CHAPTER 50: Stranger Danger.
Atilah's Point of View.
Nagugulantang ako sa mga kinikilos ni Calvin. May masamang balak tong baklang to sigurado ako. Yung pasimpleng paglapit niya kay Ash tapos may ibubulong, si Ash naman bigla nalang titingin sakin at tatawa. Shit naman yan. Ano kaya binabalak ng baklang yon.
"Girl! ishot mo na to!" Sigaw pa sakin ni Calvin habang hawak hawak ang isang shot glass na may laman na kung anong alak yon ay hindi ko alam. Kinuha ko ang shot glass at nilagok yon. Dammit! Tequila pala yon!
"Calvin naman sabi ko naman sayo ayoko mag lasing ngayon ehh" Ayoko naman talaga mag lasing. Ang iniinom ko nga lang ngayon ay mga light drinks. Gusto ko ng good time hindi magpakalasing. Ngumiwi nalang ako ng di niya pansinin yung sinabi ko.
Pinasadaan ko ng tingin ang buong bar, madaming tao ngayon at marami din turista sa bar na to. Meron pa kong mga artistang nakikita pero parang hindi sila sikat ngayon dito at para lang silang normal na turista. Tinignan ko ang table namin na may dalawang babae na nakilala lang ng kambal sa dance floor kanina. Meron din isang blond na babaeng nakakandong kay Ash. Si Calvin at Theo naman nagdadaldalan lang sa tabi ko. Now i feel so alone. Feeling ko naoop na ko sakanila. Lahat sila may partner! Hindi na ko nagpaalam dahil busy sila sa kani kanilang partners ng tumayo ako at pumunta ng dance floor.
Sumayaw nalang ako gaya ng dati. I missed this! i moved my hips left to right and danced my ass off. Gaya noon may mga lalaki nanaman na nanonood sa bawat pag galaw ko. I just closed my eyes and feel the music. I missed this. Bakit ko ba to tinanggal sa sarili ko para lang sa lalaking tulad ni Ash? Dammit! I wasted a year of my life para lang makalimutan siya pero bakit ganun hinahanap hanap pa din siya ng sistema ko. Which is a bad thing because look at him now! He's even worst than before. Sila na ni Tiffany pero nawala lang si Tiffany sa paligid niya may kandong na siya na babae?! how can you love a man like that? how can you not hate him?! His every serious girl's nightmare!
Titigil na sana ako sa pag sasayaw ng may biglang humatak sa baywang ko at nilapit ng sobra sa katawan niya. Halos mapapikit ako sa bilis ng pangyayari. Amoy na amoy ko ang pinaghalong alak at sigarilyo sakaniya. Binuksan ko ang mga mata ko at kumunot ang noo ko sa nakita ko.
"Get off me!" Bulyaw ko at pilit siyang tinutulak pero masyado siyang malakas kaya parang di man lang ako nakagalaw. Tinignan ko ang paligid at wala man lang nakapansin sa sigaw ko dahil na din sa lakas ng music.
"Whats your name babe? I found you really sexy" Nilapit pa niya ang bibig niya sa tenga ko. Naramdaman ko pa ang mainit niyang hininga sa tenga ko. Nangilabot ako sa boses niyang malalim at mga mata niyang nanlilisik.
BINABASA MO ANG
Bad Boy VS. Bad Girl [COMPLETE]
RomancePosible bang magkasundo ang isang bad boy na tulad ni Ash at bad girl na tulad ni Atilah? Who will fall first? The bad boy Ash or the Bad girl Atilah? Magiging happy ending ba ang dalawa o simula na ito ng world war III?