maganda.
"Kailangan mo siyang puntahan ngayon, Shazalm. Kailangan ka niya ngayon." sabi ni Jennifer na bakas sa tono ng pananalita niya ang lungkot at takot na nararamdaman niya.
Sandali akong natulala na para bang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Sana mali itong iniisip ko. Sana mali ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyari mang masama kay Jazz. Hindi ko kakayanin.
Hindi na ako nagtumpik-tumpik pa at agad akong tumakbo papunta sa kotse upang puntahan si Jazz.
Sumunod din si Khalid na sakay sa sarili niyang kotse, at sina Manny at Jennifer na sumabay na sa akin.
Habang pinapaandar ko ang sasakyan pansin ko rin na nanginginig na ang mga kamay ko. Hindi ko na nga halos maipasok ang susi kasi nababalisa ako.
"Ano ba kasi ang nangyari kay Jazz?!" tanong ko kina Manny na nasa likod ng kotse nakaupo.
"Nabalitaan namin na in-admit daw siya sa hospital kasi nawalan daw siya ng malay at hanggang ngayon hindi pa rin nagigising." sagot ni Manny.
"Diyos ko!" tanging salita na nasambit ko.
Gusto kong umiyak pero dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon, hindi ko magawa. Pansin ko rin sina Jennifer at Manny na sobrang nag-aalala kanina pa.
Nang marating namin ang hospital kung saan na-admit si Jazz. Walang anu-ano ay agad kaming apat kasama si Khalid pumasok sa loob ng hospital at nagtanong sa isang nurse na babae kung anong room naka-confine si Jazz.
"Room 2, 2nd Floor ma'am!"
Walang anu-ano diretso na kami sa taas at doon nga nakita ko 'yong mama at ang mga kapatid ni Jazz sa labas, humahagulhol sa pag-iyak.
Nakita nila kami na papalapit at halata talaga sa mga mata nila ang lungkot at sakit. Nagdadalamhati silang lahat.
Habang kami ay humahakbang papalapit sa kinatatayuan nila, mas lalong bumibigat ang kaba at hirap na nararamdaman ko. Parang hindi ko kaya.
Ilang sandali lang, bumagsak na rin ang luha ko na kanina pa talaga nagbabadya. Kahit nasa likod ko sina Manny, Jennifer at Khalid, alam kong pati sila hindi na rin mapigilan ang maluha.
Sana panaginip lang ang lahat ng 'to. Sana hindi ito totoo. Pero, hindi eh. Nasa isang sitwasyon ako ngayon kung saan lahat apektado.
"Shazalm?" tanong sa akin ng isang babae na isa sa mga kapatid ni Jazz. Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong nilapitan at sinampal. Sa lakas ng pagkakasampal niya, napahawak ako sa pisngi ko. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Ikaw ang may kasalanan kung bakit si kuya nagkaganito! Wala kang kuwenta! Wala kang puso!" dire-diretso niyang sambit at halatang galit na galit siya sa akin.
Naramdaman ko ang kamay ni Khalid na dumapo sa likod ko na tila pinapakalma ako.
Wala akong magawa kundi ang umiyak lang ng umiyak kasi tama naman siya e. Kasalanan ko kung bakit si Jazz nagkaganito. Kasalanan ko kung bakit ang lahat ng ito nangyayari.
Sasampalin pa sana ko sa kabila kong pisngi pero agad siyang pinigilan ng kaniyang mama. "Nak, tama na..." pag-awat ng mama sa kapatid ni Jazz.
"Hindi ma eh!" sagot naman ng babae. "Kasalanan ng Shazalm na 'to kung bakit ang lahat ng ito nangyayari kay kuya!" dinuduro pa niya ako habang sinasambit niya ito. "Kasalanan ng Shazalm na ito kung bakit tayo ngayon nagkaganito!" dagdag pa niya. "Ah kaya pala..." nakatingin na siya kay Khalid at bahagya pa itong lumapit sa kinatatayuan namin. "Kaya pala ayaw mo sa kuya ko na sobrang mahal na mahal ka, kasi may iba pala dito na mayaman at handang ibigay ang lahat ng gusto mo kesa sa kuya na mahirap lang at walang maibigay kundi 'yong buhay lang niya!" bungad nito na pinaparinggan kami ni Khalid.
Ang sakit. Sobrang sakit na halos tumagos sa puso ko na marinig mismo sa bibig ng pamilya ni Jazz na ako ang dahilan sa nangyari sa kaniya.
"Ate, tama na po." singit ng nakakabata nilang kapatid na lalake.
"Pasensiya na bunso kung ganito si ate. Nasaktan kasi si ate ng sobra e." sagot naman ng babae.
Hindi ako galit sa babae kasi may karapatan naman siya na gawin iyon sa akin. May karapatan siya na saktan ako kasi sinaktan ko rin sila na mas higit pa. Nakakatuwa lang isipin na kahit malaki man ang naging kasalanan ko sa pamilya ni Jazz, ramdam ko pa rin na may awa pa rin sila sa akin. Hindi ako sigurado pero iyon ang napapansin ko sa inaasta ng ibang kapatid ni Jazz at ng mama niya.
"Ijah..." tawag sa akin ng mama ni Jazz.
"Po." tanging sagot ko kasi basag na talaga ang boses ko sa kakaiyak ko, kanina pa.
"Kanina ka pa hinahanap ng anak ko. Puwede mo ba siyang puntahan." Suhestyon ng mama ni Jazz na bakas sa boses niya ang sakit at hirap na pinagdadaanan niya.
Hindi agad ako nakasagot kasi baka pigilan ako ng babae na nanampal sa akin kanina. Pero, kahit papano, nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko nang mapansin ko na okay lang sa kaniya.
Pagkatapos kung magsuot ng PPE, dahan-dahan akong naglakad papasok ng room kung saan naka-confine si Jazz. Iniwan ko lang muna sina Khalid sa labas kasama ang pamilya ni Jazz.
Habang pinipihit ko ang doorknob, mas lalong lumalakas ang tensyon na nararamdaman ko. Mas lalo akong kinakabahan.
Pagkabukas ko ng pinto, at saktong pagpasok ko, nasilayan ko kung paano si Jazz nahihirapan habang sinusuportahan siya ng makina.
Nakakaawa. Parang hindi na si Jazz ang nakikita ko dahil sobrang laki ng binagsak ng katawan niya.
"Jazz... Sorry..." tanging sambit ko nang makalapit ako sa kaniya. Basag na rin ang boses ko at halos nahihirapan na rin akong huminga.
Hindi ko kayang nakikita si Jazz na walang malay. Ang sakit.
Nagulat na lang ako at agad nag-panic nang biglang tumunog ang makina na sumusuporta kay Jazz.
[End of Chapter 33]
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
Fiksi Umum[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...