6 - Cafeteria

185 9 0
                                    

Chapter 6





Shazalm's POV

Last period na lang namin ngayon at magla-lunch break na. Hindi na ako makapaghintay na matapos 'to. Hindi lang ako excited sa lunch date namin mamaya ni Khalid, ang boring lang talaga ng instructor namin ngayon. Mabuti na nga lang hindi ko 'to major, kasi kung nagkataon, ako na ang pupunta sa admin, para magreklamo.

First day na first day, napakalamya kung mag-discuss! Walang ka-effort effort! Kung ako ang magiging Head ng University na 'to, siguradong kicked out na 'to sa akin. Hindi ko kailangan ng mga guro na katulad niya. Sayang lang kasi ang oras naming mga studayante sa kaniya. Sigurado naman ako na halos lahat kami rito walang natutunan ngayon. Hays!

Mabuti na lang din nandito ako sa likod naka-upo, kasi kung hindi, kanina pa niya ako napansin na inaantok. Well, parang wala naman siyang pakialam sa amin. Pansin ko nga na ang iilan sa amin dito,  nagce-cellphone. Kaya okay lang siguro kahit matulog, hindi naman siguro siya magagalit kasi wala nga siyang pakialam sa amin. Ghosh!

Nang mag-ring ang bell, agad kaming nagsitayuan. As in, kaming lahat. Hindi na nga naming hinintay na magsalita pa 'tong instructor namin, kusa na lang kaming tumayo at lumabas. Well, hindi sa wala kaming respeto, nakakainis lang talaga siya. Sabagay, matandang dalaga.

Sakto naman nag-ring ang cellphone ko at hindi ako nagkamali ng iniisip, si Khalid tumatawag.

Walang anu-ano, sinagot ko ito.

"Papunta na ako riyan." sabi niya sa kabilang linya.

Oo nga pala, sinabi niya sa akin kanina na pupuntahan niya ako rito para sabay na raw kami pumunta sa cafeteria.

Agad kong kinuha ang bag ko at dali-daling lumabas ng room para salubungin siya.

Nasa third floor ang room ko at nasa second floor naman ang sa kaniya. Saktong bababa pa lang ako ng hagdan, paakyat pa lang siya.

"Shazalm! Ba't  'di mo 'ko hinintay?" tanong niya nang makalapit sa akin.

"Wala. Gusto ko lang na salubungin ka. Nakakahiya naman sa'yo kung sunduin mo pa ako sa taas." sagot ko.

"Tara?" sabi niya sabay bigay ng siko niya.

Hindi agad ako nakagalaw dahil nagulat ako. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na may isang lalakeng maggaganito sa akin. First time lang kasi 'to sa buong buhay ko. Nakakapanibago.

Tiningnan ko siya na nakatingin din sa akin. Tumango siya na nagpapahiwatig na kailangan na naming umalis. Kaya dahan-dahan kong pinasok ang kamay ko sa siko niya na para bang mag-jowa kami.

Habang ginagawa ko 'yon, pakiramdam ko parang nag-e-slowmo ang lahat.

Nginitian niya ako at nginitian ko rin siya bago kami umalis ng sabay papuntang cafeteria habang nakapulupot ang kamay ko sa braso niya.

Ghosh! Pakiramdam ko, ako ang pinakamagandang babae sa buong campus. Ang dami kasing nakatingin sa amin. Iyong iba kinikilig pero karamihan sa kanila halos mamatay na sa inggit. Sorry na lang kayo, nasa akin na ang korona.

Hindi ko naman kasi alam na si Khalid pala ay isa sa mga pinag-aagawan ng mga kababaehan at kabaklaan dito. Well, agree naman ako, dahil sobrang pogi naman talaga ni Khalid.

By the way, si Khalid ay 20 years old, na halos kasing edad ko na rin. Third Year, kumukuha ng kursong Civil Engineering. Alam ko 'yan, kasi sinabi niya 'yan kanina kaya huwag kang ano!

"Sino ba 'yan?! Ba't kasama niya si Khalid, my loves?!"

"Oo nga! Sino ba 'yan?! Ang landi! Kung makadikit kay Khalid parang jowa niya!"

Ang Love Story ng isang Single Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon