24 - Totoo

115 3 0
                                    

Shazalm's POV

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na makikipagkita ka pala kay Jazz?!" sabi ni Khalid at hindi pa rin mapakali. Nahihilo na nga ako sa kaniya.

Andito kami ngayon sa bahay nila, sa kuwarto niya. Umulan kasi kaya dito na kami dumiretso. Gusto ko na nga umuwi kasi gabi na rin, pero sobrang lakas talaga ng ulan kaya minabuti na lang ni Khalid na mag-stay lang muna ako sa bahay nila kasi baka raw mapano pa kami sa daan. Wala na naman akong choice, hindi ba? Kesa naman lusungin namin itong ulan na akala mo'y may bagyo sa sobrang lakas.

"Ano na Shazalm?!" hindi pa rin talaga ako makapagsalita. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kaniya. Nalilito na ako. "Bakit hindi ka makapagsalita?" dagdag niya.

Tumayo na rin ako sa kinauupuan ko at hinarap siya. Siguro, wala na akong magagawa kundi ang aminin sa kaniya kung ano talaga ang totoo. Kahit alam kong masasaktan ko si Khalid, wala rin naman akong magagawa.

Nakatingin na siya sa akin at tila naghihintay na sa sasabihin ko.

"Khalid." sambit ko. Pasimple akong humugot ng hininga kasi parang nauubusan na ako ng hangin dahil sa kaba. Parang ang hirap. Ang hirap sabihin sa kaniya ang totoo, parang hindi ko kaya.

Nilakasan ko pa rin ang loob ko kasi heto na ako, hindi ko na pa dapat 'tong palampasin kasi sa huli ako lang din ang mahihirapan. Ayoko ring lokohin ang sarili ko, lalong-lalo na si Khalid.

"Mahal kita, Khalid, alam mo 'yan." hindi ako makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata kasi mas lalo lang ako nahihirapan.

"Shazalm..." nanlulumong sambit ni Khalid.

"Masaya ako na minahal mo rin ako." pagpatuloy ko kahit alam kong nasasaktan ko na siya. Pero, wala naman akong magagawa kasi ayoko rin naman magsinungaling sa nararamdaman ko. "Masaya ako na tinanggap mo ako, at naging tayo." dagdag ko. Bumagsak na rin ang luha ko at ganun din kay Khalid. "Pero, mali ata kung suwayin ko ang gusto ng puso ko, Khalid. Mali ata kung pigilan ko 'tong nararamdaman ko."

Humakbang siya papalapit sa akin at tinitigan ako sa mga mata ko. Parang sinasabi ng kaniyang mga mata na huwag ko siyang sasaktan kung ano man ang gustong kong sabihin sa kaniya. "Bakit hindi mo na lang ako diretsu-"

"Mahal ko si Jazz, Khalid!" biglang singit ko na siya namang ikinabigla niya. "Mahal ko siya higit sa'yo, Khalid." basag na rin ang boses ko nang sambitin ko 'to.

Napahawak siya sa kaniyang noo. "Hi-hindi... Hindi mo 'to kailangan gawin sa akin, Shazalm..." sambit ni Khalid na hindi na rin halos makapagsalita.

Alam ko naman na magiging ganito siya kapag inamin ko sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Magiging ganito siya kasi nasaktan ko siya. Alam ko naman 'yon simula pa lang.

Naiinis na nga rin ako sa sarili ko kasi nagkakaganito na ako. At tsaka, ngayon pa talaga kung kailan masaya na kami ni Khalid. Kung kailan minahal ko na rin si Khalid. Hindi ko nga lubos akalain na magiging ganito na lang ang mararamdaman ko para kay Jazz. Ibang-iba sa una. Parang pakiramdam ko, ayoko siyang mawala sa tabi ko. Ayoko siyang malayo sa piling ko, kasi masasaktan ako.

"Sorry, Khalid... Pero, iyon talaga ang totoo. Mahal kita, pero mas mahal ko na ngayon si Jazz." sambit ko sa harap ni Khalid. Mas dumoble na rin ang bilis ng pag-agos ng luha ko.

Bigla naman akong niyakap ni Khalid. "Huwag mo akong iwan, Shazalm! Please." sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin. Nararamdaman ko na nga rin ang luha niya na pumapatak sa balikat ko.

Kumawala ako sa pagkakayakap ni Khalid sa akin at tiningnan siya sa kaniyang mga mata kahit nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa luha na namumuo sa mga mata ko. "Kahit kailan, hindi ko intensiyon na saktan ka Khalid at lalong-lalo na lokohin ka, kasi ang totoo, minahal kita ng buong puso ko." humugot ako ng hininga kasi nauubusan na rin ako ng hangin. "Hindi ko lang inaasahan na darating ako sa punto na ito. Sa punto na maalala ko ang lahat ng nakaraan ko. Ang nakaraan namin ni Jazz. At dahil sa nakaraan na iyon, hindi ko rin inaasahan na mamahalin ko si Jazz"

Pagkatapos ko iyon lahat sambitin, wala na akong ibang magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Pansin ko rin si Khalid na hindi pa rin umiimik. Tulala pa rin na nakatingin sa akin.

"Shazalm..." mapait at nanlulumong sambit niya. Basag na rin ang boses niya. Humakbang siya papalapit sa akin pero napapurong naman ako. "Mahal kita at ayokong mawala ka." sabi niya. Napakagat na rin siya sa kaniyang labi at pilit pinipigilan ang kaniyang sarili na umiyak. "Alam mo ba Shazalm na ikaw lang iyong babaeng minahal ko ng sobra sobra?" pagpatuloy niya. "Alam mo ba, na ikaw lang din ang nagpabalik ng sigla sa akin sa mga oras na ako ay depress na depress?" dagdag niya.

Anong depress? Hindi ko talaga maintindihan si Khalid sa kaniyang mga sinasabi. Wala naman kasi siyang ikinikuwento sa akin na nadepress siya.

"Alam kong hindi mo ko maintindihan kasi hindi mo pa 'to alam Shazalm." sabi niya. Nahalata niya siguro akong naguguluhan. "Siguro, oras na rin upang malaman mo ang kuwento ko."

Kinakabahan talaga ako sa mga sinasabi ni Khalid. Hindi na ako nakapagsalita dahil sinimulan na niyang magsalita.

"Dalawang buwan na ang nakaraan, alam mo ba Shazalm na may isang pangyayari sa buhay ko na nagdulot sa akin ng matinding depression?" panimula niya na halatang may lungkot sa tono ng pananalita niya. Umupo siya sa kaniyang kama at humugot ng malalim na hininga. "Alam mo ba Shazalm na may minahal ako nun na gaya mo. Gaya mo, kakaiba rin siya. Hindi siya iyong tipong babae na makikita mo lang sa daan. Ibang-iba siya kaya nahulog talaga ako sa kaniya." hindi ko makuhang magsalita kasi gusto kong malaman ang kuwento ni Khalid. "Minahal ko siya ng sobra-sobra. At laking pasalamat ko dahil minahal din niya ako." ngumiti siya ng mapait nang sambitin niya ito, pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin. "Pero, isang idlap lang, nawala siya sa piling ko. Na-na-matay si-siya, Shazalm..." nahihirapan na siyang magsalita at bumagsak na rin ang luha niya.

Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko. Para akong napepe sa ikinwento niya. Dahil hindi ko talaga kayang magsalita, agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"Hiling ko lang sana sa iyo na sana huwag mo akong iwan, Shazalm. Kasi takot na takot ako. Hindi ko nga alam kung ano ang mangyayari sa akin kung pati ikaw iiwanan ako." mapait na sambit niya habang kayakap ko siya.

Gusto ko talagang magsalita kaso namimilipit ang dila ko. Wala akong magawa kundi ang umiyak lang ng umiyak kasi nasasaktan ako sa ikinuwento ni Khalid sa akin. Hindi ko naman alam na ganoon pala kasakit ang nakaraan niya. Hindi ko rin inakala na dumaan pala siya sa depression kasi hindi naman halata sa itsura niya. Kasi palagi ko naman siyang nakikitang masaya. Pero, nung nagkukwento siya kanina, naramdaman ko talaga ang sakit at hirap na pinagdaanan niya.

Hanga nga ako sa kaniya kasi kahit ganoon man ang nangyari sa kaniya, hindi pa rin siya nawalan ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang kaniyang buhay. Hindi pa rin siya natakot na magmahal ulit kahit na puwede ulit siyang masaktan.

Naguguluhan na tuloy ako ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naaawa ako kay Khalid. Mahal ko siya pero mas mahal ko talaga si Jazz.

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Khalid at lalabas na sana ako ng pinto nang bigla siyang magsalita kaya agad din akong napahinto.

"Shazalm, pakiusap! Huwag mo akong iwan..." basag ang boses niya nang sambitin niya ito.

[End of Chapter 24]

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon