Shazalm's POV
Bakit sobra kung magbigay ng pagsubok ang tadhana? Kasi palagi na lang. Wala na ata itong katapusan. Sobrang nahihirapan na kasi ako. Hindi ko na ata kakayanin pang lumaban. Pero kahit mahirap, hindi ko pa rin talaga magawang sumuko.
Siguro hindi ko lang talaga kayang tanggapin ang nangyari. Bakit pa ba kasi iyon nangyari kay Jazz, eh hindi naman siya masamang tao. Hindi naman niya 'yon deserved kasi mas deserve niya iyong maging masaya.
Dalawang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon wala pa ring pagbabago. Mas lalo lang lumala ang sitwasyon at iyon ang pagbabago na hinding-hindi ko gusto. Marami na ang nahihirapan. Hindi lang ako. Hindi lang si Jennifer, kundi pati rin ang pamilya ni Jazz na alam na rin ang totoo. Hindi ko nga akalain na pati rin sa pamilya ni Jazz, nagawa niya pa rin iyong itago. Sobrang mahal na mahal talaga ni Jazz ang mga taong nakapaligid sa kaniya kasi wala ni kahit isang may alam na nahihirapan na siya. Itinago niya lang kasi ayaw niya kaming mag-alala.
"Shazalm?"
Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko si Jennifer.
Agad ko namang pinunasan ang luha ko na kanina pa talaga bumabagsak gamit ang mga kamay ko.
"Jennifer, bakit ka pala andito?" tanong ko.
Hindi ko kasi aakalain na pupunta siya rito sa perya. Andito kasi ako ngayon, nagmumuni-muni. Sobrang namimiss ko lang talaga ang mga panahon kung kailan kasama ko pa si Jazz. Mga panahon na hindi ako sigurado na maibabalik pa.
Hindi muna sumagot si Jennifer bagkos nilapitan niya ako at tinabihan. Sa ngayon, nakatingin na rin siya sa ferris wheel kung saan kanina ko pang tinitingnan. Gabi na rin kaya sobrang ganda ngayong tingnan ang ferris wheel dahil sa mga ilaw na iba't-ibang kulay ang nakapaligid dito.
"Alam ko kasing kailangan mo ngayon ng makakausap, kaya pinuntahan kita rito." sambit ni Jennifer habang sa ferris wheel pa rin siya nakatingin.
Kahit papano, napangiti ako ni Jennifer. Magsasalita na sana ako pero biglang may sumingit.
"Shazalm?" nagulat kami pareho ni Jennifer nang may biglang magsalita sa likod namin.
Sabay naman kaming napalingon at nakita namin si Patrick— Manny, kababata ko.
"Patrick!" tawag ko sa kaniya at agad naman niya kaming nilapitan.
Mabuti pa 'to si Patrick hindi ko nakalimutan noong mga panahong may amnesia pa ako. Nakakainis lang talaga, kasi iyong taong pinakamamahal ko pa talaga ang nakalimutan ko.
"Kumusta ka na?" tanong niya nang makalapit siya sa amin. Ngumiti siya at nagulat na lang ako nang wala na siyang sunog na ngipin.
Dati kasi, naaalala ko noong bumisita siya sa bahay upang manligaw sa akin, may sunog pa 'yong ngipin niya sa gitna kaya dahil doon napalayas ko agad siya at binasted. Hindi ko nga alam kung bakit ko iyon nagawa sa kaniya. Naisip ko kasi na parang ang harsh ko nun. Tapos ngayon, wala na! May nanalo na! Gumwapo tuloy siya.
Kahit papano, napangiti ako ni Patrick. Kasi isa siya sa magpapatunay na lahat ng bagay puwedeng magbago. Lahat posible at lahat may dahilan.
Hindi na ako nakasagot sa tanong ni Patrick dahil hindi talaga ako okay.
"May kasama ka pala, Shazalm. Puwede mo ba akong ipakilala?" sambit niya nang makita niya si Jennifer.
Naku! Ayan na! Dumada-moves na naman 'tong si Manny — Patrick. Kaya agad nababasted kasi akala niya lahat ng babae maloloko niya agad. Napaka-feeling. Feeling pogi! Iyon lang talaga ang problema sa kaniya. Well, pogi naman siya pero, OA lang talaga.
Pansin ko naman si Jennifer na parang naiilang kay Patrick. Hindi ko naman siya masisisi kasi pati rin naman ako naiilang din sa kaniyang mga kinikilos.
"Hi." bati ni Patrick kay Jennifer.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Jennifer pero hindi pa rin ito nagpadala dahil tinuloy niya talagang magpakilala. "Patrick nga pala. Patrick Pacquiao. Hindi ko kaano-ano si Manny pero katukayo ko lang siya sa palayaw ko. Manny kasi ang palayaw ko. Ahm, I'm single and ready to mingle."
Tsk.
Ang laki na talaga ng pinagbago ni Patrick. Dati lang, siya itong binubully namin dahil sobrang mahinhin talaga siya noon, tapos ngayon parang may himala na nagpabago sa kaniya, ang lakas na mang-trip! GGSS pa! Ghad!
Naglahad pa ng kamay at gusto pang makipag-shake hands kay Jennifer.
Nagulat na lang ako nang bigla niyang tinanggap ang kamay ni Patrick. "Jennifer nga pala. Nice meeting you, Patrick."
Agad na nag-arko ang mga labi ni Patrick dahil sa saya. Pakiramdam ko, mas lalo tuloy lumaki ang ulo niya.
"Patrick!" pag-agaw ko ng atensiyon ni Patrick. Kanina pa kasi sila nakatitig sa isa't-isa, ang awkward. Agad naman siyang bumaling sa akin. "Anong pakay mo, ba't ka napunta rito?" tanong ko.
Inayos pa talaga niya ang kaniyang buhok bago magsalita, at nagpa-cute pa kay Jennifer. Grrr. "Pinuntahan kasi kita sa inyo at wala ka doon." humugot siya ng hininga. "Sabi naman ni tita — mama ko, andito ka, kaya dumiretso na ako rito." patuloy ni Patrick. "Gusto ko lang kasi ma-sure na okay ka, kasi nalaman ko 'yong nangyari kay Jazz. Alam ko naman na mahal na mahal mo 'yon at baka sakaling makatulong ako, kaya andito ako." dagdag niya.
Kahit papano, napangiti ako ni Patrick dahil sa kaniyang sinabi. Ramdam ko naman na hindi siya plastic sa sinabi niya dahil naramdaman ko na totoo siya doon. Kaya walang anu-ano, niyakap ko siya ng mahigpit bilang pasasalamat sa concern niya sa akin.
"Salamat, Manny." sambit ko habang kayakap ko siya. Pakiramdam ko, babagsak na naman ang luha ko, pero pilit ko pa rin itong pinipigilan kasi wala ata akong araw na hindi umiiyak.
Ilang sandali, bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya.
Pansin ko na natulala si Patrick at halos hindi na makapagsalita.
"Whuy!" pagpukaw ko ng huwisyo niya. Nakatitig pa rin kasi siya sa akin. Nakakapanibago.
Ilang sandali, napa-iling siya at tila bumalik na ang huwisyo niya. Thanks naman. Akala ko kasi sinapian na siya ng masamang ispiritu.
"Bakit bigla kang natulala kanina?" tanong ko.
"First time kasi." sagot ni Patrick na siya naman ikinalito ko. Hindi ko kasi siya maintindihan. "Ibig kong sabihin, ang saya lang kasi first time mo akong niyakap." paliwanag niya.
"Ganun ba." ngayon ko lang napansin na tama nga si Patrick. Ngayon ko lang talaga siya nayakap. "Pero, alam mo naman kung hanggang saan lang 'yong boundary natin, 'di ba?" paliwanag ko sa kaniya na agad naman niyang sinang-ayunan.
Natawa na lang kami pareho dahil alam ko naman na may gusto itong si Patrick sa akin, matagal na. Hindi ako assuming, dahil sinabi niya 'yan sa akin.
"Puwede ba akong sumali sa usapan niyo?" sabi ni Patrick sa amin ni Jennifer.
Nagkatinginan naman kami ni Jennifer at pansin ko na okay naman siya sa gusto ni Patrick kaya pinayagan na namin.
"Gusto niyong sumakay dun?!" suhestiyon ni Patrick habang itinuturo ang ferris wheel.
Umiling naman ako bilang pagtanggi sa gusto ni Patrick, pero nagulat na lang ako nang sumang-ayon si Jennifer. Kaya napatingin ako sa kaniya.
"Naiintindihan kita, Shazalm kung bakit ayaw mo." mapait na sambit ni Jennifer. "Pero, sandali lang ito. Baka sakaling kahit kaunti, sumaya ka." dagdag niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at tumango na nagpapahiwatig na gusto niya talaga akong sumama sa gusto ni Patrick.
Kahit ayoko talaga, wala na akong nagawa kasi tama naman si Jennifer. Tumango na lang din ako bilang sagot sa gusto ni Jennifer.
"Tama 'yan! Shazalm!" singit ni Patrick. "Huwag magpapatalo sa iyong nararamdaman! Laban lang!"
Sana gaya ako nila. Kayang labanan ang nararamdaman. Matapang at handang labanan ang lahat ng problema na kinakaharap.
[End of Chapter 27]
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
General Fiction[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...