Shazalm's POV
Nakakamiss ang dati. Sobra. Ang dati kung kailan andito pa siya. Kasama ko pa siya. Ang dati kung kailan marami kaming nagawang masasayang alaala. Mga alaala na minsan ko ng kinalimutan dahil sa isang pangyayari na hindi inaasahan. Pangyayari na nagpabago sa lahat. Lahat ay naapektuhan lalo na iyong relasyon namin na sobra naming pinahalagahan.
Kung hindi lang sana iyon lahat nangyari, 'edi sana andito pa siya sa tabi ko. 'Edi sana hanggang ngayon ay masaya sana kaming magkasama. Sana hanggang ngayon ipagpapatuloy pa namin ang naudlot naming pagsasama.
Walang araw ang lumipas na hindi ko siya naaalala. Hanggang sa pagtulog siya pa rin ang tanging laman ng aking isipan at pati na rin ng aking puso.
Pagod na rin akong umiyak kasi halos araw-araw na lang. Pinapahirapan pa rin ako ng aking nararamdaman kasi nga andito ka pa sa aking puso't isipan.
Hanggang kailan pa kaya ako magiging ganito?
Hanggang kailan pa ako magtitiis?
Hanggang kailan ko pa kailangang mapag-isa?
Hanggang kailan pa ako magiging malungkot?
Masasaktan?
Mahihirapan?
Dumating sana ang panahon na makalimutan na kita. Hindi man buo, matanggap ko man lang. Matanggap ng puso ko na wala kana.
Tulungan mo sana akong maka-move on sa nararamdaman kong 'to. Alam kong mahirap, pero sana darating din.
Ngayon, hinahanap-hanap ng sarili ko ang mga lugar kung saan ay pareho nating paborito. Sa bakanteng lote, kung saan una tayong nagkita at nagkakilala. Sa perya, kung saan paborito nating puntahan sa tuwing tayo ay namamasyal at sa paaralan kung saan madalas natin nilalaan ang oras nating dalawa na magkasama.
Dahil ako na lang mag-isa, wala na. Hindi ko na kaya pang mamasyal sa perya dahil wala na akong makakasama. Gusto ko pa naman sana sumakay ng ferris wheel na kasama ka, kasi nakakamiss 'yong dati na sobra kang takot dahil sa first time mong sumakay rito. Nakakalungkot lang kasi hindi na 'yon mauulit ngayon.
Buwan na ang lumipas matapos kang mawala dito sa mundo. Buwan na rin ang lumipas matapos mawalan na naman ako ng memorya. Bumalik ang amnesia ko pero hindi ka nawala sa puso't isip ko. Nakalimutan ko ang lahat pero ang mga pangyayari na nabuo natin dati ay sariwang-sariwa pa rin sa utak ko. Nakalimutan ko ang lahat pero hindi ikaw. Hindi si Jazz Del Fuego na minahal ako ng sobra at mahal ko ng higit sa sobra.
Siguro, kaya nangyayari ito sa akin kasi baka itinadhana talaga sa akin ng panginoon na magiging single ako, Forever...
~~~***
Andito ako ngayon sa perya. Habang mag-isa akong nakaupo sa bench nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko..
"Hi!" sambit nito.
Pinihit ko ang aking ulo upang tingnan siya. Ngumiti ito at ito'y aking tinitigan.
"Sino ka?" tanong ko. Hindi ko naman kasi siya kilala.
"Khalid." sagot nito.
[End]
A/N: pasensiya kung ganito ang naging ending.
Pero, gusto ko pong magpasalamat dahil umabot ka rito. Sobrang thank you po. Sana nagustuhan mo pa rin ang istorya na ito kahit papano. Pasensiya na rin sa mga typo errors, grammar mistakes, pati na rin sa mga spelling ng words. Hindi ko na kasi namamalayan eh. Hehehe..
Thank you talaga...
Sana suportahan niyo pa rin ako hanggang sa susunod na istorya na aking gagawin...
Love you all....
Btw, stay safe and healthy...
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
Aktuelle Literatur[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...