Chapter 12
Shazalm's POV
Simula nung nagtapat kami ng nararamdaman sa isa't-isa ni Khalid, wala na siyang oras na pinapalampas. Palagi na niya akong kinukumusta sa chat, tinatawagan at pinupuntahan sa room ko upang hintayin ako at para rin kami sabay kumain. Madalas din niya ako bisitahin sa bahay.
Nakakapanibago.
Ngayon, magkasama na naman kami at andito kami ngayon sa cafeteria sabay na kumakain.
Mabilis din kumalat ang tsismis tungkol sa relasyon namin ni Khalid, kaya kami ngayon ang pinaka-main topic ng mga tsismosa.
May mga nagalit, nagwala, na tila mamamatay sila na naging kami ni Khalid.
Natigil kami pareho ni Khalid sa pagkain dahil sa gulat nang may nambato sa likod ko. Papel na ginawang bola ang binato sa akin at natamaan ako nito sa likod ng aking ulo. Ghad!
Napansin iyon ni Khalid kaya bigla itong tumayo sa kaniyang kinauupuan. "Sino'ng nambato?!" galit na sambit ni Khalid sabay hampas sa mesang kinakainan namin. Dahil sa lakas, muntik na ngang matapon ang juice na nasa harap ko.
Matalim niyang tinitingnan ang bawat estudyante sa paligid. Halatang galit siya.
Walang may nagtangkang sumagot pero agad na napansin ni Khalid ang isang babae na nanginginig sa sulok ng cafeteria. Nagulat na nga lang ako nang nilapitan niya ito.
Dahil nasa likod ko ang babae, tumayo pa ako sa kinauupuan ko upang tingnan kung ano ang gagawin ni Khalid sa babae. Sigurado ako na siya ang pagbibintangan ni Khalid. Dahil na rin siguro sa reaksiyon ng mukha niya na halatang kinakabahan. Mas lalo pa nga siyang nanginig nang tinitigan siya ni Khalid.
Gusto ko sanang awatin si Khalid, kasi baka ano pa ang magawa niya sa babae. Pero, naisip ko na parang umaabuso na sila kaya kailangan na nilang turuan. Hindi uunlad ang ating bansa dahil sa mga katulad nila. Mga walang magawa sa buhay kaya pinapakialaman at sinisiraan ang iba. Kaya kailangan niyang turuan ng leksyon para naman siya matuto at marealize niya na hindi tama 'tong ginagawa niya.
"Bakit mo binato si Shazalm?" tanong ni Khalid na may halong pananakot sa babae.
Hindi makapagsalita ang babae. Mas lalo lang nanginig ang buong katawan niya. Pansin kong tiningnan pa niya ang kaniyang kasama na parang humihingi ng tulong. Pero, bigo siya dahil parang pati kasama niya, nanginginig na rin sa takot kay Khalid.
"Sagot!" napasigaw pa si Khalid dahilan upang mapapikit 'yong babae sa takot. Hindi kasi makasagot.
Walang may nagtatangkang umawat kay Khalid. Pansin ko na ang lahat ay nakatingin lang kina Khalid.
"Hindi ka sasagot?!" Nanlaki na lang ang mga mata ko nang muntik na niyang masapak ang babae, mabuti na lang may pumigil sa kamay niya na dadapo sana sa mukha ng babae.
"Pati babae pinapatulan mo." kaswal na may angas na sabi ng lalake habang hawak nito ang bigkis ni Khalid.
Nagulat na lang ako nang mamukhaan ko kung sino 'yong lalakeng pumigil kay Khalid.
"Jazz?" mahinang sambit ko, pero narinig niya pa rin ito kaya napatingin siya sa akin.
Pansin kong umalis agad ang babae kasama 'yong mga alipores niya habang na kay Jazz na ang atensiyon ni Khalid. Siguro naman, natuto na 'yon! Halos umiyak na nga siya kanina, lalo na noong muntik na siyang masapak ni Khalid. Um-epal lang kasi itong si Jazz, at pinagtanggol pa niya talaga 'yong babae.
"Ba't nangingialam ka?!" agad na nagpalipad si Khalid ng right punch papunta sa mukha ni Jazz. Sa lakas ng tama, muntik na siyang matumba.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
General Fiction[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...