28 - The Truth

123 3 0
                                    

Chapter 28

Shazalm's POV

"Sino ba kasi ang mas mahal mo, Shazalm?" tanong ni Jennifer. "Si Khalid o si Jazz?" dagdag niya.

Isang tanong na nagpahinto sa pag-inom ko. Andito na kasi kami ngayon sa bahay ni Manny na malapit lang din sa perya. Dito na namin ni Jennifer naisipan magpalipas ng gabi, kasi wala rin naman akong kasama sa amin. At tsaka si Jennifer, gusto rin na may makakausap kasi wala rin 'yong parents niya sa kanila.

Napangiti ako ng mapait bago ko tiningnan si Jennifer. Nasa harap ko siya at ganun din si Manny. Nag-iinuman kasi kami para naman kahit papano, makalimutan namin ang gabundok na problema na hinding-hindi ko na kayang pasanan pa.

"Seryoso mo naman!" singit ni Manny at tinutukoy niya si Jennifer.

"Sorry." sambit ni Jennifer at sabay tungkas ng isang basong alak. "Alam mo naman siguro, Shazalm na may gusto ako kay Jazz?" mapait na dagdag niya na siya namang ikinagulat ko. Hindi ko naman kasi aakalin na sasabihin niya iyon sa akin. "Hindi ko naman gustong agawin siya sayo kasi alam ko naman na mahal ka ni Jazz." humugot siya ng hininga. "Ang sa akin lang, ayoko lang nakikitang nahihirapan at umaasa si Jazz sa'yo."

Hindi ako makasagot sa mga sinasabi ni Jennifer. Pakiramdam ko, ang sama-sama kong tao. Kasi alam ko naman na lahat ng ito, ako talaga ang puno't dulo.

Hindi ko akalain na bumagsak na pala ang luha ko. Nasasaktan na naman ako.

Bakit ba kasi ang hina-hina ko? Kaunting sakit lang, bumabagsak agad ang luha ko?

"Shazalm?" tawag sa akin ni Manny. Tumingin naman ako sa kaniya. "Okay ka lang ba?" tanong niya na halatang may kaunting tama na.

"Sorry Shazalm... Pinaiyak pa kita." singit naman ni Jennifer na pansin ko na naaawa na rin sa akin.

Ngumiti naman agad ako sa kanila kahit pilit. Ayoko lang talaga mag-drama. Kaya nga ako andito sa bahay nila Manny para naman kahit papano, malibang ako. Sumaya ako.

"Okay lang ako guys..." sa wakas! Nakapagsalita rin ako.

Tiningnan ko si Jennifer. "Tungkol sa tanong mo kanina..." humugot ako ng hininga, at pinipilit ang sarili ko na magsalita. "Si Jazz talaga ang mahal ko."

Pansin ko na natulala si Jennifer sa naging sagot ko, pero agad din naman siyang nahimasmasan.

Ngumiti siya sa akin pero ramdam ko na peke iyon. Pansin ko naman na nasaktan siya sa sinabi ko kasi alam ko naman na may gusto siya kay Jazz kaya ganun-ganun na lang siya kanina kung mag-react.

"Sorry..." sambit ko sa harap ni Jennifer.

"Bakit ka nagso-sorry?" balik naman ni Jennifer.

"Alam ko naman na mahal mo si Jazz. At alam ko rin na nasaktan ka nung sinabi ko na mas mahal ko si Jazz." paliwanag ko.

Hindi na nakasagot si Jennifer, at pansin ko na bumagsak na pala ang luha niya; kaya walang anu-ano, nilapitan ko siya at niyakap.

"Ang hirap talaga sa inyong mga babae, sobra ang drama niyo!" singit ni Manny habang tinitingnan niya kami ni Jennifer. "Ahm, Jennifer..." tawag niya kay Jennifer, dahilan para bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya.

Agad naman siyang tiningnan ni Jennifer habang pinupunasan ang basa niyang pisngi gamit lang ang kaniyang kamay.

"May gusto ka talaga kay Jazz?" tanong ni Manny na halatang hindi makapaniwala.

Hindi na nakapagsalita si Jennifer, bagkos tumango na lang siya bilang sagot sa tanong ni Manny sa kaniya.

