Chapter 7
Shazalm's POV
Katatapos lang ng last period namin at wala na akong klase mamayang hapon. Kaya naman nagyaya si Khalid na mamasyal lang daw muna kami. Mag-ikot-ikot kumbaga. Wala rin naman siyang pasok kanina pa. Hinintay pa nga niya ako sa labas ng room namin para raw sabay na kami. See! Ako na talaga!
Hindi na ako nakapulupot sa braso niya dahil narealized ko kagabi na hindi dapat ako ganoon. Kasi parang nagmumukha akong malandi at tsaka, para na rin hindi gaanong awkward para sa kaniya. Hello, hindi pa kami mag-jowa o 'di pa nga rin kami friends eh. Kaya okay na rin 'tong sabay kaming naglalakad kahit mayroon kaunting space na pumapagitan sa aming dalawa.
Pansin ko na parang nanibago siya sa akin, kasi kanina pa siyang tingin ng tingin sa akin. Well, hindi ko siya masisisi, totoo naman na nagbago ako ng kaunti para lang sa kaniya.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Mukhang tahimik kasi namin. Hindi ako sanay.
"Ikaw, saan mo gusto?" aniya.
Talaga lang huh! Ako pa talaga ang pinapa-decide?
"Actually, okay lang naman sa akin ang kahit anong lugar basta't kasama ki-" naputol ang gusto kong sabihin nang may biglang sumigaw.
"Shazalm!"
Pangalan ko ang narinig ko kaya napahinto ako sa aking paglalakad at ganoon rin si Khalid. Agad din akong napalingon sa bandang kanan ko kung saan nanggaling ang boses.
Hindi ko mamukhaan kung sino 'tong tumawag sa akin, pero habang papalapit siya ng papalapit sa kinatatayuan namin ni Khalid, tila parang namumukhaan ko na siya.
"Jazz?" hindi ako sure pero nang makalapit na talaga siya ng tuluyan, si Jazz Del Fuego nga! Ang walang hiyang lalake na palihim na may gusto sa akin. Duh!
Sorry na lang siya! May Khalid na ako! At tsaka, ang kapal talaga ng mukha niya na magpakita pa sa akin. Matapos ang lahat ng nangyari.
"Tara na! Khalid!" aalis na sana kami pero pinigilan pa ako ng hinayupak na 'to.
Pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko. "Ano ba! Hindi kita gusto! Okay?" sambit ko sa harap niya. "At tsaka, hindi mo ba nakikita na may kasama ako." tinutukoy ko si Khalid. "Mamamasyal kami kaya huwag kang istorbo!" inirapan ko siya. Akmang aalis na kami pero pinigilan niya ulit ako.
"Sandali lang, Shazalm."
Ang tigas talaga ng ulo ng Jazz na 'to! Hindi maka-gets!
"Bro, huwag ka ng makulit. Ayaw nga ni Shazalm na makipag-usap sa'yo." singit ni Khalid.
Ayan tuloy, pati si Khalid hindi na mapigilan na mainis sa walang hiyang lalake na 'to.
"Sorry bro, may gusto lang akong sabihin kay Shazalm." nagpaliwanag pa talaga. Kainis!
"Sabihin mo na! Ngayon na! Anong sasabihin mo?" sambit ko. "Bilis!" ang bagal naman kasi. Sinasayang lang niya ang oras namin ni Khalid.
"Shazalm."
"Ano nga!" ano ba 'yan! Pinapatagal pa. Hindi na lang ako diretsuhin.
"Gusto ko lang naman na mag-sorry sa'yo about sa-"
"Okay na! Pinapatawad na kita." pagputol ko. Sa totoo lang, hindi ko pa rin talaga siya pinapatawad. Ano siya sinisuwerte? Matapos niya akong paiyakin? Sorry lang? No way! Siya kaya ang unang lalake na nagpaiyak sa akin, tapos basta-basta na lang siyang magpapakita sa akin para patawarin ko agad? Never! Nagpapanggap lang ako na pinapatawad ko siya, para na siya tumigil. Para hindi na siya manggulo sa lakad namin ni Khalid. Sinasayang niya lang kasi ang oras namin.
BINABASA MO ANG
Ang Love Story ng isang Single
General Fiction[COMPLETED] Paaano ba magmahal ang isang single? O, paano ba magmahal ang isang NBSB? Well, sa istoryang ito, makikilala mo si Shazalm. Isang dalagang bente anyos ng single. Yes! Tama ka! Bente anyos na siyang NBSB. Hanggang ngayon, patuloy pa rin n...