Chapter 1: Unang pagkikita.
BAAAGG!!! BAAAGG!! BAAAGG!!
Napabalikwas ako sa gulat ng may biglang kumatok na halos ipasok na yung kamao sa pintuan ko. Damn it. Ang sarap ng tulog ko! Padabog akong bumangon at padabog ding binuksan ang pintuan.
"WHAT?!" bulyaw ko. Napapikit naman sa gulat ang kapatid kong si Althea na may hawak hawak na sapatos. Kaya siguro ang lakas makakatok!
"Aba sinigawan pa ko?! Ate kung hindi kita ginising malelate ka na sa pasok mo!" Pagtataray pa niya. Tumingin ako sa wall clock sa kwarto ko may 30 minutes pa naman ako. Psh..
"At kaylangan mo pa ko ihatid sa school kaya ginising na kita" Dagdag pa niya.
"Psh! Ano ako driver mo? Dun ka kay manong magpahatid!" Binalibag ko ang pagsarado ng pinto. Kumatok naman ulit si gaga.
"What now?! Kaylangan ko pa magayos!" Hindi na siya nagsalita at kinuha ang isang maliit na box galing sa bulsa niya. Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay.
"Ano naman to?" Tanong ko sakaniya. Nairita naman ang muka niya at inirapan ako.
"Box yan ate! Hindi ka ba nag preschool?!" Binatukan ko na.
"Fuck! i know its a freakin box Althea! Saan galing to?!" Napapikit nanaman siya sa pag sigaw ko.
"Eh saan pa ba galing yan?! Edi dun sa mga manliligaw mo na ang aga aga door bell ng door bell!" Hindi na ko nakasalita dahil tinalikuran na niya ko.
Hindi ko na tinignan ang laman ng box at diretso kong tinapon na sa basurahan. Psh. I hate suitors. After Alex tama na. I hate it. No one is worth my love ok? NO ONE. lahat naman ng mga lalaki mananakit diba? Tss.
Inayos ko ang sarili ko at naligo na para makapasok na. Papaalis na sana ako ng bahay ng tawagin ako ni dad. Nasa dining table sila nila mom at Althea. Tamad akong lumapit sakanila at uminom ng juice.
"Hindi ka ba mag aagahan Atilah?" Umiling lang ako sa tanong ni dad.
"Jason was here earlier. Susunduin ka sana niya kaya lang hindi ka magising" Uminom pa si dad ng kape. I stayed mute. Ayoko ng pinapakielaman nila ako pag dating sa mga manliligaw ko. Ni wala nga akong pinayagan na manligaw sakin sila lang tong makulit.
"Atilah we know your hurt from your past relationship with Ale-" Hindi ko na pinatapos si mom at sumabat na ko. Not another talk about past. Gusto nila ako mag move on nakamove on na ko. Sila nga tong hindi maka move on jan.
"Mom. Its ok. Im alright ok? Papasok na ko" Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at lumabas na.
Im on my way to school ng biglang mag ring ang phone ko. Tinignan ko ang screen at nakita ko ang pangalan ng best friend ko. Buti nalang at stop light kaya nasagot ko.
"Hello bakla? Nagdadrive ako"
[Hoy babae! Late ka na anong oras na 5 minutes nalang teh dadating na si Mr. Choi! Gusto mong matarya ka nanaman?!]
"Geez. Oo na sige na malapit na din naman ako. Ill talk to you later"
[Okaii! ]
Then i ended the call. Pinaharurot ko na ang sasakyan ko at salamat naman at walang traffic. Ilang minuto pa ang lumipas nakarating na ko sa campus. Naghanap ako ng parking at swerte ko may isang bakante malapit sa building.
Umaatras na ko para magpark ng may biglang sumulpot.Napamura pa ko bigla dahil muntikan ko ng mabangga yung sasakyan dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya. Bumaba ako ng sasakyan ko at pinalo palo ang sasakyan na gago.
"HOY!! GAGO KA BA?! MARUNONG KA BA MAGDRIVE?!" binaba niya ang salamin sa driver seat at nakita ko ang isang maputing lalaki na nakashades pang itim.
Napanganga nalang ako sa gwapo ng nilalang na to. Ang tangos ng ilong at ang pula ng labi. Damn..Dahan dahan niya pang tinanggal ang shades niya at tumingin sakin. Seryoso ang mga mata niya which made him look so hot.
"You done checking me out?" He smirked. Doon lang ako nagising sa katotohanan. Tinarayan ko siya at hinampas muli ang sasakyan niya.
"Di mo ba alam na mag papark ako jan? Muntik na kita masagasaan!" He just chuckled and opened the door to leave. Pag labas niya ng sasakyan niya napatingala ako sa tangkad niya. Like wtf?!
"Miss. I didnt know youre gonna park there...but theres a rule in parking lots right?" Napataas nalang ako ng kaliwang kilay at napahalukipkip sa pageenglish niyang diretso. Hello? Nasa pilipinas tayo?
"Finders keepers babe" he winked at me and turn his back. Tinalikuran ako?! Napa perfect O nalang ang bibig ko. Psh!
I dont have time to deal with him malelate na ko sa class! Ill deal with him later. Sana ngayon madapa siya sa hagdanan o kaya makulong siya sa elevtor!
BINABASA MO ANG
Bad Boy VS. Bad Girl [COMPLETE]
RomancePosible bang magkasundo ang isang bad boy na tulad ni Ash at bad girl na tulad ni Atilah? Who will fall first? The bad boy Ash or the Bad girl Atilah? Magiging happy ending ba ang dalawa o simula na ito ng world war III?