Pansin ko na napailing si Manny. "Ang suwerte talaga ni Jazz. Biruin mo, dalawang babaeng crush ko, pinag-aagawan siya." pabirong sambit ni Manny.

Nagulat na nga lang ako at pati na rin si Jennifer sa kaniyang sinabi.

"Paki-ulit nga 'yong sinabi mo, Manny?" suhestyon ko kahit narinig ko naman talaga 'yong sinabi niya kanina. Gusto ko lang talaga makasigurado.

Bago siya nagsalita, tiningnan niya si Jennifer. "Crush kita, Jennifer." sambit ni Manny.

Nagulat na lang ako nang biglang natawa si Jennifer. "Lasing ka lang!" sambit niya sabay inom ng alak.

Natawa na lang din si Manny at umiling-iling pa. "Tama ka! Lasing nga ako, pero seryoso ako, Jennifer."

"Hindi mo pa ako kilala. At tsaka, hindi pa rin kita kilala, kaya imposible 'yang sinasabi mo!" dire-diretsong sabi ni Jennifer.

"Hindi ka ba naniniwala sa love at first sight?" tanong ni Manny kay Jennifer.

Hindi ko lang sila in-i-interrupt kasi ang saya lang nila pagmasdan. Ang cute.

"Nope!" sagot naman ni Jennifer.

"Sinungaling mo naman! Kasi ako naniniwala. Lalo na't nung una kitang nakita."

"Matutulog na nga ako!" sabay tayo ni Jennifer. "Asan ba 'yong guest room niyo rito?" pagtataray niya kay Manny.

"Mang-iiwan ka agad?!" si Manny.

"Eh, anong oras na?! Kailangan ko ng magpahinga!"

"Ano ba yan! Lahat na lang ng gusto ko, iniiwan ako."

"Shazalm." tawag sa akin ni Jennifer. Agad ko naman siyang tiningnan. "Ikaw na ang bahala diyan! Kung anu-ano na kasi ang pinagsasabi! Matutulog na ako." dagdag niya at tinutukoy niya si Manny na lasing na talaga, kaya tama si Jennifer, kung anu-ano na lang ang kaniyang pinagsasabi.

Hindi pa nga ako nagsalita, umalis na si Jennifer at umakyat na ng hagdan papunta sa ikalawang palapag ng bahay nila Manny. Hindi ko nga alam kung saan siya matutulog, eh hindi pa naman sa kaniya sinasabi ni Manny kung asan talaga ang guest room.

"Tama na 'yan! Magpahinga na rin tayo." suhestiyon ko kay Manny. Tutunggain pa sana niya ang isang bote ng alak pero agad ko itong pinigilan.

"Gusto ko pang uminom!" sambit ni Manny at pilit inaagaw sa akin ang bote ng alak.

"Tama na! Lasing ka na eh!"

Mabuti na lang hindi na siya nagmatigas. Inalalayan ko pa siyang tumayo hanggang sa pag-akyat sa hagdan patungo sa kaniyang kuwarto.

Iniwan ko na siya sa tapat ng kaniyang kuwarto kasi kaya naman niyang pumasok nang siya lang.

Dumiretso naman ako sa kabilang kuwarto, kung saan ang guest room. Pagpasok ko, nagtaka ako nang hindi ko mahagilap si Jennifer. Pero, dahil nahihilo na rin talaga ako, at inaantok na rin ako, dumiretso na ako sa loob at agad ibinagsak ang katawan sa kama.

~~~*

Nagising na lang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ko lang.

Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko, si mama, tumatawag.

Pinilit ko pa rin ang sarili ko na tumayo kahit medyo nahihilo pa ako. May hang over pa ata ako.

"Hello nak, asan ka ba?"  bungad agad ni mama sa kabilang linya.

Hindi agad ako nakasagot kasi hilong-hilo pa talaga ako.

"Umuwi ka muna kasi may bisita ka. Nakakahiya, kanina pa siya rito naghihintay!" dagdag niya na siya namang ipinagtaka ko.

Sino naman kaya 'yon?

Magtatanong pa sana ako nang biglang naputol ang tawag.

[End of Chapter 28]

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon