Chapter 14
Shazalm's POV
"Sakay na!" sabi ni Jazz matapos kong maisuot ang helmet.
Gaya ng dati, sa motor niya na naman ako aangkas.
Wala na akong magagawa, umangkas na lang ako sa likod niya.
"Hawak ka sa balikat ko." mungkahi niya nang makaangkas ako.
Awtomatiko naman akong napahawak sa balikat niya. Ayoko kayang malaglag! Duh!
Muntik ng maiwan ang kaluluwa ko nang agad niyang pinaharurot ang motor. Hindi man lang ako in-inform. Grabe! Ganito talaga siya magpatakbo ng motor, parang hinahabol ng pulis! Sobrang bilis! Ilang minuto ang lumipas, nasa tapat na kami ngayon ng bahay namin. Bumaba ako at ganun din siya. Huhubarin ko na sana ang helmet ko, pero nung napansin niyang nahihirapan ako, siya na ang gumawa nito. Nang mahubad niya ang helmet na suot ko, nagkatitigan kaming dalawa.
Parang may kung anong nag-spark habang tinitingnan ko siya sa kaniyang mga mata. Umiwas naman agad ako ng tingin sa kaniya kasi parang ang awkward. Hindi naman kasi kami mag-jowa para gawin namin 'yon. Diba?
"Tara na!" sabi ko. Pinapahiwatig ko na pumasok na kami sa loob ng gate.
Nang makapasok kami sa bahay, dumiretso kami sa kuwarto ko.
Tahimik ang bahay, kasi wala si mama dito, mamayang hapon pa 'yong uwi niya.
Wala na akong sinayang na oras, kinuha ko agad ang lumang photo album sa cabinet upang kunin ang isang litrato na pakay ko.
Nang makita ko na ang litrato, tinitigan ko muna ito. Tiningnan ko rin si Jazz na kanina pang nakatingin sa akin. Sinusubukan kong ikumpara ang litrato kay Jazz, parang hawig nga sila. Hindi ako sigurado, pero sobra ang kaba na nararamdaman ko. Parang siya kasi itong kasama ko sa litrato.
"Ikaw ba'to?" tanong ko sabay bigay sa kaniya ng litrato.
Dahan-dahan niya itong inabot sa akin. Halata na pati rin siya kinakabahan.
Tiningnan niya ang litrato ng maigi pero nagulat na lang ako nang napaluha siya.
Tiningnan niya ako habang patuloy pa rin bumabagsak ang kaniyang luha. Tumango siya. "Ako 'to, Shazalm." masaya habang napapaluha niyang sambit sa harap ko.
Tila para akong binuhusan ng yelo. Hindi ako halos makagalaw. Hindi ko rin alam ang isasagot ko. Hindi ko na rin napigilan ang luha ko, kusa na lang itong bumagsak habang tinitingnan si Jazz.
"Pa-paano? W-wala a-kong maalala?" nauutal na sambit ko habang pilit inaalala ang lahat. Pero wala talaga. Hindi ko si Jazz maalala. Wala akong maalala na nagkasama kami, maliban doon sa ferris wheel na napanaginipan ko kanina.
Nilapitan ako ni Jazz at agad niya akong niyakap. Gusto ko siyang itulak, sabi ng utak ko, pero may parte sa puso ko na pumipigil sa utak ko at gusto nitong hayaan siyang yakapin ako. Pero, mas pinairal ko ang puso ko, kaya hinayaan ko na lang siyang yakapin ako.
Ilang sandali, bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Tiningnan niya ako sa mga mata ko habang pareho pa rin kaming umiiyak. "Hindi mo man maalala ang lahat, ang importante, alam mo na ngayon na naging parte ako sa buhay mo, lalo na riyan sa puso mo." tiningnan niya pa ang puso ko nang sinabi niya ito.
Para akong baliw. Umiiyak kahit wala naman akong alam. Wala akong maalala pero sa pinapakita ngayon ni Jazz, pakiramdam ko, naging parte nga siya sa buhay ko.
"Pero, may boyfriend na ako ngayon, Jazz." sabi ko sa kaniya.
"Mahal mo ba talaga si Khalid?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
General Fiction[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...