Shazalm's POV
"Dok! Dok! Tulong!"
Sigaw ako ng sigaw nang mapansin kong kinokombulsyon si Jazz. Dali-dali akong lumabas at sigaw pa rin ako ng sigaw hanggang sa napansin ako nila Khalid at ng pamilya ni Jazz.
Agad din silang nag-panic at lumapit sa akin.
"Anong nangyari?!"
"Bakit?! Anong nangyari?!"
Hindi ko na marecognize kung sino ang nagsasalita dahil sa sobrang kinakabahan na ako sa kung ano na ang mangyayari kay Jazz.
"Si Jazz po... Kinokombulsyon. Kailangan siya ng doktor!" pilit na sambit ko kahit nahihirapan pa ako sa pagsasalita.
Walang anu-ano agad na tumakbo ang mama ni Jazz upang tawagin ang doktor at ilang sandali lang dumating din ang doktor.
Hindi na kami pinapasok ng doktor kaya nagbabaha na ng luha dito sa labas. Kinakabahan, natatakot at hindi kami mapakali habang hinihintay ang resulta.
"Diyos ko po. Huwag niyo po sanang kunin agad si Jazz. Marami pa po akong sasabihin sa kaniya. Hindi pa nga ako nakakahingi ng tawad sa kaniya. Hindi pa po ako handa. Hindi pa po kami handa. Ang batang-bata pa po ni Jazz. Alam ko po marami pa siyang pangarap sa buhay niya. Sana bigyan niyo pa po siya ng isang pagkakataon na mabuhay. Kailangan pa siya ng kaniyang pamilya. Kailangan ko pa siya. Diyos ko sana naririnig niyo po ako."
Naliligo na ako sa sarili kong luha at ganoon din sila.
"Anong nangyari!?" bungad ng isang lalaki na kakarating lang.
Ngayon ko lang napansin, papa pala siya ni Jazz. May dala itong supot na naglalaman ng mga prutas. Pansin ko na hingal na hingal pa ito habang papalapit sa kaniyang pamilya.
Hindi na nagawang magsalita ng asawa bagkos niyakap na niya lang ito habang humahagulhol sa pag-iyak. Hindi na rin napigilan ng papa ni Jazz ang umiyak.
"Lalaban pa ang anak natin... 'di ba?" naiiyak na sambit ng papa ni Jazz.
Tango lang ang naging sagot ng kaniyang asawa habang nakayap pa rin ito sa kaniya.
"Pa, may pera na po ba tayo? May pambayad na po ba tayo dito." singit ng bunsong kapatid na lalake nila Jazz. Ang lungkot lang pagmasdan kasi sa murang edad niya, bakas talaga sa mukha niya na nahihirapan siya sa sitwasyon ngayon.
"Nakahanap na si papa ng trabaho, nak. Huwag ka ng mag-alala makakabayad tayo rito. Gagawin natin lahat para sa kuya mo." sagot ng papa nila.
"Huwag na po kayong mag-alala sa bayarin. Ako na po bahala. Kahit dito lang po makatulong po ako sa inyo. Sana huwag niyo na po akong tanggihan." biglang singit ni Khalid na siya namang ikinagulat ng pamilya ni Jazz. "Alam ko pong may kasalanan ako sa anak niyo. Kaya sana po, sa paraan na po ito makabawi man lang ako." dagdag pa niya.
"Ako rin po. Aambag na rin po sa gastusin dito." singit ni Manny.
"Ako rin po." biglang singit din ni Jennifer
"Kami po lahat tutulong po sa inyo. Kami na po bahala lahat ng gastusin dito. Alam ko pong kulang pa po 'to para sa nagawa ko kay Jazz. Pero sana, hayaan niyo po kami na tulungan si Jazz." dugtong ko.
Hindi agad nakapagsalita ang mag-pamilya dahil siguro sa nabigla sila.
Bakas din sa mga mukha nila na parang hindi sila makapaniwala.
Hindi na nga sila makapagsalita bagkos nilapitan kami ng mama nila at niyakap. Group hug kumbaga.
"Salamat sa inyo..." basag man ang boses niya nang sambitin ito, ramdam ko ang saya na nararamdaman niya.
Bahagya akong napangiti kahit patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ko.
"May isa pa sana akong gustong hilingin sa inyo..." sabi ng mama ni Jazz.
"Kahit ano po..." agad naman na sagot ni Khalid. "Wala naman pong problema." dagdag pa niya na agad din namin nina Manny at Jennifer sinang-ayunan.
"Ano man ang mangyari ngayon at kung may nagawa man ang anak ko sa inyo, kung may nagawa man siyang kasalanan sa inyo, sana mapatawad niyo siya." sambit ng mama ni Jazz sa harap naming apat kahit medyo nahihirapan pa siyang magsalita dulot ng matinding emosyon na nararamdaman niya.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Iyak na lang ako ng iyak at pakiramdam ko nauubusan na ako ng luha.
"Hindi niyo na po 'yan kailangan sabihin nay..." sagot ni Khalid na hanggang ngayon ay naluluha pa rin. "May hindi man kami pagkakaintindihan ng anak niyo, kahit kailan hindi ako nagtanim ng poot sa kaniya." pagpatuloy niya. Humugot siya ng hininga at nagulat na lang ako ng biglang humagulhol na siya sa pag-iyak. "Ako nga po dapat ang humingi ng tawad sa anak niyo." sambit ni Khalid na ngayon ay nahihirapan na siyang magsalita. "Alam ko po na malaki ang naging kasalanan ko sa anak niyo. Nang dahil po sa akin, nasira ko po ang relasyon nila ni Shazalam. Ako po ang may kasalanan ng lahat ng ito. Sana po mapatawad niyo po ako."
Hindi ko alam bakit sobra akong naapektuhan sa sinabi ni Khalid. Naaawa na rin ako sa kaniya kasi ramdam ko na sinisisi niya talaga ang kaniyang sarili.
Nagulat na lang kami nang bigla siyang lumuhod sa harap ng pamilya ni Jazz.
"Sana po mapatawad niyo po ako." pagmamakaawa ni Khalid na ngayon ay parang naliligo na siya sa sarili niyang luha.
Dahan-dahang lumapit ang papa ni Jazz sa puwesto ni Khalid at inalalayan niya itong makatayo.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Walang may kasalanan. Wala sa inyo, wala nino man." sambit ng papa ni Jazz sa harap naming lahat. "Ang tanging mahihiling ko lang, sana kung ano man ang mangyari, sana tanggapin na lang nating lahat. Kasi alam kong iyon ang gusto ng aking anak." dagdag niya.
Sandali kaming nilamon ng katahimikan habang dala-dala pa rin namin ang emosyong napakabigat.
Ilang sandali lang, nagulat na lang kaming lahat nang biglang bumukas ang pinto kung saan si Jazz naka-confine at bigla dito lumabas ang doktor at iilang nurse na tumingin kay Jazz matapos niyang makombulsyon.
Agad namang lumapit ang ina ni Jazz sa doktor matapos nitong matanggal ang mask na suot.
"Kumusta po ang anak ko?"
[End of Chapter 34]
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
General Fiction[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...