Chapter 16
Shazalm's POV
Pumayag man ako sa gusto ni Jazz, alam kong tutol at magagalit si Khalid kapag ito'y malaman niya. Kaya, para hindi siya magduda, sinabi ko na lang sa kaniya na kailangan ko muna magpacheck-up. Gusto pa niya sanang sumama, pero pinilit ko talaga na huwag na siyang sumama. Mabuti na lang napilit ko siya, at hindi na nga siya sumama.
In-unblock ko na rin pala si Jazz sa facebook at naging friends ulit kami. Ayoko sanang gawin 'yon pero nagmakaawa rin kasi siya sa akin, at sa hindi ko inaasahan, naawa ako sa kaniya kaya friends na ulit kami.
Ang lakas talaga ni Jazz sa akin! Halos lahat kasi ng gusto niya, sinusunod ko sa kadahilanan na hindi ko naman alam. Ghad!
Papunta na rin ako ngayon sa bakanteng lote dahil doon daw kami magkikita, sabi niya. 7:00 A.M. pa ang usapan namin pero 6:30 A.M. pa lang papunta na ako. Mas inagahan ko para mapatunayan ko talaga sa kaniya na seryoso ako sa kaniya. Seryoso ako sa gusto niya. Baka ano pa kasi ang isipin niya kung ma-late ako.
Gusto ko na rin kasing tigilan na niya ako. Tigilan na niya kami ni Khalid kasi sinisira niya lang ang relasyon namin. Kaya upang tuluyan na nga niya akong lubayan, sinunod ko 'tong gusto niya. Alam ko naman na hindi ko si Jazz magugustuhan kasi mahal ko na ngayon si Khalid.
6:45 A.M. nakarating na ako. Andito na ako sa bakanteng lote. Pero, nagulat na lang ako nang makita ko siya na nakaupo na sa nakatumbang puno. Grabe! Ang aga niya! Anong oras kaya siya nakarating dito?
Nang makita niya ako, agad siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan at nilapitan ako.
"Thank you!" mahina niyang sambit sa harap ko.
Nanlambot bigla ang katawan ko nang ngumiti siya sa akin. Pero hindi ko 'yon pinahalata sa kaniya. Ano bang mayroon sa ngiti niya? Bakit nanlalambot na lang ako bigla-bigla?
Hindi ko siya sinagot bagkos humakbang ako papunta sa punong nakatumba. Sumunod naman siya sa akin. Umupo ako rito at ganoon din siya.
"Naaalala mo pa ba ang nangyari sa atin dito?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa punong inuupuan naming dalawa.
Humugot ako ng malalim na hininga at tiningnan siya. Halatang nahihiya siyang sagutin ang tanong ko sa kaniya, kaya tango lang ang naging sagot niya at umiwas agad siya ng tingin sa akin.
"Kaya nga kanina nung dumating ka, agad kitang pinasalamatan, kasi baka ka naman-"
"Oo! Napansin ko 'yon." pagputol ko.
Alam naman niya kung ano ang nangyari sa amin noong una. Dahil lang sa isang 'thank you' nagkasira kami.
"Bakit hindi ka nagalit?" tanong ko sa kaniya.
"Ba-bakit naman a-ako m-magagalit?" halatang naguguluhan siya. Hindi niya siguro ako na-gets.
"Hindi ba, gaya nung ginawa mo sa akin dati, hindi ko rin sinagot 'yong thank you mo kanina?" sabi ko, at pilit kong pinapaintindi sa kaniya 'tong ibig kong iparating sa kaniya.
Kahit mahina, tumawa siya. Nakuha niya siguro ang ibig kong sabihin sa kaniya. "Okay lang 'yon!" sambit niya.
Natawa naman ako sa naging sagot niya.
"Bakit mo pala ako pinapunta rito?" tanong ko. Sa dinami-dami kasi ng lugar, dito pa niya talaga napili?
Humugot siya ng hininga habang nakatingin sa kulay na asul na langit. "Wala ka bang maalala sa lugar na ito, Shazalm?" tanong niya sa akin na parang may gusto siyang ipaalala sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
Ficción General[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...