Chapter 8
Shazalm's POV
Hindi ko akalin na ganoon kabilis ang aming pagkakaibigan ni Khalid. Well, hindi pa naman namin sinasabi sa isa't-isa na kaibigan nga kami, pero sa mga nangyayari sa amin, masasabi ko na talagang kaibigan ko na siya.
Sanay na akong kasama siya at ganoon din siya. Hindi na kami masyadong naiilang sa isa't-isa.
Habang inaalala ang lahat ng mga nangyari sa amin kanina, hindi maalis sa isip ko 'yong oras na nahilo ako sa ferris wheel. Bakit ba kasi sa tuwing nahihilo ako, palagi na lang may pumapasok sa isipan ko na mga pangyayari na hindi ko naman alam? Pilit ko 'tong inaalala pero hindi ko 'to magawa. Parang kusa na lang kasi ito na nangyayari sa akin nang hindi ko namamalayan kaya madalas akong nahihilo at natutumba.
Alam ko naman na dahil sa isang aksidente kung kaya't iyon lahat nangyayari sa akin. Pero, bakit may mga tao? Mga tao na hindi ko naman kilala sa tuwing nahihilo ako? Sino sila? At ano sila sa buhay ko? Bakit sila pumapasok na lang sa isip ko? Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito? May nakaraan ba ako na nakakalimutan ko?
~~~*
<<<Flash Back
Third Person's POV
Grade 7 pa lamang si Shazalm, masayahin na siyang tao. Dahil sa katangian niya na ito, marami na kaagad itong naging kaibigan at kakilala, isa na doon si Jazz Del Fuego.
Si Jazz Del Fuego ang naging best friend niya sa mga oras na iyon. Palagi silang magkasamang masaya habang namamasyal sa kung saan-saan, kumakain, kung may mga party at mga events.
Si Jazz din ang naging sandalan niya sa oras na siya ay nakakaramdam ng lungkot. Minsan lang malungkot si Shazalm, pero sa tuwing nakakaramdam siya ng lungkot, kulang na lang itong maglupasay sa kakaiyak. Iyakin kasi siyang tao sa tuwing siya ay nalulungkot. Kaya si Jazz ang nagiging panyo ni Shazalm upang mapawi ang luha na pumapatak sa mga mata niya.
Si Jazz din ang nagtatangol kay Shazalm sa tuwing may umaaway sa kaniya. Kahit na maraming friends si Shazalm, mayroon ding iilan na naiinis sa kaniya. Naiinis sila dahil si Shazalm kasi ang pinakamatalino sa kanilang school sa mga oras na 'yon. Kilala siya ng lahat dahilan upang kainggitan siya ng iilan. Si Jazz ang naging takbuhan ni Shazalm, hanggang sa may naramdaman na si Jazz sa kaniya ng higit pa sa pagiging best friend.
Nahuhulog na si Jazz sa puso ni Shazalm sa hindi niya inaasahan.
Hindi pa naman 'yon inamin ni Jazz kay Shazalm, dahil takot siya sa anumang mangyari sa kanilang dalawa. Takot siya na baka sa isang idlap, mawala na parang bula ang kanilang pinagsamahan. Takot siya baka hindi siya kayang masuklian ni Shazalm ng pagmamahal ng higit pa sa pagiging bestfriend, gaya niya.
Kaya ilang araw rin niya 'tong nilihim kay Shazalm hanggang sa umabot na 'to ng buwan at mga taon.
Grade 10, pareho na silang binata at dalaga. Bestfriend pa rin ang dalawa, pero hindi na masyadong close gaya noong una. Sa mga oras na ito, hindi na kaya pang ilihim ni Jazz ang kaniyang nararamdaman para kay Shazalm. Hindi na niya kaya pang hintayin na lumipas pa ang isang taon, kaya naglakas-loob siyang ipagtapat ang kaniyang nararamdaman para kay Shazalm.
Halos sumigaw si Jazz sa saya nang pinayagan siya ni Shazalm na manligaw sa kaniya. Tumagal ang panliligaw ni Jazz dahil ang gusto ni Shazalm na pagkatapos ng Graduation nila, doon na sila magiging opisyal na mag-jowa.
Maraming memories ang ginawa ng dalawa habang nanliligaw pa lamang si Jazz. Isa na doon ang madalas nilang pagpasyal sa perya, na pareho nilang paboritong puntahan.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
Fiksi Umum[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...