Shazalm's POV
"Asan si Khalid? Ba't ikaw lang?" kaswal na tanong ni Jazz.
Hindi ko siya mabasa. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Ang hirap. Nakatingin siya sa malayo pero kapansin-pansin ang blangkong ekspresyon ng mukha niya.
"Kailangan ko lang mapag-isa." sagot ko.
Tinitingnan ko pa rin siya pero sa malayo pa rin siya nakabaling.
"Mabuti sa lugar na ito napili mong puntahan." sambit niya. Ganun pa rin blangko pa rin ang mukha niya.
Nakakapanibago siya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito. Hindi ko alam kung ano na ang tumatakbo sa isip niya. Galit ba siya sa akin? Naiinis? O ano? Ewan ko! Hindi ko talaga siya mabasa.
"Dito kasi ako dinala ng sarili ko." sagot ko.
Pansin ko na bahagya siyang ngumiti. Ewan ko kung pilit ba 'yon o ano. Basta, pakiramdam ko, natuwa siya sa naging sagot ko.
Nagulat na nga lang ako nang bigla niya akong tiningnan, kaya ako naman 'tong napabaling sa ibang direksiyon. Hindi ko kasi kayang makipag-eye to eye sa kaniya. Nanlalambot ako. Mas bumibilis na rin ang tibok ng puso ko. Natatakot nga ako na baka marinig niya 'tong pagtibok ng puso ko.
"Basta, mag-iingat ka palagi, huh?" sambit niya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi na ako pumiglas kasi parang gusto rin ng sarili ko na hawakan niya ang kamay ko.
Nakaramdam naman agad ako ng kuryente na agad na dumaloy sa ugat ko habang hinahawakan niya ang kamay ko.
Hindi ko naman siya maintindihan kaya tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata kasi baka sakaling maintindihan ko siya. Nagulat na lang ako nang may luha na dahan-dahang bumabagsak galing sa kaniyang mga matang nakangiting nakatingin sa akin.
Kahit hindi ko siya maintindihan, napaluha na lang din ako. Ewan ko ba, bigla na lang ako nakaramdam ng kirot sa puso ko sa kaniyang sinabi.
"At tsaka, huwag mong pababayaan ang sarili mo, ano man ang mangyari." dagdag niya.
Gusto ko siyang intindihin kaso hindi ko magawa, kasi nahihirapan ako. Ang laki ng question mark ang tumatakbo ngayon sa utak ko dahil lang sa kaniyang sinasabi. Ano ba kasi itong gusto niyang iparating sa akin? Bakit hindi niya lang ako diretsuhin?
"Hindi kita maintindihan, Jazz?"
Mapait siyang ngumiti at bumaling na naman sa malayo.
"Hindi mo na kailangang mag-isip ng kung anu-ano, Shazalm. At tsaka kung concern ka sa akin, salamat. Pero, hindi mo naman kailangang maging concern kasi, okay lang ako." sambit niya. "Masaya ako para sa iyo. Masaya na ako para sa inyo ni Khalid."
Parang may kung anong matulis na bagay ang bumaon sa puso ko dahil lang sa kaniyang sinabi. Sobrang sakit! Parang ipinaparating niya sa akin na tanggap na niya na kami na ni Khalid. Pero, bakit hindi ako masaya? Hindi ako masaya na pinaparaya na niya ako? Bakit kung kailan ko pa narealize na mahal ko na siya, ay tsaka pa siya sumuko?
Tumingin siya akin na basang-basa ang mukha dahil sa luha niya na patuloy pa ring bumabagsak. Habang nakatingin siya sa akin, ngumingiti siya. Sobrang sakit lang malaman na ang ngiti niya ay parang nagsasabi na kailangan niya ng magpaalam. Ngiting puno ng sakit.
"Hindi mo na ba ako mahal?" tanong ko sa kaniya.
Nag-uunahan na rin ang luha ko kasi nasasaktan talaga ako.
"Hindi mo na 'yan kailangan itanong sa akin kasi alam mo naman kung gaano kita kamahal, Shazalm. Kung alam mo lang, ikaw ang buhay ko. Pero, kung ang buhay ko ay masaya sa piling ng iba, sino ba ako para pigilan ka, 'di ba?" dire-diretso niyang sagot. "Mahal na mahal kita, Shazalm. Pero, kung si Khalid talaga ang mahal mo, kahit masakit, kahit mahirap, kahit alam kong masasaktan ako, tatanggapin ko ng buong puso kasi mahal kita at gusto kong sumaya ka." dagdag niya.
