Chapter 19
Jazz's POV
Ang hirap panindigan na hindi mo na mamahalin ang isang taong minahal mo ng buong buhay mo.
Hindi ko kayang magsinungaling sa nararamdaman ko. Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko at magkunwari na nakalimutan ko na si Shazalm. Hindi ko magawa, kasi bawat segundo, siya lang talaga ang laman ng utak ko. Siya lang ang palagi kong iniisip saan ko man gustong pumunta.
Si Shazalm na rin ang buhay ko. Siya na ang naging lakas ko sa lahat ng hamon na dumadaan. Maliban sa pamilya ko, siya ang dahilan ng aking pakikipagsapalaran. Siya ang dahilan kung bakit kinakaya ko pa rin tumayo kahit masakit na. Mahal na mahal ko si Shazalm. Siya lang ang babaeng minahal ko at mamahalin ko.
Hindi ko na nga alam ang gagawin ko. Nahihirapan na rin ako. Hirap na hirap na ako sa sitwasyon kong ito. Gustuhin ko mang mag-move on, pero bawat hakbang na ginagawa ko, mas lalo ko lang naaalala si Shazalm. Mas lalo ko lang iniisip na kailangan kong ipagbalaban ang pagmamahal ko para sa kaniya. Kasi hindi ko kayang mawala siya.
Hindi ako puwedeng huminto kasi sinimulan ko na 'to.
Hindi pa rin kasi ako nawawalan ng pag-asa. Paulit-ulit man akong masaktan, wala akong pakialam. Kinakaya ko naman. Ngayon pa ba ako susuko matapos ang mahabang panahon na pagtitiis ko? Ngayon pa ba ako susuko kung kailan naaalala na ni Shazalm ang lahat? Ngayon pa ba ako susuko matapos ang lahat ng masasakit na pinagdaanan ko?
Masakit man isipin na may nagmamahal na sa kaniya, hindi pa rin talaga nawawala sa puso't-isip ko na kahit papano, hindi pa rin naglalaho sa puso ni Shazalm ang nararamdaman niya para sa akin. Hindi man niya 'yon sinasabi sa akin, alam kong alam niya na may nararamdaman pa siya sa akin. Hindi man ako sigurado, pero malaki ang kutob ko na tama ako.
"Labas tayo." basa ko nang may nag-pop-up na message galing kay Jennifer.
Hindi na ako sumagot sa message niya kasi wala akong gana. Lalo na't nalaman ko na magkasama ngayon sina Shazalm at Khalid, at ipakikilala na niya si Shazalm sa kaniyang parents.
Gustuhin ko man silang pigilan, hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi wala naman akong karapatan. Sino ba ako upang pigilan sila? Isa lang naman akong hamak na desperado. Oo, inaamin ko na desperado ako sa pagmamahal ni Shazalm. Desperado ako na mahalin ako ni Shazalm. Pero, kahit sobra na akong desperado, wala pa rin nangyayari. Pero, kahit wala mang nagyayari, hindi pa rin talaga ako susuko.
"Sige na Jazz... Labas na tayo. Alam ko naman na sobrang lungkot mo ngayon, gusto ko lang na sumaya ka kahit papano." basa ko ulit sa message ni Jennifer.
Hindi ko alam kung bakit sobrang bait ni Jennifer sa akin. Hindi ko alam kung bakit sobrang concern siya sa akin. Eh, wala naman akong pakialam sa kaniya. Hindi ko naman siya naging kaibigan. Hindi ko naman siya kaano-ano. Nakakahiya na nga sa kaniya kasi palagi na lang niya ako dinadamayan kahit ni minsan hindi ko 'yon nagawa sa kaniya.
"Sa coffee shop, hintay ako." basa ko ulit nang may nag-pop-up na panibagong message galing pa rin sa kaniya.
Gustuhin ko man na tanggihan si Jennifer, hindi ko magawa, lalo na nung maalala ko bigla 'yong sinabi niya sa akin.
"Kung mahal mo talaga siya, mahalin mo muna 'yang sarili mo."
Para akong sinasampal sa sinabi niyang 'yan sa akin. Hindi ko naman puwedeng sabihin na mali siya diyan kasi tama siya. Tama siya na kailangan ko munang alagaan 'tong sarili ko na napapabayaan ko na.
Hindi ko nga lubos maisip ang mangyayari sa akin kung hindi ko nakilala si Jennifer. Siya lang kasi ang nagsabi sa akin niyan. Siya lang ang nakakapansin sa kalagayan ko ngayon. Hindi rin naman alam ng pamilya ko kung ano na ang nagyayari sa akin rito, kasi malayo sila. At ang alam nila, okay ako. Ang alam nila, nag-aaral ako ng mabuti. Ang alam nila, masaya ako, pero ang totoo hindi. Ayoko kasing mag-alala lang sila. Ayokong malaman nila na nahihirapan na ako kasi alam kong masasaktan lang sila. Kaya minabuti ko na lang na itago sa kanila ang totoong kalagayan ko.
Pumayag na lang din ako sa gusto ni Jennifer. Kahit masakit bumangon, pipilitin ko para sa sarili ko.
~~*
Shazalm's POV
Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang sobrang bilis. Sobrang bilis ng mga nangyayari. Hindi ko nga aakalain na magiging opisyal na kami ni Khalid sa loob lamang ng kaunting panahon.
Katatapos lang niya ako ipanakilala sa kaniyang mama na tuwang-tuwa naman para sa aming dalawa. Gaya ni mama, sobrang excited na rin siya sa kasal.
Gusto ko ngang matuwa kasi kahit papano walang problema sa relasyon namin ni Khalid. Kasi pareho namang suportado ang mga magulang namin. Pero, bakit nag-aalala ako para kay Jazz? Gustuhin ko mang sumaya, hindi ko magawa kasi bumabagabag si Jazz sa akin. Hindi ko alam, pero parang natatakot ako. Natatakot ako para sa kalagayan niya. Alam ko kasi na sobra na ang pasakit na ginagawa ko para sa kaniya.
Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na dati sobrang dami pala naming alaala ni Jazz. Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin.
"Shazalm." tawag sa akin ni Khalid na kakarating lang. Umupo siya sa tabi ko at may ibinigay na isang bote ng milkshake.
Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap niya ako sa kaniya. Tiningnan niya ako at napaiwas naman ako sa kaniya.
"May problema ba, Shazalm?" tanong niya matapos mahalata niya na umiiyak ako. Sa totoo lang, kanina ko pa gustong umiyak, pinigilan ko lang kanina kasi nakakahiya para sa mama niya. "Hindi ka ba masaya para sa atin?" dagdag niya. Tiningnan ko siya at agad niyang pinunasan ang luha ko na patuloy pa ring bumabagsak.
"Si Jazz..." mahinang sambit ko kasi basag na basag na talaga ang boses ko.
Halatang naguluhan si Khalid sa sinabi ko.
"A-anong me-meron kay Jazz?" nauutal niyang sambit.
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Khalid 'tong nararamdaman ko ngayon. Alam ko naman na masasaktan lang siya. Pero, ayoko namang magsinungaling sa kaniya. Ayoko rin namang magsinungaling sa nararamdaman ko kasi ako lang din ang nahihirapan.
"Nag-aalala ako kay Jazz."
Pumikit ako matapos ko 'yon sabihin kasi natatakot ako. Natatakot ako sa magiging reaksiyon ni Khalid.
Ramdam ko na tumayo siya at bumuntong hininga.
"Si Jazz na naman." mahina niyang sambit pero ramdam ko ang gigil niya.
Alam kong masasaktan ko si Khalid sa mga ikinikilos ko ngayon. Gusto ko ngang pigilan. Gusto ko ngang itago para hindi siya mag-aalala, pero wala akong magawa kasi hindi ko kaya. Pinangungunahan kasi agad ako ng aking nararamdaman.
Nilapag ko ang milkshake sa tabi ko at tumayo na rin ako at hinarap siya. "Naaalala ko na ang lahat, Khalid." sabi ko pero ramdam ko naguguluhan siya. "Naaalala ko na ang nakaraan ko, Khalid." humugot ako ng hininga at tiningnan siya sa kaniyang mga mata. "Khalid, may nakaraan kami ni Jazz." dagdag ko na siyang ikinagulat niya.
Agad niya akong hinawakan sa magkabilang kamay. "Hindi mo na 'yan kailangan alalahanin, Shazalm. Nakaraan na 'yon." aniya. "Ang mahalaga, ang ngayon. Ang tayo." dagdag niya.
Pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. "Hindi lang 'yon basta nakaraan, Khalid." tumalikod ako sa kaniya. "Sorry Khalid, kasi sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, ngayon parang bumabalik na ang nararamdaman ko para kay Jazz. Ewan ko! Nalilito ako, Khalid."
Patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ko at pansin ko na parang natulala si Khalid sa sinabi ko. Pati naman ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pero, totoo talaga na parang may nararamdaman akong kakaiba para kay Jazz simula nung naalala ko na ang lahat ng nakaraan namin. Pakiramdam ko kasi, parang kailan lang 'yon lahat nangyari. Pakiramdam ko, kahapon kami pa ni Jazz. Pakiramdam ko, fresh pa sa puso ko ang lahat ng 'yon. Hindi ko maintindihan, pero 'yon ang totoo.
[End of Chapter 19]
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
General Fiction[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...