Chapter 9
Shazalm's POV
Hindi ko inaasahan ang pagdalaw ngayon ni Khalid. Hindi naman niya ako sinabihan na bibisitahin niya ako. Hindi nga siya tumawag o kahit mag-text man lang. As in, sinorpresa niya lang talaga ako. Hindi naman siya nabigo, na-surprise nga naman talaga ako.
"Bakit ka naparito?" tanong ko kay Khalid.
Pareho kami ngayon nakaupo sa sofa. Umayos siya ng pag-upo bago niya ako sinagot. "Gusto ko lang sanang magpaalam sa mama mo." sagot niya.
Hmmm. Ano naman kaya 'tong ipagpapaalam niya kay mama? "Bakit?" tanong ko.
Bago pa man siya sumagot, sumingit si mama.
"Oh, heto, mag-meryenda muna kayo." si mama. Bitbit ang isang tray na naglalaman ng dalawang basong juice at dalawang sandwich. "At tsaka, anong ipagpapaalam sa akin ng bisita natin, Shazalm?" tanong ni mama. Tila narinig niya siguro si Khalid. Si mama talaga.
Nilapag ni mama sa glass table na nasa harap lang namin ni Khalid ang sandwich at juice. Pagkatapos, humarap siya kay Khalid upang makinig sa sasabihin nito.
Pansin kong napahugot ng hininga si Khalid, parang kinakabahan pa yata siya kay mama. Eh, aminado naman ako na sa unang tingin mo kay mama, aakalain mo talaga na istrikto siyang ina, lalo na kung hindi mo pa talaga siya kilala, pero 'yong totoo, hindi. Mabait si mama lalo na kung mabait ka rin sa kaniya.
"Si Shazalm po, 'yong anak niyo." hindi maituloy-tuloy ni Khalid ang gusto niyang sabihin kay mama. Masyado kasi siyang kinakabahan. Kaya heto ako, nagpipigil na matawa kasi nakakatawa talaga si Khalid tingnan. Mukha kasi siyang may kasalanan na nagawa kay mama.
≧∇≦
Hindi na nagsalita pa si mama, bagkos hinintay na lang niyang ipagpatuloy ni Khalid ang gusto niyang sabahin sa kaniya. "Ahm...Gusto ko lang pong ipagpaalam si Shazalm sa inyo kasi mamayang gabi, may party sa amin. Birthday ko kasi, at tsaka gusto kong um-attend si Shazalm." sabi ni Khalid sa harap ni mama.
Matapos iyon sabihin ni Khalid, halatang natakot siya sa naging reaksiyon ni mama. Pati nga rin ako natakot din sa naging reaksiyon ni mama.
Hindi niya siguro ako papayagan. Pansin kong nalungkot si Khalid dahil alam na niya sigurong hindi siya papayagan sa gusto niyang mangyari.
"Okay lang naman po, kung ayaw niyo-"
"May sinabi ba akong ayaw ko?!" biglang singit ni mama na pareho naming ikinatuwa ni Khalid.
Akala ko talaga ayaw ni mama. Eh, umaarte lang pala siyang galit. Ghosh!
Napatayo talaga si Khalid sa tuwa. "Talaga po..."
"Tita. Tita na lang ang itawag mo sa akin..."
"Khalid po, Tita."
"Sige, Khalid." tiningnan ako ni mama, pagkatapos tumingin ulit kay Khalid. "Kaibigan mo lang ba talaga si Shazalm?" ano na naman kaya 'tong iniisip ni mama?
Tiningnan ako ni Khalid, at tumingin ulit siya kay mama. "Opo, tita." magalang niyang sagot kay mama.
"Basta, huwag mong hahayaang mapahamak 'tong unika hija ko, hah?" sabi ni mama kay Khalid na halatang nagbabanta.
Napakaprotective naman talaga ni mama sa akin. Mawala na ang lahat basta huwag lang ako. Ganoon ako kaimportante sa buhay ni mama. Siyempre, ganoon rin naman ako kay mama. Kami na lang kasing dalawa ang nagdadamayan at nagtutulungan sa lahat, kaya ganito na lang kung mag-alala si mama sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
General Fiction[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...