Gusto ko siyang pigilan sa pagsasalita kasi bawat salita na lumalabas sa kaniyang bibig, ay para akong sinasaksak ng kutsilyo sa puso ko. Sobrang sakit.
"Shazalm!" nagulat kami pareho ni Jazz ng bigla akong tinawag ni Khalid na kakarating lang.
"Jazz!" nagulat ulit kami nang may tumawag naman kay Jazz. Habang papalapit siya sa amin ni Jazz, tila namumukhaan ko kung sino siya? Parang siya si Jennifer na batch mate ko. At nang makalapit na nga siya ng tuluyan, hindi nga ako nagkamali kasi siya nga si Jennifer.
Nakalapit na rin si Khalid sa amin at pareho silang nasa harap namin, nakatayo.
Pansin ko na sobrang sama ng tingin ni Khalid kay Jazz. Pansin ko rin na nakatingin din si Jennifer sa akin. Ngayon ko nga lang din nalaman na magkakilala pala sila ni Jazz. Wala kasi akong alam.
"Tayo na, Shazalm." ani Khalid na halatang naiinis kay Jazz. Hinawakan niya ang kamay ko at agad niya akong hinila papalayo kay Jazz.
Agad ding tumayo si Jazz. "Huwag mo siyang saktan!" sambit niya kay Khalid.
"Hindi ko hahayaang masaktan ang mahal ko!" sagot ni Khalid. "At tsaka, inilalayo ko nga siya sa'yo kasi baka nga siya masaktan!" dagdag niya na bakas sa tono ng pananalita niya ang galit niya kay Jazz.
Magsasalita pa sana si Jazz pero agad siyang pinigilan ni Jennifer.
"Jazz, tayo na. Kailangan mo pang magpahinga." sabi ni Jennifer kay Jazz.
Tiningnan ako ni Jazz bago niya tiningnan si Jennifer. Nang kaharap na niya si Jennifer, agad siyang tumango bilang pagsang-ayon sa gusto ni Jennifer.
Habang sabay silang naglalakad papalayo sa kinatatayuan namin ni Khalid, gusto ko silang pigilan. Gusto ko pang makasama si Jazz at makausap pa ng matagal. Hindi ko lang magawa kasi sobrang higpit ng pagkakahawak ni Khalid sa kamay ko. Tila ayaw niya akong pakawalan at lumayo sa tabi niya. Hanggang sa tuluyan na nga silang nakalayo at nawala na sa paningin ko.
Iniharap naman ako ni Khalid. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na makikipagkita ka kay Jazz?!" tanong niya sa akin na halatang galit na galit. Gusto ko siyang sagutin kasi mali siya. Hindi ko naman talaga sinasadya na magkikita kami ni Jazz. "Kanina pa rin ako tawag ng tawag! Text ng text, pero ayaw mo naman sagutin. Sabihin mo nga ang totoo Shazalm, may dapat ba akong malaman?!" patuloy niya.
Gusto ko siyang sagutin pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Namimilipit na rin ang dila ko.
"Umamin ka nga sa akin, Shazalm! Mahal mo ba si Jazz?! Mahal mo ba siya kesa sa akin?!" tanong niya.
Naghihintay na siya sa sagot ko habang ako naman ay hindi pa rin makapag-isip sa kung ano ang magiging sagot ko. Naguguluhan talaga ako. Mas lalong bumilis ang pag-agos ng luha ko kasi hindi ko talaga kayang sagutan ang tanong ni Khalid sa akin.
Mahal ko siya, pero mahal ko rin Jazz.
Bahagyang tumawa ng mapait si Khalid. Bumagsak na rin ang luha niya na kanina pa nagbabadya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Alam kong alam mo kung gaano kita kamahal, Shazalm. At alam kong alam mo rin na hindi ko kayang mawala ka sa piling ko kasi ikaw na ang babaeng minahal ko ng ganito. At sana huwag mong hahayaan na masira ito. Na masira tayo, kasi hindi ko kakayanin, Shazalm. Hindi ko kayang mawala ka kasi mahal na mahal kita!" agad niya akong niyakap ng mahigpit matapos niya itong sambitin.
Hindi pa rin ako makapagsalita kasi hindi ko pa kaya. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na sa buong buhay ko, magiging ganito at magiging komplikado ang buhay ko. Sobrang hirap. Nakakamatay!
[End of Chapter 22]
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
Ficción General[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...